"Hoyy, ano 'yon? Wag kang magkakamali Anthon, nananapak ako." Banta ko at natawa naman siya bago siya pumunta sa unahan para kausapin ang taga bigay ng tickets. Ilang sandali lang ay bumalik siya na may malawak na ngiti.

"Hali kana." Sabi niya at agad akong inakay sa sakayan.

"Anong nangyari?" Takang tanong ko.

"Mamaya ko na ipapaliwanag."

"Sir, ingat po kayo kapag nasa taas na kayo. Enjoy po, ma'am and congratulations." Sabi nong taga assist habang matamis na  nakangiti sa akin. Ang weird ng mga tao ngayon, una si Lily ngayon ito namang si ateng na taga assist.

"Ahh hehe, salamat." Wala sa sarili kong sabi. Naguguluhan at nahihiwagaan ako sa ginagawa nila.

"Sige, salamat miss." Sabi naman ni Anthon na may malawak na ngiti. Now this is really weird. Nagkataon lang ba talaga?

"Bakit may ganon? Congratulations? Anong sinabi mo?" Tanong ko nang makapasok kami.

"Sinabi kong buntis ka." Nakangiti niyang sabi at agad nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?!"

"Sinabi kong buntis ka."

"What?!"

"Sinabi kong buntis ka.

"Sira kaba?" Seryoso kong sabi.

"What? Ginawa ko 'yon para tayo ang mauna." Sagot niya.

"Ah, so 'yon yong ipinagbabawal na technique?"

"Siguro, actually lalandiin ko sana eh kaso baka masapak mo kawawa naman."

"Ahh talaga? Baka gusto mong ikaw sapakin ko?"

"Hehe, hindi kana mabiro." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo bang takot ako sumakay sa Ferris wheel ah? At talagang napilit mo pa ako na sumakay dito."kwento ko habang naghihintay bago mapuno ang lahat ng upuan. Unti² kaming napupunta sa itaas na bahagi upang pasakayin ang ibang pasahero kaya unti-unti ring humihigpit ang kapit ko. Pinagpapawisan ang mga paa ko. Tangina, bakit ba ako nagpapilit sa hinayupak na 'to!

"Alam ko." Sagot niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Piste! Did he really said he knew?! How come? "Sinabi sakin ni Lily."

"And yet, pinilit mo pa rin ako?!" Singhal ko pero natawa lang siya at hinawakan ang kamay ko habang pinulupot naman niya yong kamay niya sa aking bewang.

"Tiningnan ko lang kung matatanggihan mo ba ako, hehe naniniguro lang." Nakangisi niyang sabi at nanlaki ang mga mata ko.

"At talagang ikaw pa ang naniniguro ah? Hanep ang kapal." Sagot ko at tinalikuran siya ngunit ganon nalang ang paghigpit ng kapit ko at pagpikit ko sa aking mga mata nang matanaw ko ang lalim sa ibaba. Nanginginig yong tuhod ko sa kaba. Bakit ba kasi ako nagpapilit sa babaerong 'to?!

Piste! Piste! Piste talaga!

"Tingnan mo 'ko." Utos niya. "Baby, look at me." Utos niyang muli pero kindi ko ginawa kaya iniharap niya ang mukha ko.

"Natatandaan mo ba nong una kitang nakita? Yon yong nagkabanggaan tayo diba?Alam mo bang natatandaan ko pa kung ano ang sinabi mo nong panahon na 'yon sa akin?" Tanong niya, medyo nakatulong 'yon para ma distract yong utak ko sa paligid at isipin ang sinabi niya lalo pa at unti-unti na itong bumilis.

"Who wouldn't! Iyon ang pinaka nakakahiyang ginawa ko sa tanang buhay ko!" Pa sigaw kong sagot at mas lalong napapikit ako nang tuluyan na itong paikot-ikot

"Can I kiss you?" Biglang tumigil yong mundo ko. Nawala bigla yong ingay sa paligid ko at ang pinting ng aking puso ay ang tanging naririnig ko. Kakaiba, mabilis at ang lakas.

"Yan yong sabi mo diba?" Tanong niya at hinaplos ang mukha ko. " Can I ask you that, now?" Malambing niyang tanong dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Matamis siyang nakangiti sa'kin at para bang nagniningning ang kanyang mga mata.  "Can I kiss you?" He whispered and in an instant, his lips touches mine. Sweet, smooth and passionate, I can described. And the moment I opened my eyes, the Ferris wheel has stop and we are on top. There are fireworks in the sky that adds lights to the city, but what makes me stunned is when those fireworks are slowly forming into letters. It's letter I, L, O, V, E, Y, O, U A, N, G, E, L, A.

Tiningnan ko siya na may pagtataka at the same time kinakabahan ako. I know its for me but I don't expect this. I really don't expect this to happened. This is beyond impossible, especially that it's Anthon. Mas double pa yong kaba ng puso ko sa pagkakataong ito.

"I maybe the worst womanizer you've known but this womanizer beside you are no longer a womanizer, coz' he's falling already. He's inlove and he is willing to make the better version of himself just to deserve the woman who accept him for being that kind man and the woman who made him feel what love really means." Madamdamin niyang sabi at bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mga salitang binitawan niya. Ganon siguro pag hindi mo inaasahang maririnig mo iyon galing sa kanya.

"I love you, baby. Sorry for taking it too long. I know you're waiting for me to say that but I don't want to give you hope. I don't want you to expect a lot from me because I'm afraid that I might hurt you at the end. I want to say it because I truly mean it not because I want you to believe in it." Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko.

"Mahal din kita." Sagot ko at muli niya akong hinalikan.

"I don't want to say unsure words just to make you happy because you deserve more than that. Happiness that is pure and genuine is what you really deserve." Dagdag niya at tuluyan nang nag uunahan ang mga luha ko na siyang pinupunasan naman niya.

"I love you." Nakangiti niyang sabi at ipinagdikit ang noo naming dalawa. Napangiti ako kahit may luha sa aking mga mata. I've been wishing and dreaming that he'll say those words to me and here he was saying those magical words while looking at me intently with the most sincere looks in his eyes.

"Mahal din kita." Sagot ko at muli, hinalikan niya ako. Pakiramdam ko'y para akong nabunutan ng tinik. Yong duda, pag-aalinlangan, lungkot, at pagtitiis ay biglang nawala at napalitan ito ng pagmamahal.

Wala na yong takot na baka isang araw, bigla siyang lumayo at maghanap ng iba. Wala na yong pakiramdam na parang may kulang, yong walang kasiguruhan dahil sa gabing ito habang hinaharap ko yong takot  ko na kasama siya ay ipinagtapat niya sa'kin ang kanyang nararamdaman.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now