Prologue

16 1 0
                                    

"AHHHHH"

"TULONGGG AHHH TANGINA MOOO"

"AAAHHHH HELP ME"

"I DON'T WANNA DIE AAHH-"

Mga sigaw na naririnig ko galing sa ibaba mula rito sa itaas. Sigawan dito, takbuhan at tulakan doon. Kagat  dito, tilamsik ng dugo roon. Mga malulutong na mura, malalakas na paghingi ng tulong, malalakas na atungal dahil sa sakit na nararamdaman, at higit sa lahat ay ang malalakas na alululong ng mga halimaw. Halimaw nga ba sila kung maituuring? Ang sagot ay hindi ko rin alam.

Mula rito sa itaas ay kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paanong ang berdeng kulay ng field namin ay naging kulay pula, puting pader noon na may bahid na ng mga pula't itim na mga likido ngayon. Preskong-presko pa kung iyong tigtignan, at ang mga kapwa kong estudyante na tumatakbo na parang wala ng bukas, may bukas pa nga ba kaming haharapin?

Parang kanina lamang ay isa akong normal na estudyante. Parang kanina lang ay mabuhay at makulay pa ang paaralang pinapasukan ko, pero hindi pa halos natatapos ang limang oras ay halos mauubos na ang mga tao at unti-unting nagiging halimaw.

Ilang minuto pa ang lumipas na nakatitig lamang ako sa kung saang parte na lang sa baba nang biglang narinig ko ang pagtunog ng doorknob ng pintuan na papasok dito sa rooftop ng eskuwelahan. Tunog na para bang pilit itong binubuksan ng kung sino o ano man mula sa kabilang panig ng pintuan.

'Hindi naman siguro mga panget na halimaw 'yan?' anas ng isipan ko habang pahigpit ng pahigpit ang kapit ko sa panghampas na hawak ko, isang metal na baseball bat.

Baseball bat na puro dugo na ang makikita at may ibang laman pa na nakadikit, siguro kung maayos lang ang lahat ay baka nagreklamo na ako ngayon dahil literal na nakakadiri ang hitsura nito ngunit dahil sa nangyayari ay parang nakakahiya naman sa mundo kung mag-iinarte pa ako gayong siya itong punong-puno na ng halimaw sa loob.

"Shit pare naka-lock ang pintuan tangina..." sabi ng hindi ko kilala na nilalang, no mali, sabi ng isang pamilyar na boses pero hindi ko parin kilala, ayan tama na hehe.

"Ano why naman the pintuan is naka-lock eh never naman naka-lock iyan diba kase tayong students ay free lagi here?" sabi naman ng isang conyong maarte, tangina.

"Damn, pare mamamatay na yata tayo ngayon dito..." isang lalaki ulit ang nagsalita at isa lang ang masasabi ko, ang OA niya, mamamatay agad? Eh kung siya kaya ang unahin ko?

"Wag naman ganyan please..." babae naman ngayon ang nagsalita at base pa lamang sa mahinahon ngunit basag nitong boses ay masasabi kong hindi ito yung maarte na babae na nagsalita kanina.

"Sipain niyo ang pinto shitt!!" mahinang sigaw ng isa pang babae at seryoso ang boses niya, hmm why do their voices sounds familiar for me?

"HALAAA OMGG WHAT ARE WE GOING TO DO NA BAAA!?!" malakas ang sigaw nung maarte na babae kaya't pinagiisipan ko tuloy kung bubuksan ko pa ang pinto, tsk bobo ba 'to ipapahamak niya ang mga kasama niya tatanga-tanga.

"Fuck! Shut your mouth!" madiing sabi ng isa pang lalaki, nginang 'yan ilan ba sila sa labas, ba't parang ang dami nila?

"Sisipain ko nalang ang pinto..." pag imporma nung isa pa, tao nga naman kapag nagpanic ay nagiging bobo. Kaya pala laging bukambibig ni Papa sa'kin na 'Anak, lagi mong tatandaan, ang kahinahunan ay siyang katalinuhan.'

Bago pa masipa ng kung sino man ang pintuan ay nabuksan ko na ito, at napatawa ako ng mahina dahil sa nakita ko, ang nasa unahang lalaki kasi ay handang-handa na talagang sipain ang pinto, napatigil sila at may tatlo pang nahigit ang kanilang mga hininga, napaka-OA.

"Are you just going to stare at me?" tanong ko sa kanila habang naka kunot ang noo ko may isang babaeng nakabawi na at napatingin sa kanyang mga kasama, naiirita na ako ah.

I mentally rolled my eyes dahil nakakairita sila, nang hindi sinasabi sa kanila ay isasara ko na sana ang pinto, tangina kase nakatingin lang sa'kin na parang nagkaroon ng apat pa na ulo sa magkabilang gilid ko.

"T-teka papasok na kami.." sabi nung lalaki na kulay asul ang buhok, ang weird ng hair niya pero mas weirdo pa rin ako.

Dahil sa sinabi niya ay umalis na ako sa likuran ng pinto at tumabi sa gilid nito, pumasok na sila kaya't sumagad ang pagkakaawang ng pintuan, pito ang pumasok at may dalawang natira sa tapat ng pintuan kaya't napasilip ako, nakita kong nakasilip sila sa hagdan at kitang kita ko ang pagtaas at pagbaba ng mga dibdib nila dahilan para mapatingin ako sa iba pang nandidito only to realize na naghahabol din sila ng kanya-kanya nilang hininga.

Lumabas ako at nakisilip sa sinisilip nung dalawa, sa may baba ng hagdan.

"Hmm, nasa ilan sila?" tanong ko sa dalawa, ramdam ko ang pagtingin nila sa'kin pero hindi ko sila pinansin dahil nakatingin lamang ako sa nilalang sa baba na nakaharap na sa pader pero patuloy parin sa paglalakad kung kaya't nahahampas ang sarili niya sa pader, kung alam niya lang, mukha siyang tanga.

"20 or more, nasa baba ang iba, hindi naman din sila lalagpas sa 30." sagot nung babaeng kahel ang buhok, bente, pero kanina ay iilan lang nasa baba ng rooftop kanina nung bago ako umakyat.

"The others followed us here, if that's what you're thinking." sagot naman neto ni black haired guy, siguro ay napansin niya ang pangungunot ng aking noo kaya't inunahan niya na ako, bida-bida, kamag-anak yata si Jollibee.

Walang pasabing bumaba ako ng tahimik sa hagdan, kung bakit? Ay dahil wala lang trip ko lang.

Hindi ako nilingon nung halimaw na mukhang tanga dahil wala namang ingay na nanggagaling sa hakbang na ginagawa ko kaya't bumaba pa ako at sumilip sa hallway at tahimik na nahigit ko ang aking hininga dahil tangina lang, oo tangina lang talaga.

'Shit!? 20 or more than 20 na hindi lalagpas sa 30 lang daw pero tangina halos maduling ako sa nakikita ko anak ng puta andami naman nito' punong-puno ng mura ang isip ko ngayon, anak ng pating halos nasa singkwenta ang mga halimaw dito, pesteng buhay 'to naman oh nagugutom na 'ko eh.

GUSTO KO NG PIZZA AT COKE!!

The Monstrous Flesheaters [ON-GOING]Where stories live. Discover now