0 1

15 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa classroom kasama ang aking mga butihing mga kaklase pero joke lang 'yon, ang toto o niyan ay masyado silang magulo at naiinis ako dahil hindi ako makatulog kaya umupo na lang ako ng maayos at tumingin sa bintana kasi wala lang trip ko lang.

Nakatitig ako sa langit at sa hitsura nito ay parang may nagbabadyang malakas na ulan kaya't napatingin din ako sa kabilang bintana sa kabilang bahagi ng room namin at kita naman doon ang medyo maaraw pa na kalangitan ngunit hindi makita si haring araw dahil natatakpan ito ng mga hindi gaanong kakapal na ulap, napabalik ako ng tingin sa kabilang bintana kung saan ako unang tumingin at pinaningkitan ko ito ng mga mata kaya't nakita ko mula rito sa kinauupuan ko na mabagal lang ang pagtakbo o pagkalat ng mga hindi gaanong kaitim na mga ulap, napailing na lang ako, pakiramdam ko ay mukha lang akong tanga sa pinaggagagawa ko.

Hindi pa nagtatagal ang pagmumuni-muni ko ay nasira na ito ng isang babaeng matanda na mataba, dumating na pala ang babaeng bersyon ni majinbu ulala, napangisi ako sa naiisip ko, paniguradong ako nanaman ang puntirya ng babaitang 'yan o kung hindi naman kaya ay magtatatalak nanaman muna siya at magsusungit then bhoom sasabog ang litid niya, hehe joke lang.

"Get your notebook and copy this." masungit na anas niya kaya dali-dali namang nagsikuhaan ang mga kaklase ko ng mga notebook nila at tumingin sa harapan, tsk natatakot sila sa babaeng bersyon ni majinbu?

Nagdidikit siya ng kung ano-anong mga manila paper sa white board namin, kinuha ko ang notebook ko mula sa bag ko na nasa ilalim ng table nakasabit kaya yumuko ako dahil hindi ko makita ang notebook na para sa subject ni majinba asawa ni majinbu, hehe.

Pag-upo ko ng maayos ay siya namang pagharap nitong tabachoy kong guro, tsk manlalait na kung manlalait pero mas masama naman ang ugali ng panget na 'yan kesa sa'kin, trust me.

Napatingin siya sa'kin kaya't napabuntong-hininga na lang ako, oh yeah eto na, eto na, eto na aahhhh dubidobido where are you, haha baliw na yata ako.

"Reyes, mabuti at buhay ka pa." pabungad niya sa'kin at ngumisi kaya ngumisi rin ako, hindi ako papatalo eh.

"Aba't akalain mo nga namang nagawa mo pang ngisihan ako!" inis na sabi niya ngunit hindi nawawala ang ngisi niya sa mga labi, ngising unti-unti ng nagiging plastik sa paningin ko kaya't natawa ako, tawang mas ikinapikon niya.

"HAA?! ANG KAPAL NG MUKHA MO! BAKIT BA PUMASOK KA PA? UMABSENT KA SA KLASE KO AT HINDI PUMASOK NG ISANG LINGGO TAPOS NGAYON AY TATAWA KA NA PARANG WALANG NANGYARI!!" malakas na sigaw niya kaya napatalon at napayuko ang iba sa takot at ako, ngumiwi lang ako ang panget niya kase eh.

"Ms. Loraine, wag kang sumigaw baka sumabog ang taba mo, nakakadiri iyon." mahinahon kong sagot at binuksan na ang kuwadernong nasa harapan ko, narinig ko naman ang paghagikhik ng ilang mga kaklase ko kaya't humarap muli ako sa harapan syempre alangan namang sa likod eh wala naman siya roon.

"ANONG SABI MO!!" mas malakas kesa una ang sigaw niya ngayon at kita ko kung paano tumalbog ang mga taba niya sa tyan niya, tsk ang dami sigurong pagkain sa bahay neto, dapat pala nakipagkaibigan na lang ako sa kanya at para makaburaot ako.

Iiling-iling na lang ako at hindi na siya pinansin, nagsimula na akong magsulat at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ganoon din ang ginawa ng mga kaklase ko, hindi ko na lang siya papansinin at baka mapalabas nanaman ako at madetention, kebago-bago ko ang sama na agad ng record ko, what a life.

Hindi nagtagal ay natapos na kami sa pagsusulat kaya't inalis na rin ito ng girl version ni majinbu at nagsimula na mag-discuss.

"What is electrolyte and nonelectrolyte? Anyone?" tanong niya sa'min na nasa mataray na tono parin at nakataas pa ang kamay na may hawak ng white-board-marker, nilibot niya ang paningin niya at nahinto ito sa'kin, ngumisi siya.

"Ikaw, Reyes, ikaw ang sumagot tignan natin kung may maibubuga ka parin dito gayong wala ka ng isang buong linggo." mahaba niyang lintaya  kaya palihim akong napairap.

"An electrolyte is a subs-" naputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw niya, pesteng 'to.

"TUMAYO KA REYES!!" ayan ang pamatay na sigaw niya palagi pero hindi naman ako namamatay, padabog akong tumayo at tinignan siya ng masama.

"An electrolyte is a substance that, when dissolved in water, results in a solution can conduct electricity. While a nonelectrolyte is a substance that, when dissolved, result in the solution does not conduct electricity." madiin kong sagot sa kanya at padabog na umupo, mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya, o baka normal niya na 'yon at hindi ko lang alam sa kadahilanan ngang isang linggo akong absent sa subject niya.

"Akalain mo nga naman oh, may nalalaman ka parin pala, ano ba ang ginawa mo at nawala ka ng isang linggo?" pang-asar niya nanaman, sinasabi ko na nga ba eh hindi ako titigilan nitong majinbu na 'to, may pagka-chismosa rin pala siya.

"Bakit Ms. Loraine, namiss mo ba ako?" pabalang ko rin na tanong.

"HA!? Ang kapal ng mukha mo talaga eh noh, napapaisip ako, HAHA na baka kaya ka nawala eh dahil sa kinita mo ang boyfriend mo at nagiskoran kayo sa isa't isa." sagot niya at tumawa kaya tumawa din ang iba kong kaklase, aba't gago 'to ah. Bastos.

"Kung sakali mang tama ang hinala mo Ms. Loraine, eh atleast ako may boyfriend at ikaw ay wala." seryoso kong anas pinipilit pakalmahin ang sarili dahil baka paputukin ko ang nguso ng tabachoy na 'to.

"Ha!? Bakit mali ba ako?" paghahamon niya pa.

"Wala na kayo ro'n Ms. saka isa pa sino ba ang nagsabi sa'yong pwede mo akong bastusin ng ganyan, tsa!? Nanay at Tatay ko nga hindi ako ginaganyan tas ikaw na tabachoy lang eh ang lakas ng loob." pakikipagtalo ko at napanguyab, oh tignan niyo na inaantok na ako dahil sa inis, uminat na lang ako at mukhang maling galaw iyon dahil mukhang handa na siyang bumuga ng apoy.

"LUMABAS KA REYES, LUMABAS KA!!" sigaw nanaman niya, seriously hindi ba siya napapaos, inayos ko ang bag ko ay tumayo na, lumakad ako papunta sa harapan at doon lumabas.

Sinundan ako ni tabachoy sa labasan kaya humarap ako sa kanya.

"Dito ka tumayo, at idipa mo ang mga kamay mo, hindi ka pwedeng umupo at hindi mo pwedeng ibaba ang mga kamay mo." nakangising anas niya at tumalikod na, napabusangot na lang ako. Lintek naman talaga.

Nakakainis hindi pwedeng hindi ko sundin ang tabachoy na 'to, yamot naman.

Kinuha ko ang wireless kong earphone at namili ako ng kanta sa selpon ko at nung makapili na ako ay pumwesto na ako at baka isumpa na ako ni majinbu oras na maabutan niya akong nasa iisang pwesto parin.

Sinasabayan ko ang mga kanta na napapatugtog ko at nagssway din ang mga paa ko tila ba nangangati na sumayaw, narinig ko ang paghawak sa doorknob kaya't napatigil ako at napaayos ng tayo, lumingon ako dito, si tabachoy pala.

"Bakit ho?" inosente kong tanong.

"Tinitignan ko kung pinakinggan mo ang utos ko, parusa iyan Reyes, parusa." sagot niya sa'kin at pabagsak na sinara ang pintuan.

"Tsa!! Parusa ito Reyes, parusa." mahinang panggagaya ko kay tabachoy naiiinis ako, tangina niyong lahat.

Kumalma ako nang bigla na lang tumugtog ang isang kanta, kanta ng mga asawa ko, ang Go Big or Go Home ng grupong Enhypen.

"Don't get away Don't get away
I gotta make I'm the one
Mo animyon Do animyon
Mo animyon Dorago
I need a diamond ring
Momani nae Gil
Nan Rutsoga Anin Winoga Dwe
That's my way Go Big or Go Home.." sa umpisa palang ay napapangiti akong sinabayan ang kanta, nakakain-love nga naman talaga ang boses ng mga asawa ko. Sounds like heaven.

"We going going going we ride
I'm feeling feeling feeling alright
We going going going we ride we ride
Go Big or Go Home.." habang sinasabayan ko ang kanta ay ramdam kong sinasayaw narin ng katawan ko ang steps nito, naputol ang saya ko ng dahil sa iisang tao lang ulit, si tabachoy.

"REYESSS!!!"

The Monstrous Flesheaters [ON-GOING]On viuen les histories. Descobreix ara