0 3

16 1 0
                                    

"Today's wednesday, you're all supposed to be at the mall right now, right?"

"Wait! Hala paano mo nalaman 'yon?" tanong nung lalaking kumaway-kaway sa'kin kanina at umupo sa isa sa mga upuang nasa harap ko, tinignan niya ako nagkikintaban ang mga mata niya, he's cute.

"You're cute." wala sa sariling anas ko at kita ko ang gulat sa mukha niya, pati nga ako eh nagulat sa sinabi ko.

Kita ko ang pamumula ng mukha niya ganoon na din ang tenga niya at lumawak ang ngiti niya, haha cute nga siya, isip bata.

"By the way, to answer your question, hindi ba iyon ang schedule niyo?" hindi ko alam kung sagot ba talaga iyon dahil mukhang sinagot ko lang ng ibang tanong ang tanong nila.

"Ha!? Eh what do you mean?" umupo na din ang lalaking asul ang buhok sa harap ko, seems like he's the happy-go-lucky sa grupo nila, he's also cute.

"Yung ang schedule niyo tuwing Wednesday, kase tuwing Monday na ganitong oras ay nasa park kayo, then Tuesday ay nasa bilyaran naman kayo, Wednesday ay nasa mall naman kayo, Thursday naman ay public court, then Friday naman ay nasa garden kayo ng school, at lahat yun ay sa iisang oras lang nangyayari, tama ba?" mahaba kong anas, nagulat sila pati ang mga babae ay napaatras, ay no, yung dalawa lang pala, tapos yung isa ay umayos lang ng tayo at humigpit ang hawak sa strap ng bag niya, I love her na agad.

"H-how did you k-know that?" yung babaeng pula ang buhok, napatingin ako sa kanya, natatakot siya sa'kin. Ano bang nakakatakot sa sinabi ko?

"Hmm, except sa obsevation, eh minsan ko na kayong nakita sa mga lugar na iyon, tatlong beses na, actually i'm not sure sa mga sinabi ko but if ibabase sa reaction niyo ngayon I can say na tama ako." nakakatawa ang mga reaksyon nila para silang kinakabahan. Kinakabahan ba sila kasi baka isumbong ko sila? Kamo ay 'wag, hindi naman sumbungera.

"Observation?" malalim na boses ang pumukaw ng atensyon ko, napalingon ako sa kanya, si kuyang ash gray haired guy, seryoso ang tingin niya sa akin kaya't pinantayan ko rin iyon.

"Yes, observation. Saka isa pa lagi iyong usapan ng mga estudyante rito, hindi ko nga lang alam kung bakit." sagot ko sa seryosong tinig, kasing seryoso nung kanya, nakita ko ang takot sa mata ni violet haired guy, kaya nginitian ko siya.

Tumayo na ako, tinignan ko silang lahat, napako ang tingin ko kay black haired guy na matamang nakatingin din sa akin, he's handsome, and mysterious.

"Mauuna na ako sa inyo." saad ko at naglakad na paalis, hindi pa nakakalimang hakbang ay napahinto na ako dahil hinawakan ako ng kung sino, nilingon ko ito, si violet haired guy.

"Why?" tanong ko at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa'kin, napansin niya iyon kaya binitawan niya at kumamot sa batok niya.

"Hehe, sorry." nahihiya siya, bakit ba ang cute niya?

"It's fine." sagot ko at kinurot ang pisnge niya ang cute cute niya, hehe para siyang bata. Sana ay keychain na lang siya, para naisasabit ko sa bag ko.

Tumalikod na ulit ako, pero hindi pa nakakatatlong hakbang ay napahinto nanaman ako. Okay, ano nanaman ba?

"A-ah my name is Elijah, Elijah Morgan." pakilala niya sa akin at iniabot ang kamay sa akin na para bang makikipag-shake hands. Ayoko nga. Just kidding.

"I-ikaw? What's your name?" nakangiti na siya ulit at damn nakintab talaga ang mga mata niya. Should i say it? Sige na nga. Inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"White, call me White." sagot ko nalang bago binitawan ang kamay niya at tuluyan na akong tumalikod sa kanila, sa kanilang siyam.

Ilang oras na ako dito, sa tantsa ko pa nga ay mag dadalawa na, at ngayon ay naghanap ako ng mauupuan ko dahil kanina pa ako palakad-lakad, hindi ko alam ang gagawin ko rito gusto ko matulog pero bawal dito 'yon baka madagdagan ang record ko. Ayoko namang mangyari 'yon.

