31

3 0 0
                                    

Alee's POV

"Ingat kayo mga teh. Mag e-enjoy kami. See you later" sabi ko sa lima dahil pagdating na pagdating namin ng hotel, nagbihis agad sila ng formal attire. Die, Rhe and Ely are wearing a very formal yet sexy and elegant dress. While, si daddy Niex ay nakasuot ng tux. Very hot tignan and naka-plain white long sleeve naman si James and very hot and pogi din tignan like daddy Niex.

"Bye. We'll see you guys later" pa alam ni Ely at nagpaalam narin yung apat bago umalis.

"I'll just take a nap po" pa alam ni, Mabie bago pumasok ng kwarto nya ganon din si GD. Magkaharap lang yung room nilang dalawa.


Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko sa kwarto, nagbihis ako para maglibot sa labas dahil wala naman akong magawa dito. Kinatok ko yung pinto ng kwarto ni, GD para sabihin na lalabas muna ako.

.......

"Do you want me to go with you?"

"Dito ka na lang dahil walang kasama si, Mabie at tulog siya. Balik ako agad" sinara ko yung pinto niya at dumiretsyo na sa labas.

"Kuya saan ako pwedeng dumaan papuntang dagat?" tanong ko sa guard na nasa labas ng hotel.

"Diretsyohin niyo lang po yun. Marami din pong restaurant dyan. Pwede naman po kayong mag request ng makakasama nyo, magtatawag po ako gusto niyo"

"Ahhh, hindi na kuya. Salamat po"

"Enjoy po kayo" sabi niya bago ako umalis at dumiretsyo sa daang tinuro niya.

"Hi po. Can I have a picture with you?" biglang lapit sa'kin nong babae habang naglalakad ako at nagtitingin-tingin ng mga tinda. Tinignan ko siya ng nalilito at bago pa'ko magsalita dumikit na siya sa'kin at inabot yung phone niya sa kasama niya. Kaloka this. 

"Sure" nasabi ko na lang.

"Ang pogi mo naman" sabi niya matapos iabot sa kaniya ng kasama niya yung phone niya at tumingin sa'kin. Lalaki ba tingin neto sa'kin?

"Ayy! Hindi tayo talo" sabi ko sa kaniya ng naka-ngiti. Napanga-nga siya at tumingin sa kasama. Ngumiti ako sa kaniya at nag wave. "Sayang naman, pogi sana" rinig ko pang sabi niya. Nakakaloka!!

Pumasok ako sa isang lemonade shop at nauhaw ako at naloka kay ate girl. Pumila na'ko para makapag-order. Nag order ako ng isang medium lemonade at waffle at dumiretsyo na ng waiting line.

Lumabas ako para makapaglibot pa nang makuha ko na yung order ko nang may tumabi bigla sa'kin na lalaki.

"Tahimik. Maglakad ka lang at sumunod sa'kin" bulong niya sa'kin bago ko naramdamang may tinutok siya sa tagiliran ko. Anong nangyayari? Nakakaloka ng sobra 'to. Hindi nako nagsalita at sumunod na lang sa direksyon kung saan man ako dadalhin nito kahit gusto kong tawagin yung poging pulis na naka-pwesto sa may puno.

.......

"Sabi ko dalhin mo ng maayos dito, hindi yung tinakot mo para sumama sayo" sabi nung hindi gaanong katanda na lalaki. Tinitigan ko siya ng mabuti dahil parang nakita ko na siya dati or.... may kamukha siya? Nakakaloka talaga to!! Tumayo siya sa pagkaka upo niya at lumapit sa'kin.

"Kung kailangan niyo po ng pera wala po ako non. Ayyyy, meron po ako non pero kung milyon milyon po yung kilangan niyo? Pasensya napo pero wala. Ganda lang po meron ako. Kaya palabasin niyo na po ako" sabi ko bago siya tuluyang makalapit sa'kin. Tinignan niya ako ng naka kunot yung noo bago tumawa.

"I did not invite you here for money. I have billions" ngiti niya sa'kin at iginaya ako sa may upuan kaharap ng mesa niya. Billionere naman pala to eh, anong kailangan neto sa'kin? "You're here to have a deal with me. A deal you can't say....No" dugtong niya.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now