Kabanata 1- Florencita

97 8 0
                                    

Kaagad akong tumakbo papunta sa maliit na eskinita para magtago doon. Baka assuming lang ako!? Feel ko talaga hindi ako ang hinahabol nila! Tama! Kakarating ko lang tapos hahabulin nila ako. Tsaka base sa damit nila hindi sila mga guardia civil, parang mga tauhan sila ng mayaman na pamilya.




Napahinga nalang ako ng maluwag at naglakad-lakad sa paligid para magnakaw ng damit na Filipinana. Natuto na ako noon, ayaw ko ng magcatch ng attention sa mga tao, mabuti nalang talaga nagpacolor ako ng black sa buhok ko kaya di na siya blonde.




Baka pagkamalan na naman ulit akong espiya!





Kaagad kong ninakaw ang baro't saya na nakasampay sa labas ng isang bahay. Halata na mayaman ang may-ari. Sympre kung magnanakaw na rin ako ng damit dapat yung magarbo baka tuloy pagtabuyan pa ako sa kalsada.

"Hahanapin kita Heneral at sisimulan ko ngayon!" determinadong sabi ko.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon habang mahigpit na nakahawak sa magkabilang strap ng bag ko. Halos lahat ng mga sinaunang tao abala sa daan. May mga nagtitinda may mga bata rin na naglalaro.

"Binibini... bili ka na nitong kakanin ko! Hindi ka magsisi dahil sa kakaibang sarap nito" napatingin ako sa nga nakadisplay na biko, puto, at kung ano-ano pa. Ramdam ko rin na tumulo na ang laway ko habang nakatitig sa mga tinda na pagkain.

Kung may pera lang sana ako! Ede nagmukbang na ako ngayon ng kakanin na tinda ng ale! Kaso wala talaga akong pera na katulad nila.

"Salamat po manang pero huwag nalang wala akong dalang pera eh" nakabusangot na sabi ko.

"Dayo ka ba rito iha?" tanong nito sa akin.

Tumango naman ako ng ilang besses.

"Ano bang sadya mo rito sa lungsod iha?" she ask me.

"May hinahanap po kasi akong tao" sabi ko sa kanya.

"Kasintahan mo ba?" curios na sabi ko. Napangiti naman ako sa sinabi ni Manang.

"Opo Kasintahan! Actually po Heneral siya kaso may nangyaring masama pagkatapos niyang makipaglaban, nalunod siya sa ilog at di makita ang bangkay niya" nakabusangot na sabi ko.

"Naku iha, sa palagay ko ay patay na ang iyong kasintahan" harsh na sabi niya.

"Ayyy wow grabe naman po kayo!" inis na sabi ko.

"Iha! Hindi ka na ba bibili ng kakanin ko!?" napatingin ako sa kakanin niya at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi na po! Ang panget niyo kasi kausap"sabi ko at mabilis na tinalikuran siya. Ang nega naman ni Manang.Sana malugi kayo! Hindi naman kasi talaga ako bibili ng kakanin niya! Kitang-kita sa itsura ang panget ng texture.

Napahawak ako sa tiyan ko habang naglalakad sa kalye. Halos lahat ng tao na nakasalubong ko na nakabarong at naka Filipinana tinatanong ko about kay Heneral at pinapakita ko ang mukha niya gamit ang picture na hawak ko.

Pero sa tuwing pinapakita ko ang picture, parang nandidiri ang tingin nila sa akin.May mali pa sa picture?

Hindi pwede na cellphone ang ipakita ko! Baka magataka sila at isipin pa na ispiya ako at dayuhan ako. Napa-irap nalang ako. Natruama tuloy ako dahil doon! Mabuti nalang pinahardcopy ko itong picture namin.

"Kilala niyo po ba siya?" tanong ko at pinakita ang picture ni Heneral na nakatopless. Ito yung picture naming dalawa noong naglaro siya ng sepak takraw sa Sitio Mangamba.

A Scientist's Mistake (Season 2)Where stories live. Discover now