NIK'S POV
"Ms. alvarez! halikanga muna dito, nak" pagtawag ni ms. bautista kay sab na katabi ko lang din ng upuan, "teh, may iuutos yata sayo si ma'am" bulong ko, tumayo ito at lumapit kay ms. bautista, nakita kong may ibinigay ito kay sab na white folder.
"puwedi bang pakibigay ito sa section maxwell? pakibigay sa teacher nila" dinig kong pag-uutos ni ms. bautista rito, tumango lang si sab saka ako nilapitan.
"pst.. puwedi mo ba akong samahan? may pinabibigay kasi si ma'am sa section maxwell, saglit lang naman" paanyaya niya. bigla kong naalalang sa teacher ng maxwell nga pala ako nagtanong 'nong hindi ko mahanap ang room ng section ko.
"Eh, diba sa kabilang building pa 'yon?" at dahil tamad ako, medyo napipilitan pa akong sumama.
"oo pero okay lang naman kung ayaw mo, kaya ko naman mag-isa" may pagtatampong aniya at dahil mabait akong kaibigan, sasamahan ko na siya.
"and who says I don't want, let's go!" nagsasalubong-kilay kong sagot dahilan para mapangiti ito.
Paakyat na kami ngayon sa 2nd floor ng building papuntang maxwell section, "Ano ba 'yang pinabibigay ni maam?" pagtatakang tanong ko sabay tingin sa dala niya.
"hindi ko din alam kung ano ito at hindi ko na rin 'yon tinanong kay ma'am, baka sabihin pa niyang ang bata bata ko pa, eh, tsismosa na" natatawang sabi niya.
"hindi naman yata pilusupo si ms. bautista" natatawa ding sabi ko.
"ah, basta!"
"siya nga pala, iniimbitahan nga pala kitang pumunta bukas sa birthday ko since weekend naman at 'yon ay kung wala ka namang gagawin" natutuwang pag-invite niya saakin, "tch. kahit naman may gagawin akong importante bukas, pupunta parin ako sa birthday mo ano kaya asahan mo ang pagdating ko" nakangising sabi ko.
Namalayan nalang naming nakarating na pala kami sa pupuntahan namin, hindi muna kami agad na pumasok ng room nila at nakatayo lang sa pinto, "mga chix.." dinig naming sabi 'nong mga lalaking nakaupo sa gilid, may babaeng estudiyante 'don at lumapit saamin, "teacher ba namin ang hinahanap nyo?" tanong niya, tumango lang kami ni sab.
"wala siya dito at mamaya pa 'yon darating" seryosong sabi nito, nagkatinginan naman kami ni sab, "saan siya pumunta?" tanong ko.
"I don't know, basta ang alam lang namin, mamaya pa talaga siya darating, why? ano ba kasing kailangan niyo?" pagtataray niya, mukha namang angry birds.
"Ah- may pinabibigay kasi sakanya ang teacher-" naputol ang sasabihin ni sab nang biglang may lumapit na pamilyar na lalaki, si gideon!
"grace? what's happening here?" tanong niya doon sa babaeng angry birds at nanlaki ang mga mata niya nang tumingin ito saakin, "nik?" "gideon?!" siyempre nanlaki din ang mga mata ko.
"magkakilala kayo?" pagtatakang tanong ni sab, "mahabang estorya, t'saka ko nalang ipapaliwanag sayo" bulong ko rito.
"tss.. bahala 'nga kayo diyan" sabi 'nong babaeng mukhang angry birds saka niya kami inirapan at umalis, epal!
"w-what are you doing here?" tanong ni gideon.
"may pinabibigay kasi ang teacher namin sa teacher niyo pero mukhang wala yata siya dito at sabi 'nong grace ba 'yon? mamaya pa daw siya darating" napapangiwing sabi ko.
"Ahh.. teacher pala namin ang hinahanap nyo and yes, mamaya pa talaga 'yon darating pero... puwedi namang saakin nyo muna ibigay 'yan at ako na mismo ang magbibigay sakaniya pagdating niya since I am the class president" nakangiting sabi nito, nagtinginan muna kami ni sab.
"mapagkakatiwalaan naman siguro siya ano?" pabulong na tanong nito, "class president daw, eh, kaya sige, hayaan nating siya nalang mismo magbigay sa teacher nila" pabulong na sagot ko, huminga ng malalim si sab saka iniabot kay gideon ang white folder.
"bahala kana diyan, ah, salamat!" nakangising saad ko, "for you, yes" sagot nito saka niya ako kinindatan, wow!? may pa-wink pa, ah.
