GLIMPSE 01

1.3K 133 577
                                    

AT THE BACK STAGE

Diane's P.O.V.

May exam na naman pala bukas. As usual, wala na namang laman ang utak ko. Huling taon ko na sa kolehiyo. Walong exams kasama ang nakakakabang pre-board at dalawang thesis defense na lang ay ga-graduate na ako sa kursong Accountancy.

Nakakatuwa lang isipin na kaunti na lang ay matutupad ko na rin isa-isa ang mga pangarap ko — pati na rin ang pangarap ko para sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko sa bawat araw na dumadaan. Sila ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko at patuloy lang na bumabangon sa bawat laban ng buhay.

Kaunting tiis na lang, Diane. You can do it!

Mahirap maging kolehiyala sa umaga at dancer naman sa gabi... pero hindi kami mayaman kaya kailangan kong maging working student. Kailangan kong kumita ng pera kung kaya't pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kailangan kong mag-ipon para sa future.

Bukod doon ay may dalawa pa akong pinapag-aral na mga kapatid: isang fourth year high school at isang grade six. Bata pa lamang kami nang mamatay ang aming ama. Ang aming ina mula noon ay naging sakitin na rin. Kahit papaano, sobrang thankful na rin talaga ako at may sarili kaming bahay na naiwan ng ama naming pulis. At least, nakabawas man lang sa mga gastusin.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga ginustong maging dancer sa club, pero iyon lang talaga ang trabahong pang-gabi na bukod sa matutustusan na ang aming pag-aaral na magkakapatid, ay maipagpapatuloy pa ang araw-araw na medication ni Mama.

Mayroon siyang high blood. Halos linggo-linggo kung atakihin siya. Mahirap maging panganay, pero alang-alang sa kanila ay handa akong magsakripisyo at gawin ang lahat.

Ano ba naman iyong kaunting indak at seksing katawan na makikita ng mga customer kung hindi naman nila makikita ang aking mukha dahil sa suot kong maskara? Kaibigan ni Mama ang may-ari ng club at iyon ang aming usapan. Hindi rin ako pwedeng i-table at lalong hindi ako magsusuot ng mga damit na halos kita na ang kaluluwa.

Sabihin na ng iba na maarte ako pero conservative pa rin naman ako kahit papaano. Hindi lahat ng dancer ay bayaran at hindi por que dancer ay 'go all the way' na. Ibahin niyo si Diane.

Kahit maraming may gusto na maka-table ako ay hindi ko talaga sila pinagbibigyan. Kahit bigyan pa nila ako ng malaking tip, hindi ko pa rin sila papansinin. Minsan nga'y may lumapit sa akin at nag-offer ng gintong kwintas at relo, iyon... nilayasan ko!

But above all these, may isang customer pala ang pinayagan kong makausap ako at iyon ay walang iba kung hindi si Leandro.

"Clariz, ikaw na ang susunod!" narinig kong sigaw ni Martina sa pinto ng dressing room.

Tumango lamang ako habang nagliligpit ng mga gamit dito. Ang iba naman kasing dancers ay ang gugulo ng mga gamit at sapatos. Nagkalat ang iba't ibang makikislap na damit at mga makeup, kung kaya't hindi maiwasan ang magkahanapan lalo na kung kailangan na nila ang mga ito.

Dito sa club, hindi namin sinasabi ang tunay naming mga pangalan. 'Yang si Martina? Maria Cristina ang tunay na pangalan niyan at isa siya sa mga may ayaw sa akin. Pinapaboran daw kasi ako palagi ng may-ari, kahit na ang dami kong requests.

Anyway, Clariz was my second name at hindi ko alam kung anong trip niya para palagi na lang akong tawagin sa tunay kong pangalan — when my nickname here should be Claire. Minsan, hindi ko na lang siya pinapansin. Tinatawanan ko na lang nang palihim. Napaka-insecure kasi.

Ang dami niyang issue sa buhay! Hindi na naubusan. Pati ang mga bagong dancer at waitress sa club ay binu-bully niya. Pero tingin ko'y ako talaga ang pinaka-kinaiinisan niya sa lahat.

MY DARK PAST [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon