Nang hinawakan niya ang kamay ko ay nagkakatitigan kami. Pero saglit lang ng binuksan niya ang pintuan at hinila niya na ako papunta sa kama at pinaupo. Kumuha siya ng antibiotic ointment at pinahid sa may sugat ko.

"A-aray!" Napaigik ako sa hapdi.

"Sorry. I'll try to be gentle." Hinipan niya ang sugat ko na di humihiwalay ng tingin sakin. Sa ginawa niya ay uminit ang pakiramdam ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at napalunok ako. Malapit lang ang mukha namin sa isa't-isa, na kung may mag initiate ng halik ay paniguradong magkakahalikan kami. Gusto kong mapapikit at mapamura.

Ano ba itong nararamdaman ko? Ginagamot niya ang sugat ko pero heto ako kung anu-ano ang iniisip.

"Is it still painful?" Sabi nito ng pinahid niya ulit ang ointment sa sugat ko. Hindi ako ngasalita at umiling na lang.

Napakagat ako sa labi ko na parang doon nakadepende ang pagpipigil ko. Sumusulyap siya sakin habang marahan niyang hinihipan at pinapahid ulit.

I heard him swear. "Don't look at me like that, Marie. Baka di ko matapos 'tu." He huskily said with passion in his eyes. Pinamulahan ako sa sinabi niya at napahiyang umiwas ako ng tingin.

"Bakit ano bang ginawa ko? Tumingin lang naman ako sayo ah." Sabi ko para matakpan ang pagkapahiya ko.

"Just don't bite your lips." Parang nahihirapang sabi niya.

"Eh, sa kung masakit eh." Napapikit ako sa sinabi ko, sa kawalang masabi. Umiiling pa ako kanina ng tinanong niya ako kung mahapdi pa, tapos ngayon may pa sakit-sakit pa ako.

Amused siyang napatawa ng mahina sa akin. "Hihipan ko ulit."

God! This is complete turture.

"Bakit di pa ba tapos nalagyan iyan?"

"Malapit na. Sobra bang mahapdi?" Napapikit ako ulit sa pagtitimpi. Sinasadya niya ba 'tu?

"Are you seducing me Gabriel?" Di ko natiis na saad. Nabigla siya sa sinabi ko.

"Shouldn't I be the one to say that?" Di ako nakaapuhap ng sasabihin sa kanya. Itinikum ko na lang ang bibig ko para matapos na siya agad sa ginagawa niya.

Mga ilang minuto lang ay natapos na din siya sa paglagay. He sealed the wound then he looked at me affectionately. Gabriel raised his hand and gently touched my cheek. My heart started pounding loudly again.

"I want to kiss you right now. Pero hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?" Good Lord, did I say it? Bakit ba hindi matigil itong bibig ko sa pagsasalita?

He grinned seductively. "Nasa kwarto tayo baka di ako makapagpigil. May sugat ka pa baka mabinat ka." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. "Tara na, doon tayo sa labas." Hinawakan niya ang palad ko at marahan niya akong hinila.

Pagbaba namin ni Gabriel ay sumalubong agad si manang na may pag-alalang mukha."Napaano ka ga, Marie? Eh Sabi ni Lenlen na nasugatan ka. Ang dami daw dugo umagos sa iyong braso kanina?"

"Daplis lang po manang. Di naman malalim." Sabi ko para di na siya mag-alala.

"Ah gay-on ba? Mag-ingat ka at delikado magdala ng kutsilyo ngay-on. Eh may hawak ka daw kanina- ay kamay." Nagulat niyang bigkas ng nakita ang kamay namin ni Gabriel na magkawak.

Kukunin ko sana ang kamay ko ng hinigpitan pa lalo ni Gabriel ang pagkakahawak.

"Manang tapos niyo na po bang nabili?" Tanong ni Gabriel kay manang para mawala ang paningin nito sa kamay namin.

"Ayy tapos na senyorito. Nandoon laang sa kotse mo nilagay ko. Pagpumunta ka na doon ngay-on gay diretso na laang." Sabi ni manang, na ang mga mata ay may pagdududang napatingin sa aming dalawa.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now