Prologue

8.2K 108 4
                                    

When I get married I want to be the most beautiful bride and the happiest bride in the whole wide world. Gusto ko ako mismo ang mag-aasikaso ng kasal ko. Just like everyone said, this is lifetime and of course you only get to marry once. I want everything to be perfect.

*Wedding Chime*

Kinakabahan ako. Gusto ko mataeng ewan. Pawisang pawisan na rin ang mga kamay ko. Wag sana akong madapa o matapakan man lang ang wedding gown ko. Nakakahiya yun.

Mahigpit akong nakakapit sa braso ni Papa habang nilalakad namin ang patungo sa altar. Nakakatatlong hakbang pa lang kami ay naririnig ko na ang mga impit na hikbi ni Papa.Nilingon ko sya at naabutang nagpupunas ng luha sa gilid ng mga mata.

"Bakit ka umiiyak Pa?" Tanong ko sakanya.

"Eh kasi naman I can't believe that I'm already walking you to the altar. I have to let go of my baby girl. Huhu"

"Pa! Diba ako dapat ang umiiyak? Ginusto mo naman to eh. Pede pa naman akong magback-out" bulong ko kay Papa.

He tightly held my hand. Natakot yata na tumakbo ako palabas ng simbahan.

"Don't ruin this baby. Lagot ka sakin"

"I can't believe you're doing this to me Papa"

"You'll understand soon baby. I'm doing you a favor."

Gusto ko maiyak. I can't believe na ipinagkanulo ako ng sarili kong ama.

Nangangalahati na kami sa altar at natatanaw ko na ang groom ko. Kumurap ako paulit ulit. Sh*t! He was gorgeously standing at the altar waiting for me. Nakasuot ito ng black americana. Matangkad, maputi, chinito, matangos ang ilong in short GWAPO!.

Ngayon ko pa lang sya nakita ng personal dahil ngayon lang sya dumating galing Greece. Yes, that is right. You read it right. Ngayon ko pa lang makikilala ang magiging asawa ko. Right on my wedding day. Kung paano ito nangyari? Malalaman nyo rin.

Nang malapit na malapit na ako sakanya mas nakita ko kung gaano ito kagwapo. Nakanganga lang ako habang nakatingin sakanya.

"Take care of my child, son"

"I will, Papa" sabay kuha nito sa mga kamay ko.

T-teka... bakit nya tinawag na papa ang papa ko. Fc to! Teka nga magiging asawa ko na nga pala sya.

Habang papalapit kami sa altar. He suddenly pushed my chin up to close my mouth.

"Don't look too amaze. Consider yourself lucky you'll get to marry me"

Natulala ako. I can't believe how arrogant is this guy! Yun talaga ang una nyang sinabi sakin. Anong tingin nya tuwang-tuwa ako na pakakasalan sya.

"Ang yabang mo naman" I murmured but enough for him to hear.

Nasa altar na kami ng magsalita si Father. I couldn't think straight. Why did he agree to this kind of stupid arrangement?

Sa panahon ngayon, arranged marriage is just a story, an old tradition, for royal blood to tie two families for business. None of these reasons caused me to marry a stranger.

And Im not just marrying a stranger but I'm marrying an arrogant, inscrutable, cruel, unpredictable, temperamental asshole.

"Do you Jennarie Cruz, take this man to be your lawful husband through thick and thin, for richer or for poorer in sickness and in health till death do you part?"

Bakit pakiramdam ko ito na ang pinakamahirap na tanong na narinig ko.?

Can I say NO!?.

Marriage Disaster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon