WTF 25

11 2 0
                                    

Kailangan ko maghanap ng boarding house o kahit bedspace na malilipatan, yung malapit sana sa trabaho ko pero mukhang mapapalayo naman ako sa school. Nakakahiya na rin kasi magpahatid-sundo kay  Clay, minsan nga na-l-late siya dahil sakin tapos kailangan pa niya sunduin si Anneliese. Ngayon ko lang napagtanto na medyo alanganin schedule ko. Sa Marikina yung Alorica tapos diyan lang sa Greenhills yung school ko. Nasa Padilla bahay namin. Medyo nag-aalangan ako doon pero hindi naman ako puwedeng umurong sa trabaho, opportunity na lumalapit sa'kin aayawan ko pa ba. Yung schedule ko kasi; 7 to 12 ng tanghali sa eskuwelahan, pagkauwi matapos kumain matutulog na agad maghapon tapos papasok naman ako sa trabaho alas-siyete ng gabi hanggang alas-siyete ng umaga. Nasabi ko na sa prof ko sa unang subject tungkol doon at icoconsider naman daw ako kahit ma-late kasi may work nga ako.

***

Me:
Aly
May alam ka bang boarding house
Yung malapit sa Marikina tapos medyo may kalapitan din sa Greenhills?
Sent via • GLOBE

Aly the Great:
Why'd you ask?

Me:
Sagot ba yan?

Aly the Great:
Tss bakit ka lilipat?
Maglalayas ka?

Me:
Hindi tangek
Para malapit ako sa work at the same time malapit sa school

Aly the Great:
I have a space on 102 plaza
I'm currently not using it

Me:
Malapit sa'min*

Aly the Great:
It's few kilometers from Marikina but it's way near from Greenhills
What do you say?

Me:
Naku nakakahiya Aly huwag na kung ikaw lang din ang may-ari!

Aly the Great:
Uso pa pala hiya hiya sa'yo

Me:
Syempre minsan kailangan din na'tin magpakipot, masyado ka namang panira ng moment oh

Aly the Great:
Ayan

Me:
But seriously, ayoko pls
Thank u nalang

Aly the Great:
Actually
Bayad na iyon,hindi ko lang ginagamit

Me:
Sayang yun uy!

Aly the Great:
Indeed, so why don't you just agree to my offer and use it instead?

Me:
Palibhasa mayaman ka nagsasayang ka na ng pera. Magkano ba paupa mo?
Paniguradong mahal

Aly the Great:
Don't worry about the expenses
As i've said, bayad na iyon
It was  actually a gift from Tita, naglayas kasi ako noon, it was a long story
So ano? Take it or leave it

Me:
Grabe, pa'no ba tumanggi

Aly the Great:
I'll give you the details

Me:
Woi seryoso Aly?
Kahit makapal mukha ko, may natitira pa namang kahihiyan sa katawan ko ano!

Aly the Great:
Ano bang nakakahiya?
I'm the one who offered you, it's for you to accept or decline but I advised you to better accept it

Me:
Sige na nga
Thank u ha
Tatanawin kong utang na loob 'to

Aly the Great:
No problem

Welcome To FriendzoneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt