"Nagpasalamat ka ba?!" Gulat na gulat siya.

Inismiran ko siya bago inagaw ang tasa ko sa kaniya. "This is mine. I'll make another one for you."

Binuksan ko ang shelf para kuhanin iyong robusta beans na nadiskubre ko habang nangingialam doon kanina. On the other hand, he opened the fridge to look for something to cook.

"Wala na akong food. Pwede bang i-serve sarili ko? Yummy naman ako." Humalakhak siya sa sariling biro. Parang tanga.

I filled the reservoir with the appropriate amount of water and inserted the filter paper into the filter basket. I poured some beans before inserting the basket into the machine, brewing the coffee. Hinintay ko iyon matapos at sinalin sa isang green cup.

"Ta-da! Here's your coffee, Sir!" Nilahad ko ang tasa kay Marquenzo.

With an arched brow, he snatched it from my grasp. "Anong mayroon sa 'yo?" He looked puzzled by my kindness.

"Good morning! Narito na ako! Na-miss n'yo ko, 'no?! Shet, nagkita lang tayo gabi! Huy! Tama na kinikilig ako in the morning!" Ang assuming kaagad ni Saniella pagkapasok sa pinto.

"San." Marco acted like zipping his mouth using his fingers.

"Ha? Lipstick?" Hindi ko alam kung tunay na nalilito si San or nagbibiro lang. Either way, I still laughed.

Marco rolled his eyes at her. "Umupo ka na nga diyan. Magluluto pa 'ko ng ampalaya pero 'di ka kumakain noon. Lutuan kita ng iba. Ano'ng gusto mo?"

"Kahit ano?" Nakangiting suminghap si San noong tumango ang kuya niya. "Steak!"

"Etchuserang bata 'to. Iyong affordable breakfast, sis!"

"Sabi mo kahit ano!" reklamo ni San.

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan habang nagluluto si Marco hanggang sa kumain na si San. Hobby talaga ni Marco mang-inis. Hanggang ngayon, pikon pa rin si Saniella kaya maiyak-iyak na.

I was just watching while drinking my coffee. They really had that common sibling-relationship. It sometimes makes me envious because I've never had that. Naging close lang kami ni Alonzo noong matanda na. Iyong iba... pass na lang. Kinalimutan ko na ang mga iyon.

"Morning! Shet, I'm so excited!" Dumating si Zianna, may dala-dalang tripod.

"Hindi n'yo ba kayang bumati ng walang mura?" Marco tsked.

"Morning! Let's eat. I ordered tart last night. Yummy siya." Tinuro ko iyong box. Mabilis siyang tumabi sa 'kin sa rattan chair. Pinilit niya pang magkasya kami sa isang bangko kaya natawa ako.

"Zia, doon ka sa kabila. Ayaw ng ate mo ng katabi," sabi sa kaniya ni Marco at naglapag ng panibagong plato sa lamesa.

"No, it's okay!" Inakbayan ko pa si Zia para patunayan ang sinabi ko. It doesn't matter.

"Ang translation, Zia, alis ka kasi si Kuya ang uupo sa tabi ni Ate." San did a celebratory fist gesture, feel na feel na nakaganti sa kapatid niya.

"Maayong buntag mga anak! Naghahanda pa si Leil. Hindi pa naman tayo aalis, 'no?" Pumasok si Tita sa bahay, may dala-dalang Tupperware, basket, at banig.

Mabilis ko siyang dinaluhan. "Ako na diyan, Tita."

"Ako na, Ma." Halos sabay lang kami ni Marco nagsalita.

"Nako! Ako na!" Nilayo ni Tita ang mga gamit, ayaw magpa-agaw.

"Ako na lang kaya?" sarkastikong sali ni Zianna.

"Tabi, ako na..." Nakisali na rin si Saniella. "Ako na lang sana ang pinili niya!" madramang dugtong pa niya.

"Pinili nino, huh?" Nakataas agad ang kilay ni Marco sa kaniya, seryoso. "You two, no boyfriend. Bawal."

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now