Kabanata 2- Maid

94 12 1
                                    

"Binibini mukhang nahihibang kana" wika ng lalake sa gilid nung pinuno nila na nakapony tail ang buhok. Hindi ko nga masyadong makita ang mukha nila kasi nakasuot sila ng salakot.




"Hawakan niyo si Binibining Florencita!" napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ng lalake na nakapony tail! Mabilis kong nilingon si Florencita sa likod ko pero bumagsak ang balikat ko ng wala na siya! What the heck! Pinabayaan lang niya ako dito! Hayss kung hindi na lang sana ako sumama sa  kanya.







Ang tanga ko! Bakit hindi ko naisip na may sariling buhay ang kamukha ko dapat hindi na ako nagpakita sa kanya! Nanginginig ako sa takot ng mariin hawakan ng lalake sa gilid ang braso ko at hinila ako. Kahit pa manlaban ako eh sa wala na akong choice! Kailangan ko nalang sumama.




Pero paano si Heneral?  Nakatingin halos lahat ng mga tao sa may vendors sa gawi ko, yung iba nagbulong-bulungan pa! What if takas talaga na bilanggo si Florencita!?


"Bitawan niyo ako!" galit na sabi ko, habang patuloy parin sila sa paghawak sa magkabilang braso ko at hinila ako.




"Sabing bitawan niyo ako!" mabilis kong sinipa ang putotoy ng isang lalake kaya nabitawan niya ako! Napainda naman siya sa sakit. I didn't waste time at mabilis na sinuntok ang mukha ng lalake sa right side ko kaya na bitawan nila na ako. Napangiti ako at aakmang tatakbo na sana ako ng biglang....





Tinutok ng lalakeng nakaponytail ang buhok ang sandata niya sa akin. Napalunok ako sa kaba.



Ayoko pang mamatay!

Napalingon siya sa dalawang lalake na ngayon ay umiinda sa sakit. Ng mapansin ng dalawa na nakatitig yung pinuno kuno nila ay mabilis silang tumayo at pinagpagan ang mga damit nila.





"Binibini...nakikiusap ako sa'yo huwag mo na kaming pahirapan" mahinahon na sabi nito. Aakmang magrereklamo sana ako sa kanya na hindi ako sa Florencita pero kaagad kong tinikom ang bibig ko...kapag malaman nilang magkamukha kami ni  Florencita feeling ko may mangyayaring masama.



"Sigeh na nga! Sasama na ako!" padabog na sabi ko at nagpatuloy sa paglakad. Napatigil ako sa paglalakad ng saglit at nilingon ang dalawang lalake sa likuran ko, sila yung mga weak na humawak sa braso ko!




Nagulat ako sa paglingon ko mabilis silang umatras na parang may virus ako.



"Sigeh lumapit kayo sa akin! Kung gusto niyong maging baog!" galit na sabi ko. Nanlaki naman ang mata nila at mabilis na tinakpan ang ibabang bahagi nilo. Tumawa ako ng parang sinapian ng demonyo.



"Binibini...nais ko sanang ipaalala sa iyo na sa pagkakataon na ito ay huwag na kayong tumakas nakikiusap ako, kadarating lamang ng iyong mga magulang galing Europa, hindi rin kayo naturuan magbasa at sumulat" napakunot ang noo ko.Pero hinayaan ko nalang siyang magsalita diyan. Hindi ko naman kasi gets kung ano ang pinagsasabi niya. Pero I will take that as a clue para malaman ko kung anong buhay ang mayroon si Florencita.





Hahanap ako ng paraanpara makatakas, pero hindi muna ngayon kasi halos lahat ng kasama niya ay may hawak na espada! Wrong move lang tigok na agad ako.





Don't worry my love,so sweet kasi hahanapin kita saan kaman lupalop magpunta! Tatakas lang ako pag may chance.

"Batid kong nakakaramdam kayo ng bagot  kapag nagbabasa at nagsusulat kayo ngunit kinakailangan niyong matuto ng sa gayon ay hindi kayo minamaliit ng iba" dal-dal ng lalakeng nakapony tail.





A Scientist's Mistake (Season 2)Where stories live. Discover now