“Make sure that you’re not scamming me, Alcazar. Malalagot ka sa akin. Expect three million transfered on your bank account.” Bakas ang saya sa mukha ni Wyatt.

Kaya tumayo ito sa pagkakaupo sa kaniyang inuupan sa may tabi ng bar counter at sumigaw ng, “Yes! I’m gonna be a dad! Fuck! I’m gonna be a dad!” mangiyak-ngiyak na sigaw ng binata. He’s really happy.

Kahit malakas ang sound ay hindi nakalampas sa mga taong naroon ang kaniyang pagsigaw kaya nakatanggap siya ng samu’t saring pagbati mula sa mga ito. Na ikinangiti lang ng binata. At umupo nang muli sa kaniyang upuan.

“Bud, 7:30PM na. Hindi ba pupunta ka pa sa bahay ni Aloha? You’re late. Baka naiinip na iyon,” ani Alexander.

“Ohh fuck! Lagot. I have to go. Enjoy your drinks and be wasted. I gotta go!” nagamamadaling sabi ng binata na nakatayo na.

Kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse sa bulsa niya saka lakad takbo siya na nagtungo sa kaniyang kotse. Nang makarating ay kaagad na siyang pumasok sa driver’s seat at binuhay niya na ang kotse saka pinaandar paalis sa parking lot.

Nang nasa kalsada na, mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang kotse papunta sa bahay nila Aloha. Medyo may kalayuan ang bar niya sa Barangay nila Aloha kaya lalo niyang binilisan ang takbo. Na-iimagine niya na ang galit na mukha ng dalaga na naghihintay sa kaniya sa pintuan ng bahay nito saka nakataas ang  kilay at ang mga kamay ay nasa bewang.

“Damn those lunatic friends of mine. Late pa nagsabi,” aniya saka binilisan pa lalo ang takbo ng kaniyang kotse.

Napangiti siya nang marating niya na ang daan papunta sa Barangay nila Aloha. Nakita niya na rin ang karatula na may nakalagay na arrow saka ang pangalan ng barangay na nawiwirdohan talaga siya kaya hindi nalang niya binasa. Nagiging iba ang dating sa kanina ng pangalan ng barangay na iyon.

“So fucking weird,” he uttered as he already passed the sign board.

Nang nasa tapat na siya ng bahay ng dalaga, nakita niya ang mga taong nagkakagulo. Bumaba siya sa kaniyang kotse saka naglakad papalapit sa mga ito.

Nang nandoon na siya kaagad na lumapit sa kaniya si Aling Caring. “Bakit po kayo nagkakagulo? May nangyari ba?” tanong niya kaagad dito.

“W-Wyatt, may dumukot kay Aloha na mga armadong lalaki. Tinutukan ng isa mga ito si Aloha ng baril sa kaniyang tiyan saka may itinurok sa leeg nito kaya nakatulog ito. Baka ano ang gawin ng mga iyon kay Aloha. Pakiramdam ko buntis pa naman iyon dahil sa tumataba ang dalaga at nakikita ko ang pagbabago sa katawan niya. Noong makita ko ang ginawa ng mga lalaki, kinabahan agad ako. Iligtas mo siya Wyatt,” sagot nito sa kaniya dahilan para lukuban siya ng takot—takot na kailanman ay hindi niya pa nararamdaman. Ngayon lang.

“Namukhaan mo ba ang mga dumukot sa kaniya?” tanong niya dito.

“Hindi ehh. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko, pasensya na.”

Napahilamos siya kaagad sa kaniyang mukha. Hindi niya alam kung paano hahanapin ang dalaga gayong hindi niya alam sino ang dumukot dito.

Nasa pag-iisip siya nang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng pantalon niya. Nang kunin niya iyon nakita niya agad kung sino ang tumatawag.

“Hello, my dear. Siguro naman ngayon baliw na baliw ka na kakahanap sa hampaslupa mong girlfriend.” Bungad ng nasa kabilang linya.

“Damn you, Cleo! Ikaw ba ang nagpadukot kay Aloha, huh?!” singhal niya dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga ka-barangay ni Aloha.

“What do you think?” Cleo said mockingly.

“Saan mo siya dinala!? Are you that desperate to get me huh, bitch!? Let her go! Pabayaan mo na kami! Just accept the fact that I will never love you!” singhal niya dito.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONWhere stories live. Discover now