WTF 92

1 1 0
                                    

"Saan punta mo? Aalis ka na ba talaga?" Nangangambang tanong ni Anneliese.

"New Orleans. Napagplanuhan namin nina Mama na doon na manirahan, mamayang gabi na ang flight." Sagot ko habang nakatulala sa aquarium sa harapan.

Sa amin pinamana ni Papa ang mga ari-arian niya. Personal na abogado nito ang pumunta para ipaalam sa'min. 70% ang sa'min at 30% sa isa niyang pamilya kawawa naman mukhang di unfair. Binilhan niya din kami ng mansion at plantiyado na lahat ng plano niya para sa'min. Mahal na mahal niya parin kami kahit hindi namin siya kinailangan.

"Pa'no ako?" Si Anneliese.

"Magpapaiwan daw muna si Clay, pero susunod din siya." I stated.

"Ayaw n'yo ba mag-stay dito sa Pinas?" pumiyok na siya nang itanong iyon.

Paglingon ko sa kaniya ay sunod-sunod na ang pagpatak ng luha nito. Niyakap ko nalang siya at inalo ng ilang minuto.

"Bibisitahin naman kita, padadalhan pa kita ng mga chocolates at gifts. Kung gusto mo ikaw na bumisita sa'min. Diba gusto mo rin makapunta ng ibang bansa, baka makahanap ako ng trabaho para sa'yo invite kita. Pero pag tourist huwag ka mag-t-trabaho ha lagot tayo diyan!" Mahabang litanya ko.

"Nakakainis ka naman e..." natatawang sabi nito habang nagpupunas ng luha. "Saka may nabasa ako sa internet sa New Orleans daw nakatira mga vampires, baka mamaya niyan hindi ka pa nakakapasok sa bahay n'yo doon ubos na dugo mo! Naku sis, huwag ka na tumuloy." Dagdag nito na ikinatawa ko.

"Sira! Walang pambira sa ibang bansa!"

"Anong malay mo? Bilog ang mundo te. Basta mag-ingat ka doon." I gave him a reassurance smile.

Welcome To FriendzoneWhere stories live. Discover now