Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico

En başından başla
                                    

Mariing napapikit si Krayola bago tinagpo ang mga mata nito. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Pinapahalagahan kita bilang kaibigan ko. Nirerespeto kita bilang guro ko. Alam mong hinding-hindi ko magagawa sa iyo ang bagay na iyon."

"Kung ganoon ay ipabatid mo sa akin. Makikinig ako. Pipilitin kong mas palawakin pa ang pag-iisip ko basta sabihhan mo lang ako," patuloy nito sa pamimilit. "Iintindihin ko, Binibini. Pakikingan kita at titigil ako sa kaka-udyok sa iyo na sumali sa paligsahan kung sapat iyon na dahilan."

"Dahil kasabay ang paligsahan sa araw ng ikalawang duyog, Ginoo," pagbibigay-alam ni Krayola para rumehistro ang pagkantato sa mukha nito. "Mas pipiliin kitang makasama sa araw na iyon kaysa sumali sa paligsahan."

Hindi nakasagot si Enrico at tumingin lamang sa kanya. She was holding it back and finally saying it in front of Enrico made her teary-eyed. Hindi niya rin alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon sa harap nito. Pero ang tototoo ay gusto niya pang dugtungan ang mga kataga na binitawan at sabihin ang totoong nararamdaman para dito. Na mahal niya ito kaya mas pipiliin niya ito. Na matagal na siyang may lihim na pagtingin kaya mas pipiliin niya na makasama ito sa huling araw bago mangyari ang duyog. 

Gusto niyang sabihin sa harap nito ang nararamdaman nang walang pag-aalangan para mapakita rito kung gaano niya ito kagusto. Pero ang kanyang mga sinabi ay sapat na para gumaan ang kanyang dibdib ngunit hindi niya ikakaaila ang lungkot na kanyang nararamdaman kapag bumalik na si Enrico sa oras nito.

"Binibini..." ang tanging nausal ni Enrico makalipas ang ilang segundong katahimikan.

"Naalala mo iyong Nobyembre na sinabi ko patungkol sa araw ng ikalawang duyog? Nalaman ako kanina lang sa internet at napagtanto kong parehas iyon sa araw ng eksibit. Sa tingin mo ba mas pipiliin ko ang pagsali sa paligsahan kaysa sa iyo?" tanong niya.

"Oo," sagot nito para kunot-noo na mapatingin rito. "Pilitin mo. Baguhin mo ang desisyon mo. Kailangan mong baguhin ang desisyon mo dahil hindi ako papayag na ako ang magiging balikad ng pagkamit mo sa iyong pangarap."

"Huli na ang lahat dahil ikaw na ang dahilan," sagot ni Krayola para mapapikit si Enrico at mapailing-iling sa kanya. Isa ka na sa aking mga pangarap.

Enrico started pacing left and right and said nothing. Ilang pagbuntong-hininga ang pinakawalan nito bago ito tumigil at lumapit sa kanya.

"Hindi ko iyon hahayahan na mangyari. Sumali ka sa paligsahan..." he said with authority.

"Pero—"

Nanlisik ang mga mata ni Enrico at pinandilatan siya. "Hindi iyon isang kahilingan, Krayola. Utos ko iyon bilang iyong guro."

She couldn't believe what she was hearing and seeing from Enrico. Para bang bigla itong nagbago at hindi na ito ang nakilala niyang banayad na binata. It was her first time hearing her name from Enrico and it wasn't this scenario that she was expecting. Siguro nga ay masyado siyang umasa na ganoon din ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Paumanhin pero kailangan kong gawin ito. Simula ngayon ay magiging malupit na ako sa iyo kung kinakailangan. Magpahinga ka na at magluluto ako ng hapunan. Pagkatapos kumain ay matulog ka nang maaga dahil bukas na natin sisimulan ang pagsasanay," ani Enrico para mas lalo lamang na mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. She was about to complain when Enrico cut her by squinting his eyes on her. "At ayokong ng makarinig ng katwiran mula sa iyo simula ngayon."


NAKATINGIN mula sa malayo si Enrico habang nagpipinta ang dalaga. Hindi gaya noon na halata sa kilos nito ang pag-aalangan, ang mga nagagawang kumpas ng bawat brotsal nito sa kuwadro ay masasabi niyang mainam at puno na nang kompiyansa. Nakahinga siya nang maluwag sa pinapakita nitong lakas ng loob.

Lumapit siya rito at sinuri ang pinta nito na paksa na pag-ibig. Ayon sa dalaga kaya ito ang napiling paksa ay nauukol iyon sa marami. Hinayaan niya ito sa kagustuhan at maigi na ginagabayan ito. Subalit sa kabila ng pamimilit niya rito na sumali sa paligsahan ay ganoon din paglayo ng loob nito sa kanya. Lumipas ang ilang buwan at nanatiling malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito nakakausap at kung makakausap niya naman ay limitado lamang ang mga sinasabi nito at hindi na katulad nang dati. Araw-araw niya nakikita ang pag-irap nito sa kanya at hindi niya maiwasan na masaktan para doon. Nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya at ikinakikirot iyon ng puso niya.

Hindi siya sanay na hindi ito nakangiti. Hindi siya sanay na hindi ito nangungulit at hindi kinakausap. Hindi siya sanay na tahimik ito at seryoso na magpinta. Ninanais niya na ang dating pakikitungo ng dalaga. Masakit para sa kanya na na nakikita itong ganoon. Masakita sa kanya na itinatrato siya nito na parang hangin na hindi nito nakikita.

Gusto niya itong hawakan. Damdamin ang malalambot nitong balat. Yakapin ito nang sobrang higpit para iparamdam rito kung gaano ito kahalaga sa kanya. Gusto niya itong makasama habang buhay. Gusto niyang tingnan ang mga mata nitong kulay almanderas at titigan ang mga mata nito na tila ngumingumiti rin sa tuwing ito ay nakangiti. Gusto niyang ipagsiklop ang kanilang kamay at huwag na iyong bitawan. Gusto niya itong makasabay kumain ulit ng pagkain na Pizza. Gusto niya muling maamoy ang halimuyak nito na Sampaguita at magpakadalubhasa sa amoy niyon. Marami siyang gusto gawin sa dalaga at mga nais gawin kasama ang dalaga ngunit hindi iyon maaring mangyari dahil namamalagi ito mula sa ibang oras na kung tutuusin ay napakalayo mula sa kanya.

Kahit na masakit para sa kanya na bigla na lamang humupa ang kanilang pagiging malapit sa isa't isa, kailangan niya iyon tanggapin dahil iyon ang nararapat para makabalik siya sa ikalawang duyog sa Nobyembre na bukal sa loob. Tama lamang na iparamdam nito sa kanya na wala siyang saysay para mas mapadali sa kanya ang paglisan.

Lumapit si Enrico sa dalaga at bigla na lamang idinikit ang ulo mula rito. Noong una ay naestatwa si Krayola sa kanyang ginawa ngunit hinayaan siya nito matapos magbuntong-hininga.

"Patawad sa mga nagawa ko sa iyo nitong mga nakaraang-araw," aniya sabay huminga nang malalim. "Pero maari bang humingi ako sa iyo ng pabor?"

Hindi sumagot si Krayola at nagpatuloy sa pagpipinta kaya pinigilan niya ang dalaga at pinisil ang kamay nito.

"Maari bang ipanatili mo ang ganitong pakikitungo sa akin hanggang Nobyembre?"

Arts and GoodbyesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin