NIK'S POV
Nakapila na ako ngayon sa canteen para um-order dahil recces na namin, sandwich at juice lang binili ko saka ako humilera sa mga nakapila papalapit sa kahera, feeling ko kasi kanina pa kumakalam 'tong sikmura ko.
"85 pesos" sabi ng kahera habang busy sa pagpipipindot sa makinang kaharap niya at dahil naka- budget ang pera ko, 'yan lang ang babayaran ko.
Halos mabitawan ko ang maliit na serving tray na dala-dala ko nang bigla kong makitang mag-isang nakaupo at kumakain si tantan sa canteen table, nagdadalawang-isip ako kung lalapitan at tatabihan ko ba siya o hindi.
oh, tusko... layuan mo ako...
"miss? oorder ka pa, ba? kasi kanina ka pa nakatayo diyan, eh" naiinis na sabi ng customer na kasunod ko sa pila, ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala ako umaalis sa line.
Napakamot-ulo ako sabay ngisi.
"pasensya na..."
tumingin ulit ako kay tantan, pagkakataon ko na 'to para mapansin niya kaya ako na ang magfi-first move ngunit.. habang palapit ako nang palapit sakanya, lalo ding lumalakas ang tibok ng puso ko.
"puwedi ba akong makitabi?" lakas loob kong sabi, tinitigan muna niya ako ng ilang sigundo saka tumango.
kalandian spotted!
nang mapagtanto kong ayaw niyang magsalita ay ako na ang nag-adjust, ako na ang dumadal sakaniya.
"alam mo? maganda rin pala rito sa MIS noh? maraming mababait na students, nakakatuwa hehehe" ngingiti-ngiting sabi ko ngunit kumakain lang ito at walang kibo, hindi ko alam kung nakikinig ba siya o hindi.
Hindi ako susuko! dadaldal ako hanggang sa magsalita siya.
"sa pinanggalingan ko kasing private school, kaunti lang ang estudiyante kaya medyo bored" dagdag ko pa.
"pero dito sa MIS, hindi lang estudiyante ang mababait kundi pati 'yong mga teacher, 'yong iba kasi masusungit eh t'saka hindi tinuturuan ng maayos 'yong estudiyante niya hehe"
"mabuti na lang dito ko naisipang lumipat"
Dumaldal na ako nang dumaladal pero wala paring talab, ayaw talaga niyang magsalita.
kaya mo 'yan nik!
"teka... pipi kaba? bakit ayaw mong magsalita?" seryosong sabi ko kahit deep inside nagbibiro lang naman ako, nanatili parin itong tahimik.
"ahh... okay... pipi ka nga" pagbibiro ko, nakita kong napabuntong-hininga ito.
"so, what do you want me to say" ayun oh! 'yan ang gusto ko, sa wakas nagsalita rin kahit napilitan lang.
"a-ah eh wala lang hehehehe hi" nakangising sabi ko sabay kaway na animu'y sinapian ng demonyo, ano ba kasi 'tong pinagagagawa ko? demonyo ng kalandian plus papansin.
Nag-smirk siya.
"nonsense" dinig kong sabi nya saka nito binalik ang kanyang pansin 'don sa pagkain nya.
"wow, nonsense agad? hindi ba puweding gusto lang magpakilala 'nong tao?" pagtutukoy ko sa sarili ko.
"by the way, my name is nik" nilahad ko ang kamay ko pero hindi nya ako kinamayan at muli na naman itong napabuntong-hininga.
"we already know each other" saad nito na para bang wala talagang interes na makilala ako, sabagay.. nag- introduce na rin naman ako sa klase saka pinakilala na siya saakin ni ms. bautista.
"oo, nag- introduce na ako sa klase pero kahit na.. iba parin kasi 'yong tayong dalawa lang magkikilala" pangungulit ko, hindi ko parin ibinababa ang aking kamay.
"hoy.. sige na.. hindi ko talaga ibababa itong kamay ko hangga't hindi mo ako kinakamayan" panghahamon ko.
bumuntong-hininga na naman ito.
"tantan" napipilitang pagsabi sa pangalan nya ngunit hindi parin ito nakikipag- shake hands saakin, nakangusong pagtatampo kong ibinaba ang kamay ko, ayaw talaga nitong makipag-shake hands.
Nagtaka ako dahil tumayo siya at naglakad paalis, napansin ko rin na naubos na nya ang pagkain nya, hindi ko pa nauubos ang pagkain ko pero iniwan ko na 'yon sa mesa at sinundan si tantan.
