Kabanata 4- Puno ng Acacia

162 20 9
                                    

Fernando



Palagi kong napapaniginipan ang isang babae na may kakaiba ang suot at kakaiba ang kagamitan. Ang kaniyang tinig sa tuwing tinatawag aang aking pangalan ay nakatatak sa aking pandinig. Sa tuwing gumigising ako sa isang kakaibang panaginip ay namamalayan ko nalang na tumutulo ang aking luha.



Para akong may nakalimutan.



Para akong may iniwan.




Ngunit ang buhok niya ang mas lalong nagpapahiwaga sa akin. Dahil kulay gintong dilaw iyon maging ang mata niya ay kakulay ng tahimik na asul ng karagatan. Napapaisip ako, ngunit wala naman akong kilalang ganoon ang wangis. Dahil kadalasan ang itsura ng tao dito ay maitim ang buhok maitim ang mata minsan naman kayumanggi ang buhok at kayumanggi ang mata.






Dahan-dahan akong bumangon sa higaan kong kahoy. Napatingin ako sa mag-asawang kumupkop sa akin. Si Celia at Pedring Bantugan.





Dahan-dahan kong sinindihan ang lampara at lumabas sa maliit na kubo. Sumalubong sa akin ang marahan na ihip na hangin at tunog ng mga kuliglig sa malalim na gabi. Napatingala ako sa kalangitan at tinignaan ang bilog na buwan.





Ilang buwan na ang lumipas simula ng pananatili ko sa kanila ngunit wala parin akong natatandaan na aking pagkatao. Kung pipilitin ko ang sarili ko na alalahanin ay bigla nalang sasakit ang ulo at nahihirapan akong huminga. Kaya mas mabuti nalang na ganito.




Batid ko rin na hindi maganda ang sinapit ko dahil sa mga sugat at pasa ko sa katawan. Nakasuot rin ako ng damit ng isang sundalo.  Iniisip ko tuloy na baka may naiwan akong pamilya at baka iniisip nilang patay na ako. Kaya sa bawat araw na lumipas ay sinisikap kong maibalik na ang mga ala-ala ko.






"Iho maaga ka yatang nagising" biglang lumabas si Mang Pedring sa kubo at umupo sa tabi ko sa isang upuan na gawa sa kahoy. Napatitig ako sa apoy sa lampara.





"May bumabagabag ba sa iyong isipan?" tanong ni Mang Pedring.




"Hindi po ako nakatulog ng maayos dahil muli ko na naman napanaginipan ang binibini iyon" mahinang sabi ko. Nakatitig kami ngayon ni Mang Pedring sa bundok kung saan sumisilip ang araw.



"Huwag mong pilitin ang sarili mo, nakakasama yan sa kalusugan mo" wika ni Mang Pedring at tinapik ang balikat ko.




"Sa pagkakataon na ito ay maganda ang aking napaginip ngunit nagigising akong may luha na sa aking mata, naguguluhan ako kung bangungot ba iyon o magandang panaginip" nagpatuloy ako sa pagsasalita.



"Marahil ay nangungulila na ang puso mo sa babaeng iyon" nakangiting sabi ni Mang Pedring. Halata ang panunukso sa kanyang tinig. Ngumiti nalang ako at napayuko. Ngunit iba ang wangis niya sa mga tao sa paligid ko kaya nahihirapan akong tukuyin kong sino siya at kung saan siya galing.







"Naalala mo ba ang kaniyang mukha?" nakangiting tanong ni Mamg Pedring, kaya mas lalong nakita ang kulubot sa mukha niya dahil sa kaniyang ngiti na abot tenga.




"Kapag nasa panaginip ako ay nakikita ko ang kaniyang mukha ngunit kapag nagigising ako ay nakakalimutan ko at hindi ko na maalala ang kaniyang mukha... nagiging malabo" mahinahon na sabi ko.





"Sa ngayon ay huwag mo munang isipin iyon iho naniniwala akong babalik rin ang ala-ala mo sa pagdating ng panahon" nakangiting sabi ni Mang Pedring.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Scientist's Mistake (Season 2)Where stories live. Discover now