Chapter 43:SUDDEN ACCIDENTS

232 15 7
                                    

- Simon -

Nandito ako ngayon sa may lab kasama ang Ina ni Rochelle, si Rica. We are having a small experiment sa kwentas ni Primo.

Inaalam namin kung papaano ito pagaganahin dahil sinubukan na kaninang isuot ni Rica ang nasabing kwentas pero hindi gumagana sa kanya. Sa palagay ko, may kinikilalang amo ang kwentas at hindi ito basta-bastang magagamit ng kahit sino unless kung part siya ng Sazchti Royals.

"Bakit wala pa ding reaction?!" Galit na bulyaw ni Rica sa scientists na si Mr. Fin.

"Why does it's not reacting with a simple sodium chloride?" Nagtataka namang tanong ni Mr. Fin.

Tahimik lang akong nakaupo sa couch habang pinanonood sila na grabi kung maka-focus sa necklace.

"Let's test it with sodium hydroxide!" Suggest naman ni Rica at agad na ikinagulat ito ni Mr. Fin. Base sa reaction ng mukha niya parang medyo dangerous chemical ito.

"No we can't! Malakas na chemical ang sodium hydroxide! It's also harmful para sa atin lalo na kapag hindi tayo nag-ingat. Kung hindi man ito nag react sa sodium chloride, pwede pa nating i-try ito sa copper sulfate or di naman kaya sa lead nitrate! Pero hindi ito pwede sa sodium hydroxide!" Paliwanag ni Mr. Fin. Although I don't understand why it's harmful pero I agree pa din sa kanya. Base sa kaalaman ko, kapag napadami ang gamit ng sodium hydroxide at ma-expose ito sa Tao, pwedeng maging harmful ito.

"No! If we don't take the risk, then we can't earn the success!" Pagmamarunong naman ni Rica like she knew everything about chemistry! Kapag itong lab sumabog ng dahil sa chemical na yan, ikaw talaga ang sisisihin!

Anyways, if ever man na sumabog ang lab, si Primo lang ang ililigtas ko at bahala na kayo.

I came here only with 2 purposes, first is to make sure about Primo's safety. Lastly, is to gather some evidence laban kina Rica at Rochelle. Secret lang namin ito ni Princess Olivia since ang alam nila is ginagawa ko ito for Lea's sake.

Hinayaan ko nalang silang dalawa at binaling ko nalang ang atensyon ko sa natutulog na si Primo. He's so young but yet he already experienced a lot of hardship in life. If ever man na magkakaanak ako in the future, I would never gonna reveal him/her sa public and keep a low profile as possible as I can.

Ayaw kong maranasan niya ang mga bagay na nararanasan ngayon ni Primo. Being kidnapped, being tortured! I can't stand seeing my future child experiencing this cruelty of the reality. Kapag nagkapamilya ako, gusto ko silang ilayo at mamuhay ng payapa.

"Simon am I right?" Biglaan namang tanong sa akin ni Rica.

"Ahh... Yes, your right madam" I answered kahit na hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at kung saan siya naging tama.

"I-alis mo dito ang batang iyan at ikulong doon sa guest room namin while we proceed to our next experiment" utos niya at agad naman akong sumunod.

Dahan-dahan kong binuhat si Primo at pumunta sa nasabing guest room. Pagkapasok ko doon sa kwarto, dahan-dahan ko din siyang inilapag sa kama upang hindi siya magising. Hindi siya pinapakain nila Rica or pinagpahinga man lang kanina. They even made him try the pain simulator kung saan pinaramdam sa kanya ang iba't ibang level ng sakit kaya super exhausted na ng katawan niya.

"M-mommy... D-daddy... " bigla naman siyang napahikbi at niyakap ang kanang braso ko.

"D-don't leave me p-please... S-save me h-here f-from these bad p-people" usal niya habang humihikbi at tumulo naman ang kanyang mga luha sa magkabilaang mata.

Her Long Lost Soulmate ( A Fanfic) Where stories live. Discover now