20

78 4 0
                                    

"Hindi naman po masyadong malala ang sugat niya. Pasensya na rin kung siya ang nakakuha ng hampas na 'yon imbes na si Ma'am Army. Hinihintay lang ng team namin ang go signal niya and we already have the details about those boys. We can't promise that this won't happen again but we will do our best just to keep them safe."

Nagising ako sa boses na 'yon. Napamulat ako at mariing napapikit sa sobrang liwanag ng ilaw.

"Ken! Jusmiyo! Anak ko!" Napalingon ako sa nag-aalalang boses na iyon.

"Ma!" Nakangiting tugon ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo, anak?" Si Papa habang nakaalalay sa likod ni Mama.

"Pa!" Agad silang lumapit sa akin. "Ayos lang po ako."

"Wala bang masakit sayo?" Aning Mama na bahagyang hinawakan ang ulo ko. May bandage ang ulo ko kaya nabibigatan ako.

"Wala na po. Pinainom na din ako ng gamot kanina at pahinga lang ang bagay dito.." nakangiti kong sambit.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Nakatayo ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-40s ang edad at sa likod niya ay mga lalakeng naka tuxedo. RID.

"Si Jane?" Tanong ko sa kanila.

"Kakalabas lang, Sir Ken. Sinundo ang President sa lobby.." sagot nung babae.

"Si Stell at Eli?" Muling tanong ko.

"Nasa labas din."

Tumango nalang ako. Tinulungan ako ni Mama na bumangon bago nagsalita ulit ang babae.

"So.. we'll go ahead. We'll call you Mr. and Mrs. Suson for the update." Aniya. Nagpasalamat si Papa sa kanila at tumango naman silang lahat bago lumabas.

"Dre! Kamusta?" Dinig kong sigaw ni Stell at kasunod naman niyang pumasok si Eli, Josh, Pablo, at Justin.

"Wala bang basag ang bungo mo?" Agad na tanong ni Josh at tumabi sa akin.

"Sira!" Natatawang sambit ko.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto. 8:45pm, quarter to 9pm na pala.

"Mag-aalas nuebe na ah? Ba't pa kayo nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Galing kami sa training. Napakaboring naman sa office kase tatlo lang din naman kami kaya pumunta nalang kami dito." Sagot ni Justin.

"Buti pinayagan kayo?" Sulpot ni Mama na may dalang mansanas.

"Nasa Korea naman po silang lahat para ayusin ang pagrereschedule ng debut namin. Sila Manager Anne at Ate Rose lang ang nandoon.." sagot ni Pablo.

Tuloy tuloy lang ang kwentuhan nila sa may sofa nang biglang pumasok si Jane kasama Ang president. Napaayos ako ng upo at agad namang umalalay si Papa na kakalabas lang sa CR.

"Good evening po.." nakangiting bati ko at bahagya naman siyang ngumiti sa akin.

"Good evening.. I came here just to say sorry." Seryoso at may bahid ng sinsero niyang sabi. "I know you don't deserve this-"

"Mr. President.. it's part if my job. Kahit naman po na hindi namin inaasahan ang pangyayaring iyon.." sinsero ko ding tugon at umaliwalas naman ang mukha niya.

"And thank you ren Mr. Ajero for being there and.. where's Amelia?" Nagtatakang tanong ni President habang sumisilip silip pa sa mga gawi nila.

"Wala po yun, Sir and Eli is in-" naputol ang sinabing 'yun ni Stell sa biglang sagot ni Eli.

"I'm here!" Malakas na sigaw ni Eli mula sa CR. Hindi ko siya namalayang pumasok doon.

"Yeah.." napahugot ng malalim na hininga si Stell at hindi na sumagot pa.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now