WTF 44

6 3 0
                                    

Pagka-bukas ko palang ng Facebook ay agad bumungad sa'kin sa stories ang myday ni Aly. May hawak siyang baso at nakatakip ang kamay sa mukha, mukhang stolen lang din iyon pero minyday niya. Sa next ay video na iyon, nasa bar siya. URBN QC. So noong isang araw doon siya pumunta.

Nag-scroll-scroll nalang ako sa sa iba't-ibang social media accounts. hanggang sa magsawa. Day-off ko ngayon. Gusto ko matulog buong araw pero uuwi ako ngayon sa bahay. Nandito pa kasi ako sa apartment. Tinatamad pa akong bumangon. Kumain ako ng kanin kanina as suggested by Aly. Nag-order nalang ako since tinatamad ako magluto. Napagdesisyunan kong manood nalang ng movie kaya iyon nga ang ginawa ko. Hanggang sa ginanahan na akong umalis, mga alas-dose ng tanghali. Naligo na agad ako at umalis ng apartment. Uuwi ako sa bahay.

***

Me:
Hi hmu

Aly the Great:
Hey
I cut my hair, look
Aly sent a photo

Me:
Wews pogi

Aly the Great:
How was it?

Me:
Bagay pala sa'yo kalbo
AHAHHAHAHH

Aly the Great:
It's army cut
Baliw

Me:
Whahahhaha
Army cut ba tawag diyan?
Kamukha mo si Shaolin

Aly the Great:
Grabe ka
Dapat diko nalang pinakita

Me:
Joke lang
Eto naman di mabiro
Pero totoo ha, bagay sa'yo

Aly the Great:
M'kay

Me:
Bakit ka nga pala nagpakalbo?
Gusto ko pa naman sana pagtripan buhok mo kapag nagkita tayo

Aly the Great:
Stop saying kalbo, I'm not bald
May kalbo bang may buhok pa? It's army cut

Me:
Parang gano'n na rin 'yun ang arte mo
Edi halfway kalbo nalang, okay ba?
Teka saang buhok ba yan

Me:
Cliaa!!

Me:
Oh kalma ako lang 'to
Sori na po
Hindi na kita tatawaging kalbo
Ay sorry
Aly I like your haircut okay

Aly the Great:
Medyo plastik ka sa part na 'yan

Me:
Woah
Ngayon alam mo na ang ibig-sabihin ng plastik, nice

Aly the Great:
Tss

Me:
Oh may ahas

Aly the Great:
Ewan ko sa'yo

Me:
AHAHHAHAHH
Naman! Inis ka ba? Palamig ka muna

Aly the Great:
Day-off mo ngayon diba?

Me:
Yez pow

Aly the Great:
Tara sa coffee shop

Me:
Are you asking me out on a date???

Aly the Great:
Yes
A friendly date
Sa coffee shop ko

Me:
Sa coffeesin???

Aly the Great:
How did you know?

Oh tangina nadulas ako!

Me:
Uhm ano kasi doon ako bumibili ng kape minsan, napag-alaman kong ikaw may-ari no'n

Aly the Great:
Oh okay
So shall we?

Me:
Oo naman
Ngayon na?

Aly the Great:
Kung kailan ka free

Me:
Hoy never ako naging free, mahal ako 'no

Aly the Great:
AHAHAHA tara na

Me:
Kitakits

Welcome To FriendzoneWhere stories live. Discover now