Simula

103 3 0
                                    

TULOY-TULOY ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ni Vesper habang nasa loob ng taxi cab. Wala siyang dala nang mga oras na iyon kundi ang natitira niyang pera sa pitaka at ang anghel sa kanyang sinapupunan. This is her fate. She must face the consequences of her decision for her child's sake.

"Ginusto mo 'to, 'di ba? Panindigan mo," sa isip-isip niya.

Vesper knew something like this would happen. She was raised alone by her strict father, who's one of the world's successful businessmen. Umiiwas ito sa eskandalo na maaaring sumira sa pangalang Dominic Navarro. Kabilin-bilinan nito na hindi siya maaaring makipagrelasyon sa isang mahirap. Ang mabuntis pa kaya?

Her boyfriend Mavi is a fourth year BSEd student, while Vesper is a 20-year-old sophomore under the same program. They've been together for eight months. Itinago nila ang kanilang relasyon sa takot kay Mr. Navarro na paglayuin sila. Magkaiba man ang kanilang social class, hindi 'yon naging hadlang para mahalin nila ang isa't isa.

Sa labis na pagmamahal niya sa binata, binigay ni Vesper lahat ultimo ang pagkababae niya. One night, she shamelessly lay in Mavi's bed, naked. Soon after, she finds out that she's already eight weeks pregnant.

She's not only afraid to experience her father's wrath but also aware of what people would say. Marriage is the best way to save her family from controversies. However, Mr. Navarro is extremely self-conceited. Alam ni Vesper na hindi matatanggap ng kanyang ama si Mavi sa pamilya nila dahil sa estado ng pamumuhay nito.
Mr. Navarro wants her baby out of the picture since he doesn't want a child carrying Mavi's blood - ang dugo ng hampaslupa na sumira sa mga plano niya para kay Vesper - so, he threatened his daughter to abort her child in exchange of keeping her luxury life. But Vesper didn't like the idea of abortion so she had no choice but to leave everything behind.

Now, she's only counting on Mavi. Hindi pa niya nasasabi kay Mavi ang tungkol sa bata, but knowing him for being responsible guy, natitiyak niyang tatanggapin nito ang naging bunga ng kanilang kapusukan.

Vesper gently wiped off her tears as she heaved a deep sigh. Ramdam ni Vesper ang pagkabog ng dibdib niya habang papalapit ang taxi sa gate ng Ibarra University campus. Saan nanggagaling ang kaba na ito? Sumilip siya sa bintana. Makikita ang mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalsada suot ang itim na toga. Bakas sa mga ngiti nila ang tuwa hawak ang kani-kanilang mga diploma.

Today is Mavi's graduation. Nangako si Vesper na pupunta siya sa pinakaespesyal na araw ni Mavi pero dahil sa naging pagtatalo nila ni Mr. Navarro ay hindi siya nakarating sa tinakdang oras.

"I hope he doesn't get mad," she thought worriedly about Mavi's reaction.

Huminga ito nang malalim upang mabawasan ang nerbyos na patuloy na naglalaro sa sistema niya. "Manong, diyan lang po sa Ibarra," paalala niya sa driver saka itinuro ang mataas na gusali ng paaralan.

Huminto ang taxi sa harap ng campus. Bastang humugot ng pera si Vesper sa wallet at ibinigay sa driver. Nagpasalamat siya bago bumaba ng taxi at hindi na hinintay pa ang sukli nito.

A large number of people welcomed her as she takes a step inside. Iyon ay ang naglalabas-masok na estudyante't mga magulang na galing sa gymnasium kung saan ginanap ang graduation ceremony.

Hindi na niya pinuntahan pa ang gym dahil alam niyang wala na siyang maaabutan doon. Sa halip, nagtungo siya sa 'Ibarra's Love Fountain,' ang attraction na matatagpuan sa pinaka-sentro ng buong campus.

This is the place where it all started. Ang lugar na nagsisilbi nilang tagpuan. Nagbabaka-sakali siya na masisilayan niya ang mukha ng lalaking handa niyang samahan sa hirap at ginhawa.

Hindi naman siya nabigo dahil natanaw niya si Mavi sa harap ng fountain. He was standing there as if he's been waiting for someone else.

"Mavi!" tawag niya sa binata. The guy recognized her just by hearing her voice. Napatingin ito sa direksyon ni Vesper.

Hiding My Professor's DaughterWhere stories live. Discover now