HPC 1

21 4 0
                                    

"Ms. Perez."

Napangiti ako nang tawagin ng adviser namin ang apelyido ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dumiretso sa harapan. Nakatayo roon si Ma'am Vega kasama si mama na nakangiti sa akin. Lumawak pa lalo ang ngiti ko.

Habang dinadaanan ko ang mga kaklase ko, naririnig ko ang mga bulungan nila tungkol sa akin habang tumitingin sa direksyon ko. Napawi ang ngiti ko pero nanatili akong kalmado at composed. This is a special day for me, and for my mother.

Ginaganap ngayon ang First Quarter Recognition sa loob ng Auditorium. Isa ako sa mga transferee at scholar ng Clifford University. Nginitian ko si Clifford Rodriguez na seryoso lang ang mukha habang dinadaanan ko siya. Siya rin ang Top 1 namin. Tie kami. Ngumiti ako sa adviser namin na si Ma'am Vega bago ako nakipagkamay sa kaniya at sa Principal. Ngumiti rin sila sa akin.

"Congratulations, Chelsea," bati ng adviser namin.

"Salamat, ma'am," magalang na sagot ko bago ako tumingin kay Sir Cuanco, ang High School Principal. "Thank you, Sir."

Naramdaman ko ang kamay ni mama sa balikat ko. Hinahaplos niya ito habang nakaharap sa cameraman para kuhanan kami ng litrato kasama ang adviser at principal.

"Ang talino mo talaga, anak," bulong ng nanay. "Masaya ako sa 'yo, Chelsea."

Tumango ako sa kaniya, at nagpatuloy kami sa pagkuha ng mga larawan para sa buong klase. Pumila ang Top 10 ng klase namin. Naramdaman ko ang paghawak ni Clifford sa braso ko. Sinulyapan ko siya, pero hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako hanggang sa matapos ang program. Still, with a smile, I glance back at Clifford who just gave me a bored look. Mukhang hindi talaga siya interesado.

"Congrats, Clifford!" Hinawakan ko ang kamay niya na ikinalaki ng mata niya. Medyo nakaawang ang labi niya kasabay ng panginginig ng kamay.

"Congrats," bulong niya bago tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya. Nakita kong ngumiti ang mama niya sa akin. Tumango ako sa kanila bago ako pumunta sa iba ko pang kaklase para batiin din sila.

First Year High School ako sa paaralang 'to. Nakakuha ako ng scholarship dahil nakapasa ako sa Entrance Exam nila. It is one of the best universities in the country and has a lot of branches. The thing about our university is that it is diverse. And being one of the students attending here is such a dream come true for me. Clifford University is named after the owner of this school. At nakakaloka pa na ang apo ng may-ari ay kaklase at karibal ko.

Nang matapos ang mini program, umalis na ang nanay ko dahil kailangan niyang asikasuhin ang food stand namin. May pwesto siya sa school canteen at doon na rin siya nagluluto sa reserbang room na ginawang kusina. Tinutulungan ko rin siya kapag may libreng oras ako at naging convenient 'yon para sa akin dahil hindi ko na kailangan pang bumili ng pagkain na napakamahal sa cafeteria.

"Una na kami, Cliff!" Narinig kong lumapit kay Clifford ang grupo ng mga kaklase ko. Napangiti ako dahil ayaw niyang makasama sila. Bakas sa mukha niya ang pagkairita. Gayunpaman, bilang tagapagmana ng prestihiyosong paaralang ito, kailangan niyang makibagay sa kanila.

"Congrats, Rodriguez."

Dumaan ang isa naming kaklase, si Zaine Madrigal. Tumango lang si Clifford sa kaniya at ngumisi bago lumihis ang mga mata sa direksyon ko. Agad na napawi ang ngising iyon. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa akin, pero siguro dahil sa itsura ko. I am plain, boring and normal compared to girls my age. Ngumiti lang ako sa kaniya bago ako tumalikod at lumabas ng room.

It's still surreal for me to be here, yet I feel like I'm an outcast. Palagi akong nag-iisa at gusto ko rin namang mapag-isa sa lahat ng oras. It's more peaceful than being with others. Ngunit may parte sa akin na nais ding makipagkaibigan sa kanila.

Her Possessive Counterpart [On-hold]Where stories live. Discover now