CHAPTER 70: WHERE IT BEGINS

Comincia dall'inizio
                                    

Uubo-ubo silang lumabas sa nasusunog na gusali at sumalubong sa kanila ang inip na mukha ng KG6 at ang nag-aalalang mukha naman ng Shixies at TrasteSons. Agad namang tumulong sa kanila ang mga ito maliban sa KG6 na papuntang sasakyan.

"Hindi talaga uso sa inyo ang salitang 'tulong' ano" biro ni Xai.

"Tulong? Si Vexia tutulungan namin? Oh c'mon girl" si Liya habang papuntang kotse.

"Mamatay na tayong lahat di parin iyan hihingi ng tulong" segunda ni Clei at sumunod kay Liya.

"What happened?" Di mapakaling tanong ni Deeja nang lapitan niya si Vexia.

"What?!" Balik tanong niya.

"You've been disorientated in 3 minutes" direchong sagot ni Deeja. Dahil nakita niya kung paanong nawala si Vexia sa kanyang sarili habang pinalilibutan siya ng apoy.

Napatigil naman sa paglalakad si Vexia sabay tingin sa kanya. Mata sa mata hanggang unang nag-iwas si Vexia at naglakad palayo. Bigla niyang niyakap ang likod ni Vexia at bumulong ng

"Every strong girl has a weak part. And you just give her a hug" bulong niya.

"Thank you" si Vexia at tinapik ang braso ni Deeja sa kanyang leeg.

"Let's go" rinig nilang sigaw ni Kyle at inakay ang katawan ni Mikhail papuntang sasakyan.

"Wait. This is the finale" si Zai at may pinindot.

Sumabog ng tuluyan ang gusali at nagkapira-piraso ito. Mas lalong nagliyab ang paligid. At tumindi ang pag-ubo ng TrasteSons at Shixies dahil medyo malapit sila sa gusali.

"Te naman! Di mo nga kami pinatay sa Gang Battle pero papatayin mo naman kami sa lung cancer!" Maktol ni Xai sabay ubo.

"Tse! Bilisan niyo. Tara na" sagot nito at pinaandar ang kotse.

Nagkanya-kanya silang landas. Binilinan narin ni Vexia ang dalawang grupo at nagpasalamat dahil umepal pa sila.

************************

Tahimik na na tinatahak ni Vexia ang daan patungong Rebecchini Hights. Ilang taon narin niyang binalak puntahan ito ngunit mabigat parin sa kanyang dibdib ang mga ala-ala niya dito lalo na't nasaksihan na naman niya kanina ang mapait na senarion sa kanyang murang edad.

Tumingin siya sa daang tinatahak dahil medyo makipot ito at puro kakahuyan. Nagdrive pa siya ng ilang oras hanggang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag.

"Vex. Nandito na kami. Nakarating narin ang KG5 sa kanilang destinasyon". Si Zai.

"Ok" tanging sagot niya at pinatay ang aparato.

Pinagpatuloy niya ang pagdri-drive hanggang nasa harapan na niya ang isang mataas na gate. Kulay itim ito na may palamuting ginto. Bumuntong hininga muna siya bago pinindot ang parang remote control na susi upang buksan ang gate. Bumukas naman ito kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa pathway. Pinasok niya ang kanyang kotse at pinark sa mismong harapan ng bahay.

Lumabas siya at tumayo sa harapan. Kung titignan ang bahay ay parang may nakatira pa dahil mukhang maayos naman ito at alagang-alaga parin ang garden. Bumuntong-hininga ulit siya at kinuha ang susi sa kanyang bulsa upang buksan ang pintuan.

~~~~~~~~~~~~
MEANWHILE
~~~~~~~~~~~~

Liya's Place

"Mahal ko. Gising na. Gising na" si Liya habang pinipitik ang ilong ni Owen.

Magdadalawang oras na simula ng tinurukan niya ito ng lason at hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising. Pinagmasdan niya ang natutulog na kasintahan at ninakawan niya ito ng halik sa labi.

The Reaper's LoverDove le storie prendono vita. Scoprilo ora