Prologue

8 1 0
                                    

Palinga-linga ako sa labas ng hospital habang habol ang hininga, paano ba naman nagising ako ng walang makita ni anino ng tao. Kung saan saan na ko nag susuoot. Kahit multo wala parang ewan lang, eto ba trending na prank ngayon?

- Flashback -

Dinilat ko ang aking mata ng padahan dahan, parang ang bigat kasi at pakiramdam ko ang haba kong nakatulog. Kakapuyat ko siguro 'to.

Kinusot ko pa yung mata ko para makapag adjust ang aking paningin. Dami ko na sigurong nakusot na muta bago ako makakita ng maayos. Pati muta sinisi ko na tuloy, kawawang muta...

Niligid ko ang paningin at doon ko lang namalayan na wala ako sa kwarto ko. Puro puti kasi yung paligid mula sa kisame hanggang kama na hinihigaan ko ng kasalukuyan ...nasa hospital ako?? Bigla akong napabangon ng wala sa oras.

paking shet kakapuyat ko nga siguro? Sana pala nakinig ako kay mama, kakacellphone ko ,dito na ko napadpad.

Mama - 1
Me - 0

Mother knows best nga naman.

Kinapa ko ang paligid ng kama, nagbabaka-sakali na nandito yung cellphone ko. Pero bigo akong mahanap yun.

Wala rin naman tao sa kwarto na'to kaya naisipan kong bumangon na pero napahinto ako ng maramdaman ang catheter. Dahan dahan ko iyong tinanggal. Punyemas ang sakit, ba't doon sa mga napapanood ko parang wala lang sakanila pag tinatanggal yung catheter. Scam sila huhu.

Nang tagumpay ko ng natanggal yung nakakasama ng loob na catheter, saka ako dahang dahang bumaba sa kama at kusang kinapa ng paa ko kung meron bang tsinelas. Naramdaman ko naman na meron kaya sinuot ko na. Malambot ang pagkakagawa neto at wari ko'y gawa sa cotton. Swerte nung paa ko.

Nilakad ko ang paa ko at wala naman akong naramdaman na pagkahilo. Nang medjo malayo na ko sa kama ng hospital, tsaka ko na pansin ang aking pangalan at edad sa harap ng kama.

Everly Faye David
16

Eve... ayun yung madalas nilang itawag sakin na nag mula sa first name kong Everly. Si mama nag pangalan sakin kasi panget daw yung almost name ko na naisip ni papa. Ako naman, wala akong choice kasi baby pa ko non.

Alangan namang mag salita ako sa tyan ni mama.

Saka ko naisip na plano ko pala hanapin sila mama, malaki pa naman yung hospital.

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto na nilagay ako, nilinga ko muna yung paligid. Mas clear pa sa tubig ng boracay beach yung paligid. Nasa kwarto na siguro yung mga tao. Di ko nga alam kung gabi na, nakalimutan ko kasing tignan sa bintana kong nakasara.

Tuluyan na kong lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung sa kanan o sa kaliwa ako maglalakad para mag hanap kaya napag desisyonan ko na mag eenie , meeny , miny ,mo.

Pinili nito ang kaliwa ,because he left.

Di charot wala akong jowa, kaliwa kasi nag wagi sa eenie, meeny, miny , mo.

Pumihit na ko pakaliwa at tuloy-tuloy na naglakad hanggang sa nakita ko yung Hospital Reception. Dumiretso ako doon ngunit , subalit , pero , bagamat datapwat—

Walang tao na naandon. Break time siguro o gabing gabi na talaga. Napabuntong hinginga ako at ganon na lang ang kilabot ko ng maamoy ang aking hininga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

On The Other Side Where stories live. Discover now