WTF 61

5 2 0
                                    

Me:
Aly sorry ha
Hindi ko na matutupad 'yung pagpunta sa recognition mo
Not sent, tap to try again • via GLOBE

"Clay! Saan ka nagpa-load kanina?" Tanong ko rito.

"Sa kapitbahay. Huwag ka na magpa-load, wala naman signal dito. Kung gusto mo, doon ka tumambay sa tabing-dagat, may signal doon." Aniya.

"Wala pa ba tayong Wi-Fi?" Tanong ko.

"Wala! Kaka-apply palang ni Mama kanina." Anas nito.

"Hayh ano ba naman ito."

***

Me:
Aly pasensya ka na minsan hindi kita ma-text
Mahina kasi signal rito

Aly the Great:
There's no need to do that always anyway
It's not as if it's necessary

Me:
Halatang hindi mo ako na-miss
Not sent, tap to try again • via GLOBE

"Ugh kainis!"

"Hindi ka dapat nag-iisa rito." Napaigtad ako sa tinignan nagmumula sa likuran ko. Nang humarap ay bumungad sa'kin ang mala-Adonis na mukha ng binata. Kumikinang ang kaniyang mga mata na may repleksyon ng bilog na buwan.

"S-sino ka?" Tanong ko at umatras ng bahagya.

"Maiinis ka talaga kung pagtutuunan mo ng pansin iyang smartphone mo. Bakit hindi mo pagmasdan ang buwan at ang dalampasigan para maaliw ka. Hindi mo man lang na-appreciate ang katahimikan ng paligid." Imbes na sagutin ang tanong ko ay iyon ang pakli nito.

"I'm sorry, kailangan ko na umuwi." Pagpapaalam ko para hindi naman kabastos-bastos sa kaniya.

"Jepoy, pangalan ko." Sambit nito nang makatalikod ako.

Muli akong humarap sa kaniya. Nakita kong nakalahad ang kamay nito. Inabot ko na lamang ito para hindi siya mapahiya kahit nawe-weirduhan na ako sa kaniya. "Clia." Pagpapakilala ko saka siya tinalikuran at tumakbo pauwi.

Welcome To FriendzoneOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz