25

79 3 2
                                    

"Paano mo pala nalaman na may tao sa room na 'yon?" Takang tanong ko habang nasa byahe kami pabalik sa University.

"Dating kwarto 'yon ng Mommy ko. Mataas ang trust issues niya sa bahay na 'yon since she always doesn't feel safe. Palagi silang nag aaway ni Violet at madalas ay may nawawala na mahahalagang gamit sa kanya that's why she asked someone to develop something that will notify her when someone enters her room." Mahabang paliwanag niya.

Hindi na ako nagsalita pa at maya-maya pa ay nakarating na kami sa University.

"Thank you sa pagsama." Aniya at ngumiti... ng pagkaganda-ganda.

Ngumiti lang din ako at akmang sasagot na nang bigla naman siyang humarurot paalis ng parking lot. 'Yun na 'yon?

Nanatili akong nakatayo ng ilang minuto bago tinahak ang daan papasok sa loob.

Nagsimula nang magligpit ang lahat. Tapos na ata. Mag aalas dose na din ng hatinggabi kaya kokonti nalang ang tao dito sa loob ng Gymnasium.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko nang bigla itong tumunog.

Justin Calling...

[Sa'n ka? Sumunod ka dito kina Stell, andito kami lahat.] Aniya at dinig ko ang ingay nila sa kabilang linya.

"Sige. Papunta na 'ko." Sagot ko at agad na pinatay ang tawag.

Dumiretso na ako sa sasakyan at mabilis na nakarating kina Stell. Medyo alam ko na rin naman mag-drive.

Abot hanggang labas ang ingay nila sa loob. Pagkapasok ko ay nagkalat ang mga bote at lata ng beer sa sahig na basta basta nalang inihagis. Bigla ay narinig ko si Pablo na nagsalita. Maingat akong naglakad at baka bigla akong matisod dito sa dami ng kalat.

"Wala rin naman tayong magagawa kung importante talaga ang ipinunta niya sa Japan. Trabaho 'yun eh." Si Pablo habang nakaluhod sa sahig at inaalo si Stell na may hawak na bote ng beer.

Nasa kusina silang apat. Si Justin ay nasa lamesa habang kumakain ng pizza habang si Josh ay nakiinom rin. Tahimik lang.

"Anong nangyari?" Biglang sabat ko at sabay na napalingon si Pablo at Stell sa akin.

"Sinubukan niyang kausapin si Jaxx kanina tungkol kay Eli. Konting-konti nalang kasi at mababaliw na 'tong kaibigan natin. Hindi nakatiis." Aning Josh.

"Tapos?" Naki-upo na rin ako sa sahig, katamad tumayo kaya.

"Hindi sinabi. Masyadong confidential daw." Sabi ni Pablo.

"G-gusto ko lang naman siyang m-makita... o k-kaya makausap kahit i-ilang minuto lang.." humihikbing sambit ni Stell.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Kung ganito.. ayoko nalang maranasan.

"Babalik naman 'yon kapag okay na eh." Sabi ko nalang.

Naging ganun lang kami ng halos isang oras bago makatulog si Stell sa kakaiyak at dala na rin sa tama ng alak. Sinimulan kong linisin ang kalat niya sa sala at ang iba naman ay sa kusina. Dito na rin kami natulog lahat.

ARAW-ARAW ay hindi namin hinahayaan na mawala sa paningin namin si Stell kapag kasama namin ito. Palala ng palala ang pag iinom niya na naging dahilan kaya nakakaabsent siya ng halos isang linggo sa school. Depressed kumbaga. Samantalang kadalasan na kasama niya ay si Pablo at Justin since sila lang naman 'tong halos walang ginagawa sa buhay.

"Tawag ka ni Ma'am sa office." Bahagyang kumatok si Jason sa table ko.

"Ha? S-sige. Thank you!" Sagot ko at saka ako tinanguan.

Saglit akong uminom ng tubig bago nagtungo sa office ni Jane. Tatlong beses akong kumatok bago pumasok at nadatnan ko siyang busy sa pagbabasa at pagpipirma ng mga papeles sa table niya.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now