WTF 64

6 3 0
                                    

Me:
Hoy te! Tangina

Anneliese:
Minumura mo ba ako???

Me:
Tangek hindi!
Kasi ganito
Minessage ko si Aly tapos si Chianti yung nag-reply

Anneliese:
Ay hala yawa

Me:
Mapapamura ka talaga


Anneliese:
So pa'no na yung plano na'tin?
Gano'n nalang 'yon? Hindi na ba na'tin itutuloy?

Me:
Hindi pede 'yan
Gagawa tayo ng paraan
Ikaw mag-isip ka rin ng paraan huwag mo iasa sa'kin, saka diba close din kayo??

Anneliese:
Kaya lang naman kami nagkakilala kasi siya nagtanggol sa'kin noong binully ako

Me:
Na-bully ka? Bakit hindi ko alam???
Bakit hindi mo sinabi sa'kin!
Sino nambully sa'yo?!

Anneliese:
First day of school absent ka remember
Saka hello, magkaiba tayo ng department

Me:
Ah gano'n
Pero sino nambully sa'yo aber
Wala silang karapatan na hawakan ka ni hibla ng buhok mo dahil ako lang ang puwedeng sumabunot diyan!

Anneliese:
Tss
Kapag sinabi ko ba sa'yo may magagawa ka?
Huwag na Clia baka saan pa mapunta!
Baka umiral na naman pagka-warfreak mo

Me:
Sabihin mo nga kung sino! kakausapin ko lang

Anneliese:
Huwag na, wala akong tiwala sa 'kakausapin' mong 'yan.

Me:
Andeng!

Anneliese:
Walang patutunguhan 'to kung pag-uusapan na'tin ang tungkol doon
Let's go back to our topic, about Aly!

Me:
Okay okay!
Pero ikukuwento mo sa'kin ang tungkol diyan mamaya ha
So ano? What about Aly?
I can't talk to him using this number anymore

Anneliese:
Use your real identity!
Influencer ka diba! He's not talking to anonymous person unless katulad niya

Me:
Ayoko
Ayokong makilala niya ako bilang Hillary Zanesville na isang kagaya niya
I want us to exist with different state.

Anneliese:
Para saan pa?

Me:
Nakilala niya ako bilang Clia na witty at makulit, nakilala niya ako bilang Clia na papansinin. Hindi niya ako naging kaibigan bilang Clia na sikat at kauri niya. I want to be fair. Kung pareho kami, that will not be fair. Kung saan niya ako unang nakilala doon ko siya babalikan.

Anneliese:
Ang deep!
But I like that anyway
So ano ngang plano?

Me:
If I'm not able to talk with him virtually then we'll meet personally. Chianti can't stop me from doing that

Anneliese:
Woaaaah
Ang intense te! Ako 'yung kinakabahan
Hindi ka ba na-t-trigger? Pa'no kung mag-leak ang tungkol sa inyo at maging issue?! Hindi naman sa hinihiling na'ting mangyari because no one wants that pero what if? And I'm threatening you, warning lang iyon.

Me:
Walang lalabas kung walang magsiwalat
Tapos ang usapan
I'll update you till next

Welcome To FriendzoneDär berättelser lever. Upptäck nu