Chapter 1

1K 26 2
                                    

My whole life I have been homeschooled.

I have been attending my university for a few months now and I am still adjusting. Everyone here knows each other already. Some of them met when they were still kids, some met when they were in high school, and some met when they were in their first year.

I’m in my English Literature class, sitting at the very back, ignoring the noisy chatter of my classmates.

I once tried to talk to them, to make friends with them, but I guess I don’t quite fit in their groups.

Well… assuming I don’t because one of the girls gave me a disgusted stare when I greeted them back in my very first day.

Hays, akala mo naman kung sino. Ang kapal nga nung kilay niya eh! Mas makapal pa kaysa sa blush on nung babaeng kausap niya.

Kung hindi ko lang kailangan gumawa ng magandang first impression edi nasampal at nasabunutan ko na ‘yong mataray na ‘yon.

Bahala na sila! I know when I am not wanted, that is why hindi ko na pinagpilit pa na makipagkaibigan sa kanila. Buti nga tinignan ako ng masama nung grupo na iyon eh kasi kung hindi, edi hindi ko makikila ang mga kaibigan ko ngayon.

Two girls from my class saw what happened between me and the girl. Noong nakahanap na ako ng sarili kong pwesto, lumapit ang dalawang babae sa akin.

Sila ay si Julia Gonzalez at Soleil Jimenez.

Ever since that day, we became a trio.

Actually naging third-wheel lang ako noong araw na iyon… slight.

Magjowa kasi ang dalawang bruha tapos lagi pa nila akong sinasama sa kung saan-saan man sila magpunta. Buti na lang ay hindi nila masyadong pinapamukha na third-wheel ako.

Sa tuwing kami ay magkasama ay lagi nilang sinisigurado na hindi ako naiiwan. Nagiging extra sweet lang sila sa isa’t isa kapag silang dalawa lang ang magkasama.

Since Everette Academy is a sports university, mas nakafocus talaga kami sa sarili naming sport. We only have five classes a day and thank the heavens I’m attending almost all of the same classes as my friends.

Speaking of my friends…

“Hoy, Di!” malakas na sigaw ng isang matangkad na morena.

At dahil malalim ang aking iniisip, nagulat ako sa lakas at muntik pa na mapatili. Tumingin ako kung saan nanggaling ang ingay at bumati pabalik.

“Hi Jules,” nginitian ko naman ang matangkad na mestiza sa likod ni Julia habang ako naman ay tinanguan lang.

Ito talagang si Soleil, akala mo kung ilang oras niya ay masasayang pagbumati man lang ng matino pabalik. Kahit kailan talaga itong babaeng ‘to ay bihira magsalita.

Sa bagay, cute nga eh. Si Julia yung maingay at madaldal, si Soleil naman ang tahimik at nagpapakalma sa girlfriend niya.

Sana all… joke

Figure skating first muna ako.

Nang makaupo na sa tabi ko si Julia, “sama ka sa’min mamaya!” Excited na sabi niya.

“Saan naman tayo pupunta?” Tanong ko naman.

“Friday ngayon, nomi tayo!”

Ako naman ay napailang sa sinabi niya. Hindi naman sa hindi ako umiinom pero hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganun. At tsaka athelete din kasi kami kaya dapat maingat sa mga ganito.

Nakita ata ni Julia ang mukha kong halatang ayaw sumama kaya ipinagpilit niya pa. “Dali na, Di! Weekend naman na bukas kaya walang pasok. Pretty please,” sabay pacute pa siya sa akin.

“Mukha kang tanga.”

“Ito naman oh! Ang sama talaga ng ugali mo,” pairap na sabi pabalik.

“Ba’t mo pa sinabi ‘yan eh matagal ko naman ng alam.”

Ang bruha naman ay tumingin sa katabi niyang babae at sinumbong pa ko. “Love, oh. Si Di inaasar ako.”

Si Soleil naman napangiti nalang. Sanay na sa bangayan namin ng girlfriend niya.

Napaisip ako kung may kailangan ba akong gawin. Natapos ko naman na yung mga tasks na pinapagawa sa amin ng professors. Ang training ko nalang mamayang hapon ang kailangan kong gawin sa ngayong araw.

Gusto ko kasi natatapos kagad mga tasks ko para makapaghinga o lakwatsa ako sa weekends.

Since I have nothing left to do besides attending my training later, I agreed to join them.

Si bruha naman tuwang-tuwa, akala mo ay first time lang naming mag-sama sa inuman.

Sparks Fly (ONGOING)Where stories live. Discover now