Simula

135 9 2
                                    

NANATILING nakaupo nang tuwid si Krayola habang harap ang mahigit-kumulang na treintang tao sa loob ng pagtitipon patungkol sa obra-maesta na kaniyang nagawa. Ang lahat ay harap ang kani-kanilang aparato na gagamitin katulad ng laptop, camera, papel at lapis sa pagsaliksik ng kanyang mga isasagot.

"Isabel Callahan of Asian Television Content Corporation, ma'am. My question is when you paint Hago, your masterpiece that came out this year and gained a lot of attention in a short span of period, what is the particular inspiration of the art?"

Tipid na ngumiti si Krayola at huminga nang malalim. "Hago, yes. Well, the inspiration... uhm, it was actually inspired by a woman's undying love for a man she had to let go. But paintings are more complicated as they appeared. But for me, it depicts unfortunate love that everyone can relate to."

Nang itinaas ng lalaki ang kamay sa kanang bahagi nang malawak at puting silid ay inihudyat niya ang ulo senyas upang ibigay ang pahintulot na magtanong.

"Christian Lopez of Breakthrough and Milestones Production International, Miss Tolentino, may I ask what is the meaning behind the masterpiece title Hago? I mean, saan ninyo po nakuha ang pangalan na iyon?"

"Remember the woman with an undying love for that one particular man?" Naningkit ang mata ni Krayola sa magiliw na paraan, tila pinagaan ang mabigat na tension sa loob ng silid. "Her name was Hago. Short for Harriet Go. She was a close friend of mine."

Pumailanlang sa silid ang bulung-bulungan at mga komento ng mga mamamahayag. Animo ang mga tao sa loob ay nag-unahan sa pagtipa sa kani-kanilang keyboard sa kanyang naging sagot.

"Ma'am Krayola, Mec Madrigal of Creative Programs here, I just wanted to ask how long did you paint Hago? Is there any complication you had to deal with along the process since there is a saying that good canvas art is complicated? Do you believe in that saying?"

Napaismid si Krayola at pinigilan na pumalatak. "Siguro kung iisa-isahin ko ang naging komplikasyon ng porseso sa pagpipinta ng Hago ay baka abutin tayo ng bukas, so I'll be brief. I painted it for almost a year. Gano'n kahaba. Every day, I'll make sure that Hago must fall in the way I like it to be once it's finished. It wasn't easy, yes, but if you are really aiming to turn passion into a career just like me, one must have perseverance and determination. So, to answer your question is a good canvas complicated? Yes. Yes, it is. It was complicated... but in a satisfying kind of way."

Nang mahagip ng kanyang mga mata ang lalaking nagtaas ng isang kamay sa bandang huli na nakahilera ang mga puting upuan ay agad na lumipad ang mga mata ni Krayola dito.

"Manila Bulletin Publishing Corporation Group, ma'am. Good afternoon, I am Carl Stevens. I just want to know the deep story behind your masterpiece Hago. Because after a year of making Hago in public, this is your first press conference, Ma'am, correct me if I'm wrong. Because others have said that Hago features a woman who was in vain standing and looking down, crying in front of Plaza De Roma's fountain of Intramuros. Is it really true that Hago was a broken piece as the painting depicts itself?"

Sumipat si Krayola sa kanyang obra-maestra na pinangalanang Hago at pinigilan magpahayag ng kung anong emosyon upang mapanatili ang pinakaiingitan niyang reputasyon. Sandali siyang tumitig sa kuwadra kasabay ng pagtahimik sa loob ng silid. Ang tanging naririnig niya na lamang ay ang sunod-sunod na paglagitik ng camera.

"It was... it was actually a—"

Naputol na lamang ang pahayag ni Krayola nang marinig ang pag-ingit ng upuan nang tumayo ang babaeng suot ang puting uniporme at itim na lundo. Base on the lady's V-neck identification color, green and maroon was the college department of fine arts. A student from University of Santo Thomas, she knew for sure. Natitiyak niya iyon dahil maliban sa loob ng ilang tao na nakapagtapos sa parehong kurso ay kaunti lamang ang naging pababago ng kanilang uniporme.

"If you are going to analyze it deeper, Hago is somehow an answer to a different masterpiece. An old masterpiece to be precise," saad ng estudyante na mas lalong nagpatahimik sa silid at naging dahilan ng kanyang bahagyang pagkabigla.

Hindi pinapahalatang namangha na tinitigan niya ang estudyante bago ngumiti ng tipid dito.

"UST art representative Fae Alona Ynares is the name, ma'am, running as summa cum laude this school year. What I said a while ago is my analysis of your masterpiece Hago."

Hindi siya nagpakita ng kung anong reaksyon na pagsang-ayon o pagtutol sa saad ng dalagita. Sa halip ay nanatili siyang nakatingin dito, nagbadya sa tumatakbo sa isip ng dalagita.

"Ma'am Tolentino, if you don't mind me asking, may I ask something personal?" tanong nito na nagpatanga sa loob ng mga mamahayag nang magsimula itong humakbang palapit habang dala ang papel at ballpen patungo sa kanya. "Because I have research about you a lot and made theory out of it. And in order to confirm it, I need to know if you are married, ma'am? Are you married? Because If you're not, then what I have in mind is true."

Puno nang pagmamalaki na tiningnan niya nang diretso ang estudyante at walang pakundangan na ngumiti rito. "I am married."

Tumikwas ang isang kilay ng dalagita, marahil ay nadismaya sa natuklasan. Ngunit segundo lamang ang nakalipas nang magbago ang reaksyon nito na tila ba nagpapahiwatig na hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi nang makita ang kanyang pagkabalisa.

"Just like Hago?" naghahamon nitong saad bago inangat ang matalas nitong mga mata, sinalubong ang kanya.

Mabilis na iniwas ni Krayola ang mga mata at balisang ipinagdaop ang mga kamay. "Yes."

Arts and GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon