Chapter 13

4.8K 162 44
                                    

"Are you hungry?" he asked while I was busy putting our clothes in the closet.

"Yeah, how about you?" I asked him back.

"Medyo. Kain muna tayo?" sambit niya.

Nilingon ko siya saka binigyan ng tipid na ngiti.

"May I finish this one first?" I asked softly.

"Sure, baby. Take your time." he smiled.

"Thanks, Ky." I smirked.

"Dalian mo ha!" he joked.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm kidding." ngumiwi siya.

"I know." I chuckled.

"You're scary, baby." he pouted.

"Am I?" I raised my brow.

"Yeah... and I'm scared to lose you."

"Corny mo!" inirapan ko siya.

Humalakhak lang siya. Nangingiti ako habang pinagpatuloy ang pag-aayos sa damit namin. Nang matapos akong mag ayos ay saka ko siya nilingon. Ngumuso ako ng makitang natutulog siya.

Agad akong lumapit at marahang tumabi sakanya sa kama. Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok niya. Ang gwapo talaga! Ngumisi ako saka inamoy ang leeg niya.

Amoy mapapangasawa ko!

Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa. Ang bango naman ng lalaking 'to. Inamoy ko siya ulit at mas lalo lang ako napangiti. Nang hindi ako makatiis ay sinandal ko ang ulo sa kanyang leeg.

"Bango mo naman, Engr. De Leon." humagikhik ako habang inaamoy ang leeg niya.

"I know, Doc." he chuckled.

Naestatuwa ako ng marinig ang boses niya. Mukhang napansin niya ang gulat ko dahil mas lalong lumakas ang tawa niya. Hindi ako makatingin sakanya hanggang sa makaupo ako sa kama. Nakahiga parin siya habang unan ang dalawang kamay at nakatitig sa akin.

"Hindi ka tulog?" I asked the obvious.

He chuckled.

"Hindi."

"Then why did you close your eyes?!" I hissed.

"Why not?" tumawa siya.

"I hate you, Kyvex." bulong ko.

"Mabango pala ako ha." tukso niya.

"Shut up."

"Baby, why are you shy?" he smirked.

I looked back at him. Sumimangot ako ng makita ang nang aasar niyang tingin.

"Nakakainis ka talaga." inirapan ko siya.

"Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Kasalanan ko bang mabango ako? Kasalanan ko bang nanggigigil ka sa bango ko?" madramang sambit niya.

Ngumiwi ako saka siya binato ng unan.

"Bahala ka nga! Ang epal mo."

Lumabas ako ng kwarto dahil sa kahihiyan. Nakakaloka ka naman, Devougne. Hindi naman halatang sabik na sabik ka no? Tuyot na tuyot ka girl? Kaloka!

Dumiretso ako sa kitchen para maghanda ng pagkain. Hindi ako magluluto since I don't know how. Mabuting desisyon talaga na mag take out kami kanina.

Napagdesisyonan kong initin ang pizza para mas masarap kainin. Habang nag aantay ay nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin galing sa likod.

"Iniwan mo ako." mahinang bulong niya.

"Naiinis ako sayo." sambit ko.

"What did I do, baby?"

"You pretend to be asleep!" ani ko.

"What? Hindi ko naman iniexpect na aamoyin mo ako." he chuckled.

Naiinis na itinulak ko siya.

"Wag mo akong kausapin." sabi ko ng maharap siya.

"Fine, kakalimutan ko nang inamoy mo ako at bangong bango ka sakin. Wag ka lang magalit, please." ngumuso siya.

Saktong tumunog ang microwave. Inirapan ko siya saka inasikaso ang pagkain namin. Nang matapos kong ilagay ang pizza sa lamesa ay nilabas ko ang dalawang soda na galing sa ref.

"Kumain ka na." I told him.

"Galit ka sakin?"

"No." kumunot ang noo ko.

"Sus, hindi daw." he tsked.

"I'm not mad, Ky."

"Yeah right." aniya saka kumuha ng pizza.

Malalim akong bumuntong hininga bago umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin. Ngumunguya parin siya ng pizza habang nakanguso.

"Nahihiya ako kaya ganito ako. Hindi ako galit sayo. Okay na ba?" ngumiti ako.

Ngumisi siya saka tumango. Pinatakan ko ng halik ang kanyang labi bago kumuha ng pizza para kumain. Nang lingunin ko siya ay nakangiti siya ng malapad habang kumakain. Inirapan ko siya dahilan para matawa siya.

"Gustong-gusto ko talaga pag sinusuyo mo ako." he chuckled.

Inirapan ko siya.

"Kumain ka nalang." natatawang sambit ko.

"I love you." he whispered.

I stilled for a second. Nang tignan ko siya ay seryoso parin siya habang nakatingin sa akin.

"You do?" I bit my lower lip.

"Yes." paos niyang sagot.

Ngumiti ako sakanya bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko inalintana ang malakas na kabog ng dibdib. Natatakot ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot. He thinks I am Devougre. Mahal niya na ba ang kakambal ko?

Hindi ko alam kung bakit pinapahirapan ko pa ang sarili ko. Pwedeng pwede ko namang sabihin kay Daddy na hindi ko na kaya. Na ayaw ko ng ituloy ang kasal. Pero pag ginawa ko 'yon, hindi ko na siya makikita. Hindi ko na siya makakausap. Hindi ko na siya mayayakap. Hindi ko na siya mahahalikan.

Sa loob ng anim na taon ay hindi ako nagmahal ng iba. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na I can live alone. Na kaya ko naman mag-isa. Na hindi ko kailangan ng lalaking mamahalin at magmamahal sa akin.

Pero sa ilalim ng puso ko, alam na alam ko kung ano ang gusto ko. Iyon ang makasama siya ulit. Ang mahalin niya ako ulit. Ang subukan naming sumugal ulit.

"Baby, why are you crying?"

I gasped when he touched my cheeks. Gulat akong napatingin sakanya. May lungkot at sakit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Ni hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Marahan niyang pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Kyvex." I called him softly.

Nang tignan niya ako sa mata ay hindi ko napigilang isipin kung bakit walang makakapalit sakanya. Iba parin talaga siya. Kung paano niya ako alagaan. Kung paano niya ako protektahan. Kung paano niya ako mahalin.

"May problema ba tayo?" may kaba sa boses niya.

"Why do you love me?" I asked.

Saglit siyang natigilan. Kinuha niya ang dalawa kong kamay saka marahang hinalikan. Hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha ko. Titig na titig siya sa akin habang marahang hinahalikan ang aking kamay.

"Do you really love me?" my voice cracked.

Pain was evident in his eyes.

"I never stop loving you, Devougne." he answered painfully.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now