Chapter 11

321 8 0
                                    

Naestatwa ‘ko at namula pa. “H-huh.”

“I said belle means beautiful in French.” Sabi niya habang ‘di nawawala ang ngiti.

Napatitig ako sa kanya at nagtataka. “May kasalanan ka pa ba sa’kin? Sabihin mo nalang, ‘wag ka ng mangbola pa.” I said while rolling my eyes once I’ve gathered myself. I can’t let him see how affected I was with his words!

“You asked me why I called you that and I answered.” Sabi niya pa habang nakataas kilay, ‘yong ngiti niya naging mapangasar pa.

Tuluyan lang akong ‘di makagalaw at namula. My crush just told me I’m beautiful! Sino ba namang hindi kikiligin do’n?!

“You’re so cute.” Tuloy niya pa.

“Ano ba!” Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Tinawanan niya lang ako at hinawakan ang kamay kong ready na ihampas siya ulit. Nakatayo lang kami dito sa may cafeteria habang hawak-hawak niya kamay ko. I was ignoring his eyes while he was continuing staring at me with that cute smile on his face that makes his bright brown eyes even brighter.

“You’re different from what I thought.” He said which forced me look at him, questioning.

“At ano naman ibigsabihin mo diyan?” I removed his hold from my hand and crossed my arms.

He just kept smiling at me like he’s enjoying seeing me reacting like this. “I just thought you’d be like one of those snobby conceited girls.”

My jaw dropped with his words.

Hindi siya nakakatuwa! Ma-uncrush nga!

Mukhang nakita niya atang nagiinit nanaman ulo ko sa kanya kaya nagmadali siyang ipatuloy sasabihin niya. “I meant, I’ve come across people who’ve been home schooled. Let’s just say… I don’t really have a nice impression of them. But you… you’re just…” mukhang ‘di niya alam pa’no i-explain. Patuloy lang na nakataas kilay ko sa kanya, ‘di pa rin natutuwa.

“I’m just?” I urged him to continue while tapping my foot on the floor repeatedly.

“Bro!”

“Santos bro!”

Parehas kaming natigil sa titigan ng madinig naming may tumawag sa kanya. I saw two guys walking towards us. I think I saw one of them before… from the club? I believe one of them is the guy who cut off my talk with Lukas from that night.

Nakadating na sa harap namin ‘yong dalawa. They’re both looking at me curiously, making me shuffle by my feet because of the uneasiness I felt. I smiled a bit and awkwardly waved. “Stop staring at her, weirdos.” I heard Lukas say, I glanced at him and saw him glaring at them.

“Ay, sorry bro!” Dinig kong sabay nilang sinabi, mukha pa ngang inaasar lang nila si Lukas.

“I’m Atlas Everette!” Pakilala nung may hawak ng basketball.

Everette? “Yes, like the academy.” Nakita niya ata akong nagtataka.

“Nicholas Martinez,” pakilala nung nakasuot ng hockey jersey. Nag-fist bump pa kaming tatlo. Natawa ako sa kakulitin nila.

“I’m Dianna Vicencio.” Pakilala ko habang nakangiti. Kitang-kita ko kung paano lumaki ngiti nila at sumulyap pa kay Lukas na mukhang winawarn pa niya na ‘wag sila gumawa ng kahit anong kalokohan.

“So… ikaw pala ‘tong girl na laging kinekwento ni— arouch!“ ‘Di natuloy ‘yong sasabihin ni Atlas since siniko siya ni Lukas. Bahagya kong pinalo si Lukas sa braso sa ginawa niya.

“Okay ka lang?” I asked Atlas, concerned.

He cleared his throat and smiled, pasulyap-sulyap pa siya sa katabi niya. “Okay lang ako. Kaso yung isa diyan hindi.”

Sparks Fly (ONGOING)Where stories live. Discover now