Chapter 12

4.9K 118 8
                                    

After eating breakfast, Kyvex decided to buy more foods to take out. Ayaw niya daw na malipasan kami ng gutom sa byahe kaya mas maiging bumili ng pagkain.

Napailing ako habang pinagmamasdan ang pagkaing binili niya. Kaya ba naming ubusin to? This is too much!

"Kyvex, I think the food you bought is too much." I told him.

He glanced at me.

"Nah, matakaw ka. Mauubos natin 'yan." he chuckled.

"Nagbago na ako no!" wala sa sariling sambit ko.

"Yeah... nagbago ka na nga." he whispered.

Natahimik ako at agad nag-iwas ng tingin sakanya. Hindi narin siya nagsalita pagkatapos non. Habang nasa byahe ay nasa labas lang ang tingin ko. Hindi ko mapigilang isipin ang mga bagay-bagay.

Wala ba talaga siyang alam kung sino talaga ako o nagpapanggap lang siya?

I sighed.

Pinikit ko nalang ang mata para makapagpahinga. Ayoko munang isipin ang ganong bagay. Gusto kong maging masaya kahit dalawang araw lang.

Nagising ako ng may marahang humahaplos sa pisnge ko. Nang imulat ko ang mata ay bumungad sa akin si Kyvex. I smiled at him.

"Nandito na tayo." he said.

"Hmm."

"Are you tired?" he asked softly.

"I'm good, Ky." I answered.

"Let's go. Nasa bahay na ang mga gamit natin." ngumiti siya.

"Bahay mo?" tanong ko.

"Yes." sagot niya.

"Kailan mo binili?"

"3 years ago." he answered.

"Oh okay."

Ngumiti siya bago kinuha ang kamay ko. Marahan niya itong hinalikan habang ang tingin ay nasa akin. I bit my lower lip while looking at him.

"Napapansin ko lang... you like kissing my hands." I told him.

"I love kissing your hands. Hindi ka ba komportable?" tanong niya habang hawak parin ang aking kamay.

"Hindi naman. I love it too... when you kissed my hands... gusto ko ng ganyan lagi." I stuttered.

The side of his lips rose up.

"Then I will kiss your hands everyday, every minute and every second." he said softly.

"Oh okay, it's up to you." nag-iwas ako ng tingin.

Humalakhak siya dahilan para mas lalo akong nahiya. Batid kong pulang pula ang pisnge ko ngayon. Nagbaba ako ng tingin habang nagpipigil ng tawa. Marahan niyang inangat ang mukha ko saka pinatakan ng halik ang aking labi.

"I love you, baby." he whispered.

My heart skipped a bit. Did I heard it right? He loves me! But is it really for me? or for my sister? Nawala ang ngiti ko sa labi.

"What's wrong?" he asked softly.

"Nothing." I smiled at him.

"Let's go, baby."

Pinatakan niya ng halik ang aking labi bago lumabas ng sasakyan. Pinagmasdan ko siya hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto. Napatingin siya sa akin ng mapansin ang titig ko sakanya.

"Bakit?" tanong niya.

Umiling ako saka lumabas ng sasakyan. Nang masarado niya ang sasakyan ay saka siya humarap sa akin. Naglakad ako palapit sakanya dahilan para matigilan siya.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now