"Oo naiintindihan kita pero, alam mo Yim. Naawa na ako sa'yo, tangina eh. Halos hindi kana makakain dahil puro pag aaral inaatupag mo." Sigaw niya, nasa kwarto ko kami. "Halos wala ka ng time sa'kin, sa'min. Maawa ka naman sarili mo, puro puyat at pagod ang nakikita ko sa'yo, hindi kaba napapagod."

"Ano ba?!" Napasigaw ako at, tumulo ang aking luha. "Kung sa'yo ayos lang na hindi makapasa o makagraduate pwes sa'kin hindi. Oo napapagod ako pero kailangan ko itong gawin, gusto ko maging proud sa'kin sila Mommy. Aiden intindihin mo naman ako, babawi ako sa'yo okay pero kailangan ko muna magfocus, kailangan ko bumawi sa mga subject at, lesson na hindi ko natapos."

"Pagod na din ako, Yim. pagod na akong intindihin ka. Tangina, naawa ako sa'yo. Iniintindi kita. Naiintindihan kita pero tangina nakakapagod palang intindihin ka, girlfriend ba kita? Bakit parang hindi na? Sa tuwing niyayakag kita ayaw mo dahil busy ka sa pagbabasa. Hindi ka naawa sa sarili mo. Pati best friend mo gusto kang makabonding pero sabi mo sa susunod na lang babawi ka. Lagi mo iyong sinasabi pero hindi mo ginagawa."

Tumulo lalo ang luha ko. I'm so selfish, pati sila nasasaktan ko sa pinaggagawa ko. Yumuko ako at humarap ulit sa kanya. "Suko kana? Ayaw mona sa'kin? Hindi mo na ako mahal? Aiden naman."

"Hindi kita sinukuan kahit kailan, Yim. Hindi mo ba alam nararamdaman na'min habang nakikita kang nahihirapan? Habang nakikita kang lagi nakatapat sa libro at, walang kain. Tangina, Yim. mahal kita pero huwag mo namang gawin ito sa sarili mo hindi porket gusto mong tupadin pangarap ni, Tita pinahihirapan muna sarili mo. Ayaw kitang mawala sa buhay ko, Yim. Minsan nakikita kitang tulala at wala sa kawalan gusto kong umiyak at yakapin ka."

"I'm sorry, hindi ko kaya ipagsabay, hindi ko kaya, hindi ako sanay na ipagsabay ang lahat. Pagdating sa pag-aaral at, relasyon hindi ko kayang ipagsabay, yes I'm selfish, I'm sorry let's take a break, kailangan muna na'ting magpahinga."

"Ilang weeks pa lang tayo, take a break agad? Ganiyan ka ba talaga?"

"I'm sorry, let's take a break. I'm sorry love, kailangan lang na'tin ng pahinga sa isa't isa pagod na ako, pagod na ako sa lahat hindi ko na kayang pagsabayin noong nawala sila mommy grabi ang guilty ko, kailangan ko bumawi sa kanila." Humikbi ako.

Naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Shh, okay then let's take a break, hindi tayo magb-break up hindi ba? Kailangan lang na'tin ng pahinga."

"Yes, I'm sorry."

"Don't cry na, alam kong pagod kana, alam kong hindi mo pa tanggap ang nangyari. Alam kong sinisisi mo pa sarili mo sa nangyari pero huwag mong hayaan na pati iyong kalusugan mo ay nakalimutan mo,"

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Hinalikan niya ako smack lang at doon na siya lumayo sa'kin. Lumabas na siya sa aking kwarto at, doon mas lalo akong humagulgol i'm so selfish, minsan naiisip ko.

Wala akong kwentang girlfriend, wala na nga akong kwentang anak pati ba naman girlfriend? Pagod na ako, pagod na pagod na. I'm sorry Aiden, I'm sorry dahil wala akong kwentang girlfriend, babawi ako. We need to take a break, kailangan na'min magpahinga parehas kaming pagod, siya lang ang natatanging lalakeng minahal ko, siya lang natatanging lalakeng mamahalin ko habang buhay.

Napatayo ako ng may biglang kumatok sa pinto, inayos ko sarili ko at mabilis na binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin sila Rona kasama ang kambal na pinsan ko.

Taka silang napatingin sa'kin. Hindi pala nila kasama si Naomi may sarili ng buhay. "Anong nangyari sa'yo? Nag iyak ka na naman?" si, Rona.

"Ate Yim, nakita naming umalis si, Kuya Aiden nakita na'min siyang umiiyak anong nangyari?" Isabella asked me.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now