0 8

14 1 0
                                    

"Yuna." anas ng dalaga, hindi pa man niya alam ang nangyayari ay alam na niyang buhay pa ang mga ito. Nagsasalita ito, pero hindi niya marinig ng maayos, kaya kumunot nanaman ang noo niyang noon ay diretso na. Inalis niya ang selpon sa tenga at tinignan ng maigi, 'Tangina naman, so kailangan pa iloud speaker?' inis niyang anas sa sariling isip.

Walang choice ang dalaga kung hindi iloud speaker ito upang marinig ang mga nasa kabilang linya. Samantalang ang mga kasama niya ay nakatingin lang sa gawi niya, iniisip na baka ay nakalimutan niyang may mga kasama siya, pero hindi iyon totoo.

"Yuna." pagtawag niya muli pagkatapos pindutin ang loud speaker ng selpon, inangat niya ang tuhod niya at doon nilagay ang selpon niya.

"TANGINA KA GLAIZEL!! PAPATAYIN MO BA KAMI GAGO!!" mabilis siyang napatayo sa gulat, sigawan ba naman siya, sinong hindi magugulat? Nahulog ang selpon sa lapag, pati ang mga kasama niya ay nagulat sa sigaw na narinig, hindi malaman kung tatawa ba sila o mangingiwi.

"Aba't tangina mo rin." maangas na sagot niya sa kabilang linya, gusto niyang mangasar, 'Buhay sila.' isip isip niya. Narinig niyang may humablot ng selpon.

"Gago ka, akala ko mamamatay na kami, biglang nag ring yung selpon ni Yuna. Nagulat kami, tapos yung mga zombie eh sumugod kaya nakailang ring muna. Bobo ka!" suway sa kanya nung isa pang babae, napangiwi siya. 'Sorry naman, ano bang malay ko 'di ba?' sagot nanaman ng konsensya niya, nanatiling nasa isip niya.

"Should I say sorry?" pabalang na tanong niya, nakataas ang isang kilay na nakatingin sa labasan ng pintuan na para bang nandoon ang mga kausap at nakikita siya. Narinig ng lahat ang pagtawa sa kabilang linya, napaikot siya ng mata.

"Sorry? HAHAHA aasa pa ba kami sayo? Eh hindi mo naman ugaling magsorry, masyadong ginto sorry mo eh 'di ba? Bwiset na 'to." singhal na sagot nung kausap niya. Napahagikhik siya sa sinabi ng kausap dahil nakakatawang totoo nga iyon. Napatigil siya pag tawa, naaalala niyang nagsorry siya, nagamit niya ang salitang iyon kanina lamang, kay Kuya Niel. Nag sorry siya sa lalaki, at hindi niya rin alam kung bakit niya ginagawa 'yon. Pangalawa ay yung sa baba, yung mga oras na bago niya tulungan ang magkasintahan, humingi din siya ng despensa sa isang zombie na kamuntikan niya ng mahalikan. Iiling-iling siyang nanahimik, napansin iyon ng mga kausap niya sa kabilang linya pero bago pa sila makapagsalita ay inunahan niya na.

"Nics, where is he?" mahinahon niyang tanong sa kausap, narinig niya pa muna ang mga paghinga ng malalim na mula sa kabilang linya bago may sumagot sa tanong niya.

"He's here, don't worry." sagot nung Nics sa kanya, kinabahan siya, parang nanggaling sa karera ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nito dahilan para manginig ang tuhod niya, 'Eh ano bang nakakakaba?' isip isip niya.

"Tss anong worry? Tanga, tell him I'm sorry. " mahinang sagot niya na pabalagbag, nagulat ang kausap niya ganoon na din ang mga kasama niya. Maging siya ay nagulat sa lumabas sa bunganga niya, nagsorry nanaman siya, pangatlong beses na ito at sa loob lamang ng iisang araw nangyari at bago iyon.

"H-ha, ah s-sige.." nakabawi na ang babaeng nagngangalang Nics pero nautal siya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan ito, narinig ni Glaizel ang pagpasa ng selpon ulit sa kung sino.

"Tangina ikaw ba 'yon, grabe Glaizel nagsosorry ka pala?" pangaasar ng isang babae, yung tinawag niyang Yuna, napaikot nanaman ang mata ng dalaga.

"Pakyu ka Yuna, pakyu." inis na anas niya, napipikon siya sa pangaasar ng kaibigan sa kanya, napatawa ang kaibigan niya.

"Yuna." tawag niya dito, malamig na ang boses niya, tila ba walang emosyon ito, nanindig na rin ang balahibo ng mga kasama niya sa rooftop dahil dito, umubo-ubo pa ang nasa kabilang linya bago sumeryoso.