Tumalikod na kami ni sab at umalis para bumalik na sa classroom, "magkakilala pala kayo ni gideon?"
"oo, siyempre kaibigan siya ni tantan"
Napatingin ito saakin, "paano mo naman nalamang kaibigan siya ni tantan?"
"ah.. eh, minsan kasi, nakikita kong magkakasama sila" sagot ko.
"Nakakapagod rin pala ang pag-akyat baba sa hagdan, diyos ko" pagbabago ko sa usapan sabay hawak sa dibdib ko na kunwari'y hinihingal sa pagod.
Mahaba-haba din ang nilakad namin bago kami nakabalik sa classroom dahil bukod sa nag-uusap pa kami habang naglalakad, Eh, sobrang bagal pa maglakad ni sab kaya wala akong ibang magawa kundi hintayin siya.
Kasalukuyang nagle-lecture ang pinakaboring na teacher namin sa science, hinihikab ako habang walang ganang nakikinig at gan'on parin hanggang sa next subject na tinalakay namin, nawala lang ang pagka-boring ko nang mag-breaktime na kami dahil 'yon ang pinakamagandang subject, pinakamaganda para saakin haha.
Papunta na sana ako ng canteen para bumili ng pagkain nang biglang nahagip ng paningin ko si tantan, papunta din siya ng canteen at sa tingin ko.. hindi niya ako napansin.
napangiti ako ng nakakaloko dahil nakaisip na naman ako ng magandang plano! oo, maganda 'yon, papansin kasi ako, eh.
Palihim ko siyang susundan hanggang sa hindi na niya namamalayang nasa likod na pala niya ako at 'doon ay gugulatin ko siya.
Pero 'nong nasa likod na niya ako..
Napahinto siya!
"I know, thats you" at dahil sensitive siya, ayun! nahuli niya ako agad, bwiset! napapakamot-ulo akong sumipot sabay ngisi, "Hala- paano mo nalaman? hihi"
"mga yapak mo pa lang yata, alam ko na" napapamaang niyang sabi habang naka-krus ang mga braso.
"Edi, wow"
"ano bang kailangan mo?" malamig ang pagkakasabi niya 'don.
"ikaw"
"what did you say?"
"sabi ko tara na! pumunta na tayo ng canteen, nagugutom na ako, eh. haha" pagdedeny ko, "hindi naman ako sa canteen pupunta, sa library" napapabuntong-hiningang aniya.
"bakit sa library? may makakain ba 'don?" nagsasalubong-kilay kong sabi pero tumalikod na ito at naglakad.
Sinundan ko siya at hinarang dahilan para mapahinto siya, "hindi pa 'nga tayo tapos mag-usap, tinatalikuran mo na ako. kumain muna kasi tayo ng lunch" hinihila ko pa sya papuntang canteen, "ayaw ko 'nga sabi" angal niya, "please.." kuminang na ang mga mata ko sa pakikiusap haha!
TANTAN'S POV
Bumuntong-hininga ako at tiningnan siya sa mata, bakit ba kasi talaga niya ako pinipilit?, nakakainis! "okay, fine" walang ganang saad ko, "yes!" dinig kong pagkatuwa niya.
Nagtaka ako dahil hinila niya ko papunta sa may mga nagtitinda ng ice cream, what the fuck! ito na ba ang lunch na sinasabi niya?,"manong, pabili po dalawa, 'yong may pinakamatamis na flavor sana" request niya 'don sa matandang lalaki na nagtitinda ng ice cream saka niya kinindatan, "Hija, ibig mo bang sabihin eh.. kasing tamis ng pagmamahalan nyo ng kasintahan mo" sabi 'nong nagtitinda ng ice cream saka niya ako inginuso na sobra kong ikinainis, nakita ko namang namumula na si nik, "manong, hindi ko ho siya girlfriend" kunot-noong pagsabat ko pero mahinahon parin.
"k- kaibigan lang ho" puno ng pamumulang ani nik sa matandang lalaki, "baka naman, ka-ibigan" pagbibiro 'nong nagtitinda ng ice cream saka sila nagtawanan ni nik, samantalang ako ay kunot-noo at naiinis na nakatingin sakanila.
YOU ARE READING
Chasing that introvert guy [ONGOING]
Teen FictionRomance and teen-fic story that I dedicate to those people who are hoping for a crushback from their crush. ** NOTE: Never ending love is now 'chasing that introvert guy' binago ko lang po ang pamagat ng nobelang ito kaya wag po sana kayong malito...
![Chasing that introvert guy [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/318661445-64-k443032.jpg)