Chapter 4

5.8K 140 27
                                    

Pagod na ipinikit ko ang mata habang nakasandal sa swivel chair. Sobrang daming pasyente ngayong araw at sunod sunod ang operation. Kumalam ang tiyan ko kaya agad kong chineck kung anong oras na.

Alas kwatro na pala ng hapon. Hindi ako nakakain ng lunch dahil ilang oras akong nasa operating room. Pinikit ko nalang ang mata at hinayaan ang kumakalam na tiyan. Itutulog ko nalang to.

Kakapikit ko lang ng bumukas ang pinto kaya agad kong dinilat ang mata ko. Bumungad sakin si Ava, isa sa mga nurse na matalik na kaibigan ni Devougre. Nagtaka ako ng hindi siya ngumiti sa akin.

"Ava, may kailangan ka?" tanong ko.

Nagdadalawang isip pa siyang lumapit sa akin. Tipid siyang ngumiti bago umupo sa upuan.

"Pwede ko bang malaman kong nasaan si Devougre, doc Vougne?" tanong niya.

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Nang makabawi ay agad akong tumikhim bago tumingin sakanya.

"You knew?" ngumiwi ako.

Natawa siya bago tumango sa akin.

"Your aura is different Doc. Medyo nakakatakot ka ng kunti." nagkamot siya ng ulo.

Ngumuso ako saka mahinang natawa. She is right tho. Devougre is the cheerful and hyper one while I'm the serious type. Kaya nga mahirap mag panggap dahil magkaiba kami ng ugali at hilig.

"Please keep this a secret, Ava." pakiusap ko.

Tumango siya sa akin bago tipid na ngumiti.

"I promise, Doc. Gusto ko lang talagang manigurado. I can't reach Devougre." she said sadly.

"Maybe she's busy, Ava. Huling usap din namin ay kagabi pa nong tumawag siya after that ay wala na. Hindi niya din sinabi sa akin kung nasaan siya. But one thing is for sure, she is out of the country." I smiled at her.

Tumango siya saka tumayo. Napatingala ako sakanya. My sister is good at socializing habang ako naman ay hindi. Wala akong ibang kaibigan kundi ang kapatid ko lang din. Unlike her na kahit saan mo ilagay ay may nagiging kaibigan.

"Thank you Doc, panatag na ako." ngumiti siya.

Tumango ako sakanya saka sinuklian ang ngiti niya.

"No problem, Ava."

"I need to go doc, mag r-rounds pa po ako." ngumuso siya.

"Sure, ingat." ngumiti ako.

Nang maisarado niya ang pinto ay agad akong pumikit. Pinaghalong gutom at pagod ang nararamdaman ko. Gusto kong kumain pero nakakapagod magpunta sa canteen.
Bumuntong-hininga ako bago ipinikit ang mata. Hinihila na ako ng antok siguro dala nadin ng pagod at gutom.

Kumunot ang noo ko habang nakapikit ang mata ng may naramdaman sa aking mukha. I groaned in irritation when I felt a hand caressing my face. Mahinang dinilat ko ang aking mata.

As I opened my eyes, I met his eyes. Malamlam ang mata niya habang nakatitig sa akin. Medyo nailang ako sa titig niya lalo na at nasa pisnge ko parin ang kamay niya.

"Kyvex." tawag ko.

"Are you tired baby?" he asked softly.

"Hmm." I murmured.

"The nurse told me you haven't eat your lunch." kumunot ang noo niya.

"I got busy so." ngumiwi ako.

"Not a good reason for not eating lunch, Dev." malamig niyang wika.

Hindi ko inintindi ang sinabi niya bagkus ay natuon ang pansin ko sa pagtawag niya sa akin.

"Dev?" I asked.

"Hmm, let me call you that way." he whispered.

I bit my lower lip to stop myself from smiling.

"What time is it now?" I asked softly.

"7pm baby." he answered.

Sa gulat ay naitulak ko siya dahilan para mahulog siya sa table ko.

"Fuck!"

Natatarantang nilapitan ko siya at tinulungang makatayo. Nakangiwi siya habang hawak-hawak ang kamay.

"Are you okay? I'm sorry!" I said nervously.

He looked at me seriously.

"I'm fine." he told me.

I sighed.

Bumalik ako sa upuan ko at saka umupo. Sumunod naman siya sa akin at umupo ulit sa table ko. Nakatitig siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Kanina ka pa ba?" I asked.

"No, kakarating ko lang din." sagot niya.

Tumango ako saka tinignan ang phone ko. Bumungad sa akin ang wallpaper ko na siya mismo ang kumuha 7 years ago. Naabutan ko siyang nakatingin doon kaya agad ko itong pinatay.

"Dinner?" I asked to divert his attention.

Malalim ang tingin na iginawad niya sa akin kaya bigla akong kinabahan. Nakita niya kaya? Kinagat ko ang labi bago nag-iwas ng tingin.

"Let's go." aniya saka tumayo.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong pumasok saka siya binigyan ng tipid na ngiti. Umikot naman siya papunta sa driver seat saka pumasok.

"Where do you want to eat?" he asked me.

"I want seafood." wala sa sariling ani ko.

"You are allergy to seafood, Devougre." he said coldly.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tumikhim ako at agad nag-isip ng palusot.

"I'm kidding, Kyvex." I laughed fakely.

"Hmm." he answered before starting the engine.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung nakumbinsi ko ba siya na ako si Devougre o hinahayaan niya lang akong magpanggap.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating sa restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka nilagay ang kamay sa aking baywang para sabay kaming maglakad. Naiilang ako pero hindi ko din magawang alisin ang kamay niya.

Nang makahanap kami ng table ay agad kaming nagtungo doon. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa harap ko.

"Goodmorning ma'am, sir, here's the menu." malaki ang ngiti ng waitress.

Tumalim ang tingin ko sakanya ng makita ang kinang sa mga mata niya habang ang mata ay nakay Kyvex. I rolled my eyes when Kyvex smiled sweetly at her. Nag-iwas ako ng tingin.

Kyvex chuckled.

Binalik ko ang tingin sakanya at hindi na ako nagulat ng makitang nasa akin na ang tingin niya.

"What do you want, baby?" ngumuso siya para itago ang ngiti.

"A knife." malamig kong sagot.

"A what?" gulat niyang tanong.

"Knife! Para masaksak kita dahil masyado kang malandi." malamig kong wika.

Bumalik lang ako sa tamang huwisyo ng tumawa siya ng malakas. Inarapan ko siya bago nag-iwas ng tingin. Malalim akong bumuntong-hininga. Calm your shit, Devougne! Hindi ganito si Devougre.

"Selosa." he chuckled.

I looked at him angrily. Agad naman siyang natigil sa pag ngisi. Kinuha ko ang menu at isa isang tinignan ang mga pagkain. Nakakunot ang noo ko habang naghahanap ng pagkaing gusto ko. Natignan ko na lahat ng menu pero wala akong nagustohan kahit isa.

Padarag ko itong binitawan dahil sa inis. Nang sulyapan ko si Kyvex ay nakanguso na siya at nagtatago ng ngiti. Halos irapan ko siya dahil sa ginagawa niya.

"Order anything for me, wala din naman akong gana." I said coldly.

"Hmm." ngumisi pa ang loko.




Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now