"sandali! ikaw naman, hindi mo naman ako hinihintay, okay, sino ba naman ako 'diba?, isa lang naman akong talkative girl na bigla nalang nakitabi sayo sa mesa tapos nakikipagkilala--" naputol ang kadadaldal ko sakanya sa daan dahil may apat na lalaki kaming nakasalubong na biglang hinawakan ng isa sakanila ang balikat ni tantan.
Mga kaibigan nya sila.
"may kasama ka yatang chix" dinig kong bulong 'nong isa sakanila na humawak kay tantan.
"hi" nakangiti akong nilapitan saka binati 'nong kasamahan nila.
"kung hindi ako nagkakamali, ikaw yata 'yong nakita kong nagtanong kahapon sa teacher namin" nakangising aniya, inalala ko pa kung may napagtanungan ba akong teacher kahapon, bigla kong natandaan 'yong teacher na nagturo saakin kung saan ko makikita ang section ko.
"section maxwell, remember?" pagpapaalala niya.
"oo, ako nga 'yon. 'yong nagtanong sa teacher niyo" saad ko t'saka ngumiti.
"from section maxwell ka pala" dagdag ko pa.
"yes. and you? I think you're transferee, am I right?" saad nya na animu'y manghuhula.
Tumango lang ako.
"by the way, gideon" paglalahad nya sa kamay niya.
"nik" kinamayan ko.
Paglingon ko ay wala na si tantan at tanging mga kasama lang nya ang naiwang nakatingin saamin ni gideon, hindi ko namalayan ang pag-alis ng lalaking 'yon, ah!
"a-ah s-sige gideon, ah. see you next time, kailangan ko na kasing bumalik sa classroom namin, eh" pagpapaalam ko saka na ako tumakbo paalis. hindi manlang siya nagpaalam na aalis na siya, ang panget naman niyang ka-bonding!
"wait! hindi diyan ang--" pagpipigil ni gideon pero hindi ko na pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
nang ilang minuto na akong tumatakbo ay kaagad akong napahinto dahil na-realize kong papunta pala sa kabilang canteen itong nadaanan ko at hindi papunta sa classroom, what the heck! what the fuck! bwiset!
kung hinintay lang kasi ako ng tantan na 'yon, hindi sana ako maliligaw ng daan, palibhasa'y baguhan lang ako kaya hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa malaking school na 'to.
pagkatapos ng twenty minutes ay mabuti nalang at nahanap ko na rin ang daan pabalik ng classroom ngunit pagdating ko roon ay kasalukuyan ng nagtuturo ang math teacher namin.
"oh, ms. salvacion? bakit ngayon ka lang?" pagtatakang tanong ni mr. dominique, tiningnan ko si tantan ngunit nag-smirk lang sya.
"but it doesn't matter anymore, go to your seat" pag-uutos nito kaya pumunta na ako sa upuan ko at itinuon ulit ni sir ang pansin nya 'don sa nile- lecture nya.
Pawisan at hanggang ngayon ay kumakabog parin ang dibdib ko sa pagod, tiningnan ko ulit si tantan na focus na focus sa nile- lecture ni sir.
Pakiramdam ko, naging sobrang papansin na yata ako sakaniya, nakukulitan na siguro siya saakin pero hindi bahala na, hehe.. atleast napansin nya ako, haist, buong buhay ko, ngayon lang ako naging papansin ng sobra sa taong nagugustuhan ko, ewan ko ba, tss.
PAGKATAPOS mag-lecture ni mr. dominique at iba pang subject teacher namin ay nag-uwian narin kami, nandito ako ngayon sa school waiting shed kasama ang mga katulad kong estudiyante na naghihintay rin ng sundo, si kuya chandler kasi ang susundo saakin.
Nakita kong dumaan si tantan kasama ang mga kaibigan nya pero hindi niya ako nakita dahil sa dami ng estudiyante at mga sasakyang dumadaan at dahil narin 'don ay hindi ko na muna siya nilapitan, magkikita pa naman kami bukas, 'may bukas pa' ika nga nila haha.
YOU ARE READING
Chasing that introvert guy [ONGOING]
Teen FictionRomance and teen-fic story that I dedicate to those people who are hoping for a crushback from their crush. ** NOTE: Never ending love is now 'chasing that introvert guy' binago ko lang po ang pamagat ng nobelang ito kaya wag po sana kayong malito...
![Chasing that introvert guy [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/318661445-64-k443032.jpg)