-16

20 3 0
                                    





HINDI ko maiwasang hindi kiligin sa pinagsasabi ni Matthew. Ako naman tong haiishh nevermind




"Andito na tayo" Sabi niya. Napatingin ako kung saan kami huminto

Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung gaano kahaba ang nilakad namin

"Hoy! Ang layo-layo nang nilakad natin tapos dito lang pala yun!" Sabi ko sa kanya

"Eh kasi kung hindi tayo dadaan sa mga puno, edi patay na tayo wala pa naman akong dalang armas tsk tsk" Sabi niya

"Hala siya nasaan ba kasi talaga tayo??" Tanong ko

"Hindi ko din alam basta ang alam ko ito ang lugar kung saan tayo magtatago" Sabi niya. Gulo niya talaga




Nanahimik nalang ako para hindi na humaba pa ang conversation naming dalawa. Iba talaga kapag kasama ko siya feel ko safe ko kahit ano mang oras "Mika, bakit ka tulala? Is there something wrong?" Tanong niya



"Wala naman, tara na" Sabi ko dahil wala nang parang panaginip o di kaya sumasakit ulo ay hindi kumikirot pala



Akmang papasok ako sa hinintuan namin pero pinigilan ako ni Matthew "Bakit?" Tanong ko



"Hindi diyan. Hindi dyan ang lugar, tara sa likod ng bahay" Sabi niya kaya naman naguluhan ulit ang utak ko


Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya kaysa naman mapahamak ako sa labas



Pagka punta namin sa likod nang bahay ay may binuksan siya "Dyan tayo magtatago?" Tanomg ko sa kanya. Kasi naman nakakamangha! May lugar pala sa ilalim ng isang bakanteng lote dito sa likod



Tumango siya "Pasok na Mika, andyan silang lahat sa loob at may ipapakilala ako sayo mamaya" Sabi niya sakin



Sinunod ko naman ang gusto niya.


Pagkapasok ko sa loob ay nagulat ako. May hagdanan pa! "Bababain ko ba 'to Matthew?!" Sigaw ko para naman marinig ako


"Oo! Sundan mo lang ang hagdanan kapag nandun ka na sa may pintuan ay antayin mo ko" Sabi niya. Sumang-ayon nalang ako


Sobrang dilim, buti nalang ay kahit papaano ay dahan dahan lang ako sa pagbaba dahil baka mahulog ako. Napaka daming stares


Nang mapuntahan ko ang pinakadulo at nakaharap ko ang pintuan ay inantay ko si Matthew. Sinunod ko ang sabi niya. Naiintindihan ko kung matagal siya dahil mahaba naman talaga ang mga hagdanan, akala ko nga nung una ay mali ang dinadaanan ko.



Naiinip na ako ilang minuto na din akong nag-aantay dito, pero aantayin ko padin si Matthew baka naman dahan dahan lang din siya diba? O baka nahulog niya ay mali! Wag na wag kang mag-iisip ng ganun Mikasa!




Asan na kaya siya? Wag mo naman sabihin na nahuli siya nang kalaban! Shit! Bahala na.





Umakyat ako muli sa taas dahil kinakabahan ako baka kung anong mangyari kay Matthew! Kanina lang ang saya-saya namin eh, sheeeshhh wag ka talagang mag-isip nang mga ganun!



Dahil sa pagmamadali ko nang pag-akyat muli nang hagdanan ay nadulas ako! "ARGHHH!" Daing ko nang nadulas ako at dahil madilim ay hindi ko makita kung may sugat ako pero ang alam ko ay natanggal ang pagkakabalot ng tela sa braso ko! Yung nadaplisan ng bala! "Shit! Baka inanbandona na ako ni Matthew" Bulong ko sa sarili ko




"MIKA!" Rinig kong may tumawag sakin!





"S-sino yan!?" Tanong ko, dahil nararamdaman kong kumikirot nanaman ang ulo ko! Ang sakit sobrang sakit. Kaya maya-maya ay unti-unting pumikit ang mga mata ko,




Love Is Just A Game (COMPLETE)Where stories live. Discover now