"Where are you?" tanong ng babaeng si Glaizel sa kausap. Kailangan niyang malaman kung nasaan ang kausap para mapuntahan niya ang mga ito.

"University. Nandito kami sa loob at nagkakagulo parin sa labas." si Yuna.

"Where exactly? Faculty? Library? Canteen? Cr?" pagtatanong niya ulit.

"Nasa isa sa mga classroom kami. No, I mean katabi ng classroom namin. Nandoon kami, dito sa may third floor, sa building A." sagot naman nung isang babae, si Nics.

Nilingon ni Glaizel ang mga nasa likuran niya, napabuntong hininga siya. Hindi niya naman kasi alam kung sasama ba sa kanya ang mga 'to, hindi niya alam kung okay lang sa mga 'to na sumama sa kanya. Hindi man niya alam ang mismong dahilan ay alam niya sa sarili niyang hindi niya gugustuhing iwan ang mga 'to dito gayong andaming pangit sa labasan.

"Okay, hold on." sambit niya sa mga kausap sa selpon habang ang paningin ay nasa mga taong kasama niya, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na agad.

"Okay lang ba kung isasama ko kayo?" pagtatanong niya sa mga ito.

"I mean alam ko namang hindi pa tayo magkakakilala, pero okay lang bang isama ko kayo? Hindi ko naman kase pwedeng iwan na lang dito." dugtong niya, maging siya ay naguguluhan sa gusto ng katawan niya. Maging ang bibig niya ay 'di na niya napipigilang magsalita.

"Kami sasama kami sayo, ikaw ang nagligtas sa'min kaya handa din kaming iligtas ka at tulungan ka." sabi nung Gideon sa kanya, napabaling siya kay Blaire, napatango-tango ito sa kanya at nung makitang nakatingin siya rito ay ngumiti ito, napangiti siya.

"Oh? Eh kayo? Mga walking rainbows, wala ba kayong balak na magsalita?" baling niya sa grupo na kani-kanina lamang nila nakasama. Nakita niyang umikot ang mata nung isang babae, yung maarte na conyo, nakita niya rin kung paano bumusangot ang mukha nung tatlong lalaki, yung kulay blonde, asul, at berde ang buhok. Hindi rin nakalagpas sa mga paningin niya ang pag pout nung lalaking kulay violet ang buhok, napangiti siya, 'Elijah Morgan' banggit niya sa pangalan ng lalaki sa kanyang isipan.

"We have a pinuno kaya.." yung conyong babae ang nagsalita, natawa siya. 'Pinuno? Ano sila sindikato?' ngiwing isip niya.

"Oh yep, you have a pinuno, so should i tanong-tanong your pinuno ba?" napangiwi siya sa panggagaya niya ng alien language ng conyong babae, tangina parang napilipit ang dila ko, pagalit na sabi ng isip niya, nanlalaki ang mata ng babaeng kausap niya dahil sa ginawa niya, hindi alam kung anong mararamdaman, napahagikhik ang mga kasama nila kaya mahina din siyang napatawa

"So who's your pinuno ba? Para ma-ask ko na siya.." dugtong pa niya, nawiwili siya sa pangaasar dito dahilan para makalimutan niyang may kausap siya sa telepono at naririnig sila nito.

"Hmpp!! Hindi kita bati.." nagpapapadyak na anas ng babaeng conyo, sa ginawa nito ay hindi niya na napigilan ang pagtawa, tawang tawa siya dahil parang tanga ang babae para sa paningin niya.

"HAHAHAHAHA ano ba 'yan isip bata, hindi bagay sayo. Mukha kang tanga." tatawa-tawa niyang anas. Nagulat naman ang mga nasa kabilang linya, napapaisip kung sino ang mga kausap ng kaibigan nila. Hindi naman kasi ganoon kadali ang patawanin ang isang ito, pagkatapos ng mga pangyayaring taon na ang nakalipas, kaya ganoon na lang ang pagtataka nila.

"Ehem, ehem." ubo ng dalaga. Pinipigilan ang sarili na humagalpak muli ng tawa, natatawa siya sa mga tumatakbo sa utak niya. Hingang malalim ang ginawa niya bago ginawang natural ang hitsura niya, nakakunot na ulit ang mga noo nito at ang mga mata ay parang nakatingin lang sa walang kwentang bagay.

"So, again, who's your leader?" tanong nito, ganoon man ang hitsura ay kalmado naman ang boses nito.

"Siya, White.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Monstrous Flesheaters [ON-GOING]Where stories live. Discover now