Chapter 27

3.4K 80 1
                                    

Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Umuwi ako sa bahay ng medyo magaan ang puso. Si Kyvex ay dumiretso sa site pagkatapos naming mag-usap.

Pumasok ako sa bahay ng nakangiti. Pero nagulat ako ng maabutan si Devougre na umiiyak habang yakap-yakap ang batang babae.

"Vougre!" tawag ko.

Nilingon niya ako at binitawan ang batang kasama. Ngumiti siya sa akin ng matamis. Nang magtama ang tingin namin ng batang kasama niya ay lumambot ang puso ko. Ang ganda niya.

Lumapit ako sakanila at dahan-dahang umupo para magpantay ang tingin namin ng bata. May kunting luha pa siya sa pisnge kaya pinunasan ko ito.

"Hi,  it's nice to see you." sambit ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mata.

"Hello po, nice to see you too." ngumiti ito.

"Ang ganda mo. Ang laki mo na."

Marahan kong hinawakan ang pisnge niya.

"Thank you, tita Vougne."

I smiled softly at her.

"Can you call me mommy Vougne?" I asked.

Mukhang nabigla siya sa sinabi ko. Nilingon niya si Devougre, siguro humihingi ng pahintulot. What a cute baby girl.

"Go on baby, call her mom." ani ng kapatid ko.

Tinignan ko si Devougre. I mouthed thank you.

"Hi, mommy Vougne." she smiled shyly.

Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili na humagulgol. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hi, baby." nanginig ang boses ko.

"Are you okay po? Why are you crying?" malungkot na tanong nito.

"I'm okay. I'm just happy to see you." I smiled.

"You're so pretty, mommy Vougne. Magkasing pretty po kayo ni mommy Vougre." natutuwang ani nito.

Tumango ako habang may ngiti sa labi. Pinunasan ko ang luha sa aking mata at saka siya tinignan ulit.

"Can I hug you?" I asked.

"Opo!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Kasabay ng paghagulgol ko. Bumabalik na naman sa akin ang ala-alang binaon ko sa limot.

I regret it. Pinagsisihan ko lahat. Kung sana lang naging matapang ako. May ganito din sana ako ngayon. May tumatawag din sanang mommy sa akin.

I cried so hard while hugging her. Mas lalong lumakas ang iyak ko ng maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa likod ko.

"Stop crying, mommy Vougne. Naiiyak din po ako."

"I'm sorry. I'm sorry, baby."

I'm so sorry, baby. I'm sorry. I'm so sorry. I'm so sorry for being weak. Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako.

I can imagine my child to her. I want to say sorry so bad. Pero hindi ko alam kung paano. Kaya dinaan ko nalang sakanya. Hindi ko na kayang pigilan ang damdamin ko.

"Love po kita, mommy." bulong niya.

"I love you too, baby girl. Mahal din kita." nanginig ang boses ko.

"Wag kana po mag cry, love ka po namin."

Tumango ako saka kumawala sa yakap niya. Lumapit si Devougre sa amin at niyakap kaming dalawa.

"I love you both my girls."

Pagkatapos non ay nagpaalam na ako kay Devougre para umakyat sa kwarto. Nang makapasok ay dumiretso ako sa bathroom para doon umiyak.

If I can just turn back time. Kung pwede ko lang bagohin ang nakaraan, matagal ko ng ginawa. Binuksan ko ang shower kasabay ng pagpakawala ko ng hagulgol.

I regret it. I regret it so much, I swear. Kung pwede ko lang bagohin ang mga naging desisyon ko noon. I would have choose to have my baby. Kahit alam kong mahihirapan ako. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako handa.

Pero wala na akong magagawa. I can't change anything. Wala akong pwedeng gawin kundi ang magsisi. Wala akong ibang magawa kung hindi pagsisihan ang lahat.

Nakatakip sa mukha ko ang aking kamay. Basang-basa na ako pero wala akong pakialam. Gusto kong saktan ang sarili ko. Para kahit papano ay maiganti ko ang anak ko. Para kahit papano ay mabayaran ko ang kasalanan ko.

"Argh!" I shouted.

Pinagbabato ko ang mga gamit ko. Hinahagis ko hanggang sa maglakat ito sa banyo ko. Wala akong pakialam! Puno ng pagsisisi ang puso ko ngayon.

"Ang bobo ko!" I cried so hard.

Tinapon ko ang isang vase dahilan para mawasak ito. Humagulgol ako ng makita ang dugo sa kamay ko. It reminded me of the past. When I lost my child. When I killed my child.

"No! No!"

Para akong baliw na nagsisisigaw. Humagulgol ako habang yakap-yakap ang kamay kong puno ng dugo. Saktong pag angat ko ng tingin ay ang pagbukas ng pinto.

Nanghina ako ng makita si Devougre. Umiiyak na lumapit siya sa akin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Vougne, calm down please." humagulgol siya.

"Vougre, ang sama kong ina! Tangina, ang sama-sama ko."

"Please kumalma ka, parang awa mo na." umiiyak na sambit niya.

Pinakita ko sakanya ang kamay ko na puno ng dugo.

"Ganito din yun dati, Vougre. Ang daming dugo sa kamay ko. Pagkatapos kong inumin ang gamot na yun. Ang daming dugo. Vougre, pinagsisihan ko lahat! Nagsisisi ako, Vougre!"

Tumatango siya sa akin habang umiiyak din.

"Oo alam ko, alam ko. Kumalma ka okay? Kailangan mong kumalma." pakiusap niya.

"Nakakainggit ka, Vougre." humagulgol ako lalo.

"Wag mong sabihin yan, ano kaba. Kung wala ka, baka hindi ko din kinaya." umiyak siya.

"Gusto ko din ng baby, Vougre. Gusto ko din ng may tumatawag saking mommy."

"Meron nang tatawag sayong mommy, Vougne. Si baby Devy, hati tayo sakanya. Share tayo sakanya, okay? Please calm down."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Tahan na, please. Masasaktan si baby Devy pag narinig ka niya na umiiyak."

Tumango ako at pinilit ang sarili ba kumalma. Pinunasan niya ang luha sa aking mata bago ako niyakap ulit.

"Hindi ka masamang tao, naiintindihan mo ba ako?"

"Pero masama akong ina." nabasag ang boses ko.

"Sigurado akong napatawad kana ng anak mo. Sigurado akong na iintindihan ka niya. Stop crying please? Baka ayaw niya na makita kang umiiyak."

Tumango ako habang pinupunasan ang luha. Para akong batang tumatango habang niyayakap ng ina.

"Mahal niya naman ako diba? Kasi ako, mahal na mahal ko siya Vougre."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Mahal na mahal ka niya, sigurado ako dyan. So stop crying, Vougne. Sasamahan mo pa akong ipakilala si Devy sa pamilya natin."

Tumango ako saka kumawala sa yakap niya.

"Alam na ba niya?" tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin.

"Hindi niya pa alam. Sa pamilya muna natin, Vougne. One step at a time." she smiled.

"You're so brave, Vougre. I admire you a lot."

She shook her head. Marahan niyang hinawakan ang pisnge ko.

"Mas matapang ka kaysa sakin."

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now