Chapter 34

3.5K 107 36
                                    

Kailangan kong mag shower para kumalma kahit papano. Kailangan ko din paalalahanan ang sarili ko na hindi ako pwedeng mastress.

Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay lumabas ako ng kwarto. Nagugutom ako at gusto kong kumain.

I stilled when I saw Kyvex. Naupo siya sa sofa, nakasandal ang ulo at natutulog. Kumunot ang noo ko at saka naglakad palapit sakanya.

Sinadya kong lakasan ang pag tampal sa mukha niya.

Nagising siya dahil sa lakas non. Bakas sa mukha niya ang gulat ng makita akong nakatayo sa harap niya.

"Diba ang sabi ko umuwi ka na?" malamig na tanong ko.

Huminga siya ng malalim at saka marahang kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ito ng ilang beses habang nakapikit.

"You're mad at me. Hindi ko kayang umuwi."

Binawi ko ang kamay at umupo sa sofa malayo sakanya. Ngumuso siya habang nakatingin sa akin.

"Nagugutom ako. Magluto ka." utos ko.

Kahit papano ay nabuhayan siya sa sinabi ko. Tumango siya at mabilis ang kilos na pumunta sa kusina. Sinundan ko lang siya ng tingin at inarapan kahit hindi niya naman makikita yun.

Namimili ako ng panonoorin sa netflix habang siya ay nasa kusina. Pinili kong panoorin ang My Ex And Why's dahil mukhang maganda. Baka magkaroon din ako ng ex ng wala sa oras. Baka may matutonan ako dito.

Habang pinapanood ang movie ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko kay Kyvex. Ang gagong yun. Ang tagal matapos. Gutom na ako!

Speaking of the devil. May ngiti siya sa labi habang naglalakad palapit sa akin. Dala-dala niya ang dalawang pinggan.

Kumunot ang noo ko ng ilapag niya sa harap ko ang niluto niya. Umasim ang mukha ko ng maamoy ito.

"Ano bayan, ang baho!"

Nagulat siya at agad inamoy ang nilutong spaghetti.

"Baby, what? It smells nice." he defended.

Mas lalong nalukot ang itsura ko. Tinulak ko ang plato dahilan para malaglag ito. Pareho kaming nagulat sa nangyari.

"Ang sabi ko, mabaho!"

Nagbaba siya ng tingin at sinubukang kunin ang platong nabasag.

"Hindi kasi nakikinig." humina ang boses ko.

"I'm sorry. Can you tell me kung ano ang gusto mo at maipagluto kita?" masuyong tanong niya.

Namuo ang luha sa aking mata. Tumalikod ako sakanya para hindi niya makita yun.

"Wag na. Hindi na ako gutom." malamig kong wika.

He sighed heavily.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako galing sa likod.

"Anong gusto ng baby ko?" he whispered.

"Wala... ano ba Ky." nabasag ang boses ko.

"I'm sorry, baby. You're right, mabaho ang niluto ko."

Naiinis na inalis ko ang braso niyang nakapulupot sa akin. Naglakad ako paakyat sa kwarto pero tumigil ako ng nasa hagdanan na.

"Gusto ko ng carbonara." malamig na sabi ko bago nagpatuloy sa pag akyat.

Hindi ako sa kwarto ko tumuloy. Doon ako sa guestroom. Baka sakaling magtalo kami, mas mabuting dito nalang. Ayokong magising si Devy.

Nakahiga ako sa kama habang naghihintay. Nakatitig lang ako sa pader habang nagpapalipas ng oras.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now