May nahanap akong libro kanina, hindi ko alam kung ano 'to pero mukhang interesante naman. Yung mga sisiw naman ay hindi ko alam kung nandidito parin ba sa loob, pero ano bang pakialam ko. Nakahanap ako ng upuan medyo likurang bahagi ito at hindi ko bet ang amoy, amoy nabubulok, amoy dugo, amoy masangsang. In short, nakakadiri, nakakasulasok, at nakakasuka rito sa parteng 'to.

Umupo na lang rin ako dahil wala naman akong ibang choice at napapagod na rin ang mga binti ko sa kadahilanang kanina pa ako naglalakad. Binuksan ko na ang libro, it's about planets and space, pa'no ko nasabi? Eh malamang may planeta na mga nakaukit na design.

"Mars, Venus, Earth, and Mercury are the rocky inner planets. Perseverance, the newest rover from NASA, touched down on Mars on February 18, 2021. The gas and ice giants Jupiter and Saturn, as well as Neptune and Uranus, are the outer planets." basa ng isip ko sa isang pahina, okay wala akong nagets, inilipat ko ang pahina ng dalawang beses, nakita ko ang iba't ibang hilera ng mga planeta.

"Mercury. Only slightly bigger than the Moon is Mercury, the smallest planet in our solar system and the one nearest to the Sun. The quickest planet, Mercury, completes one orbit of the Sun in 88 days on Earth." basa ko gamit ang mahinang boses, ito ang unang planeta na malapit sa haring araw, pa'no ko nalaman? Kakasabi lang eh.

"Venus. In contrast to other planets, Venus spins slowly in the other way. It is the hottest planet in our solar system because of the runaway greenhouse effect caused by its thick atmosphere." basa ko ulit at tila inaabsorb sa utak ang mga binabasa ko mula rito sa libro na kaharap ko.

"Earth. Our home planet, Earth, is the only place we are currently aware of where there are living organisms. Additionally, it is the only planet in our solar system with surface water." basa ko sa sumunod na planeta, babasahin ko na sana ang susunod ngunit bahagya akong napatigil, may naririnig ako, mga atungal at halinghing, at, ano 'yon? The fuck ungol ba 'yon? What the? Hindi ba pwedeng sa cr na lang 'yan? Sa library talaga?

Napailing na lang ako atsaka nagpatuloy sa pagbabasa.

"Mars. Mars is an arid, cold, and desert planet with an incredibly thin atmosphere. Strong evidence exists that Mars had a thicker atmosphere, wetter climate, and was warmer billions of years ago." sunod kong basa, nakakatawang binabasa ko 'to gayong alam ko naman na lahat ng 'to, napatigil ako ulit, para kasing may umiiyak akong naririnig, pero may halinghing din eh, tapos may naungol, what the fuck is happening, this is gross, my virgin ears, damn it!

Dahan-dahan kong isinara ang libro na hawak ko at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko, gusto kong mahuli ang mga lapastangang gumagawa ng milagro, at dito pa talaga sa library nila naisipan gawin ang mga ganoong klaseng bagay. Bakit hindi na lang muna sila mag-aral?

Inayos ko ng mabilisan ang gamit ko, tumayo ako ng tuwid at nagsimulang pakinggang maigi ang mga halingling, ungol, at atungal na naririnig ko.

Sinundan ko ito, papunta ito sa dulong bahagi ng library, sa may pinakamadilim na part, at masasabi kong magaling silang humanap ng pwesto, just kidding, bawal pala itolerate 'yon. Habang naglalakad ako palapit ay mas lalong humihina ang atungal nito, at teka, the fuck, ano 'yon parang may naririnig akong kumakain, ng basa? HOLY FUCK!! Aatras na ba ako? Baka mamaya kung ano pa ang makita ko roon.

Huminto ako sa paglalakad. Hinahanda ko ang sarili dahil oras na malagpasan ko itong paliko ay makikita ko na ang mga dugyot na nilalang sa dulo. Ganito na lang, sisilip lang ako, sisilipin ko lang dahil nacucurious ako. After that na ako. Okay, that's it.

Dahan-dahang lakad ang ginawa ko upang 'di makagawa ng ingay, nakatakong pa naman ako. Sumilip ako sa dulo, may nakikita akong dalawang tao, at, at, at, tangina?!?

The Monstrous Flesheaters [ON-GOING]Where stories live. Discover now