"Tangina ka naman, Beaumont Marquenzo. Ganda ng pangalan, panget ng may ari," he roasted, laughing. "Hay! Ang lamig... Parang ang sarap mag..."

"Mag?" Tinaasan ko siya ng kilay habang pinuputok ang buto sa knuckles ko, nakangisi nang kaunti. "Kung ano man iyang iniisip mo, tapos na ako kagabi."

"Damn, someone had a nice night then." Sinapak pa niya ako kaya natawa ako. "Hindi ka pa ba pagod diyan?"

I shrugged. "I have no one else to be with," I replied. "Magsasawa rin ako sa ganitong lifestyle. Huwag kang mag-alala."

"I was just asking. You do you, bro," he replied, chuckling.

We both went to the sea. Nagsasalita pa siya nang nag-paddle na 'ko para makuha iyong alon na kanina ko pa tinatantya sa malayo. It was such a wild wave. I swiftly did a cut back before the wave collapsed on the other side, trapping me inside as I did a barrel. It was a famous trick.

Nauna siyang natapos dahil magba-barista pa sa café ni Esme. Ang supportive sa jowa! Minsan nga, naiingit na ako dahil lahat sa barkada ko masaya ang lovelife habang ako, ito nakikipagrelasyon sa sandamakmak na libro ko! Ano iyon? Hindi ba parang unfair?!

But I wasn't in a rush. I believed I have all the time in the world. Meanwhile, Zychela... she felt the opposite.

"The tides are nice today, Ma'am. Surfing?" I offered to a woman while she was taking a picture of the sunrise, making her turn to me.

This is our second chapter. Second time we crossed paths.

"No, thanks." Tinalikuran niya kaagad ako.

Nalaglag ang panga ko. Hah! Kapal ng mukha! Hindi naman ako galit, naiirita lang! Magkaiba iyon, oy!

Nabwisit ako bigla dahil kaibigan pala ni Cali! Ang bait ni Cali tapos kaibigan niya itong nananampal na ito?! Ang liit ng mundo! Pwede bang palakihin kahit saglit?!

"Sino 'to? Daming dada." I gave her a judgmental stare while leaning over the counter. Ganoon pa rin hitsura niya. Mukhang sasampalin pa rin ako mayamaya lang.

"Excuse me? I'm Veronica Marquez! Don't you know me?!" She was so exaggerated, holding her chest as if I offended her whole being.

"Hindi. At ayaw kitang kilalanin."

I meant it when I said those words, alright, but I just found myself helping her catch her cat! Tinulungan ko siyang maghanap dahil naawa ako sa pusa at baka mapaano. Cute pa naman. Hindi ako naawa sa babaeng iyon. Ba't ako maawa sa kaniya? Hindi nga siya naawa noong sinampal niya ako.

"Ayos! Thank you sa tulong!" sarkastikong sigaw ko noong umalis siya agad pagkapulot sa pusa.

"You're welcome!" sigaw niya, walang pakialam. Ayos! Wala siyang manners!

Kinagabihan, nag-DJ ako saglit sa bar bago nag-focus sa pagiging bartender. Making drinks relaxes me. It took me a long time to learn how to do this because I wasn't interested at first. But I gave it a shot and eventually fell in love with it.

A smirk crept on my lips when I saw Zychela. Hindi siya lumapit para mag-order. Ang isang kaibigan kong si Finley ang isang bartender ngayon. Pasimple ko siyang siniko habang gumagawa ng margarita kaya sumulyap siya sa 'kin.

"P're, huwag mong lapitan iyong babaeng nakaputing long sleeves na nasa dulo," nakipagswabtan ako. Ganti ko 'to sa kaniya! Lalapit din naman iyan sa 'kin. Sureness!

"Bakit? Ex mo ba, tol?" pang-uusisa ni Finn habang binubuhos ang tinimplang mojito sa baso.

"Ew," I joked.

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now