2

152 9 0
                                    

"Kain ka muna. May ginagawa pa ata yung boss ko kaya natagalan. Pasensya na." Nilapagan ako ni ate ng dalawang maliit na box at isang mineral water. Transparent yung box kaya kita ko ang nakakatakam na flavor ng cake.

"Okay lang, ate. Thank you!" Mabagal kong binuksan ang box kunwari binabasa ko mga nakasulat pero wala talaga akong naintindihan kase naka Korean.

Kinuha niya ang isang swivel chair sa katabing station at umupo sa tabi ko.

"Anyway, I also filed a pregnancy leave kase medyo lumalaki na ang tyan ko at bawal ako ma-stress sabi ng doktor. If ever na ma-approve yung leave ko, pwede bang ikaw pa rin maging secretary dito?" Mahinang aniya.

Nabilaukan ako sa sinabi niyang yun. Ibig sabihin magtatagal ako dito? Seriously?

"Bakit ako? Madami akong ginagawa ate tsaka in few months pupunta kaming Korea para magrecord at mag shoot. Madami ka namang kaibigan ah? Sila nalang." Labag sa loob na sagot ko.

"After mo gumraduate, mag aapply ka pa rin naman dito ah? Hindi ba't pangarap mo din tong kompanyang to na pagtrabahuan? Magiging madali nalang sayo ang makapasok in the future since kilala ka na dito lalo na ang magiging boss mo."

"Oo nga. Pero ayoko namang gawing advantage 'yun. We don't know if matatanggap pa rin ba ako dito in the future baka nga di na rin nila ako makilala eh." Sagot ko.

"Hindi pa kami hiring ngayon kaya mahirap maghanap ng ipapalit sa akin kasi sandali lang naman akong mawawala. Kapag may nasisante ay doon pa lang kami nagbubukas ng slots para mapalitan agad ang nawala. Makakadagdag din ito for your expenses kapag pumunta na kayo sa Korea. Iilang buwan lang din naman hanggang sa manganak ako."

Napapadyak ako sa paa ko na parang bata at ngumuso. Paano ba ako mananalo sa babaeng 'to?

"Tapos ako naman ang bugbog at hindi malaman kung paano pang time management ang gagawin ko." Sarkastikong sabi ko. "Kapag yung pamangkin ko hindi kasing pogi ko paglabas, ewan ko nalang kung saan nagmana 'yan." Tinawanan niya nalang ako sa naging reaksyon ko. Sandali pa kaming nagbibiruan nang may biglang sumulpot na babae sa harap namin.

"Jackie, hanap ka na ni Ma'am. Bilisan mo at mukhang mainit ang ulo." Mabilis siyang umalis at bumalik sa station niya.

"Sige, salamat!" Aniya at tumayo na. "Let's go."

Kinompose ko ang sarili ko at chineck ang uniform ko kung malinis pa ba at walang gusot. Naghintay pa ako sa labas bago ako tinawag ni Ate para pumasok. Dahan dahan kong itinulak ang glass door at hindi ko halos malaman kung itatapak ko pa ba ang paa ko o hindi. Nahihiya akong dumihan ang sahig. Wala bang shoe sock dito? Mas mahal pa ata to kesa sa buhay ko. Pwede ka na rin manalamin dito at kahit kaluluwa mo ay makikita sa sobrang kintab.

"Hindi ka sasagutin ng sahig na 'yan kahit titigan mo pa habambuhay." Nanindig ang mga balahibo ko sa malamig na boses na 'yon. "Papasok ka ba o hindi?"

Nakatalikod ang swivel chair niya sa gawi namin ni ate pero bakas sa boses nito ang lamig at pagka-masungit.

"Sorry po." Agad akong pumasok sa loob at halos mapanganga ako sa ganda. Naghahalo ang kulay itim, gray at pulang kulay mula sa dingding hanggang sa mga gamit.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry. Better drop that word when you are talking to me. Got it?" Parang nagslow motion ang pagharap niya sa akin at kusa akong natulala.

She's wearing a black turtleneck and a black coat. Looks like she also like blacks. Nabalik ako sa katinuan nang bigla akong sikuhin ni ate at walang emosyon namang nakatingin sa akin yung boss niya.

"S-sor-.. I-I mean.. Got it!" Nauutal na sagot ko. Shit! Tama nga si Pablo, masungit nga to.

Natigil ang paningin ko sa pangalang nakaukit sa harap niya.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin