“P’wede, pero ngayon ay bawal muna. Kaya magbihis ka na at umuwi.” She smiled at him while she was combing her hair.

“Baby naman. Kahit ngayon lang. Malalim na ang gabi. Baka maaksidente ako.” He hugged Aloha while doing a puppy eyes.

“Hindi ka naman mabilis magtakbo at alam kong hindi ka maaksidente kaya magbihis ka at umuwi na,” she said.

Wyatt pouted. “Sige na, baby. Dali na.”

“Hindi mo ako makukuha sa puppy eyes at pagpa-pout mo. Uuwi o hindi na kita hahayaan na makadilig sa akin? Pili ka.” She smirked at him.

“Sabi ko nga, uuwi na.”

With that they removed the blanket that covering their naked body then stood up. Pinulot nila ang mga saplot na hinubad nila kanina saka inisa-isa iyong isinuot. Nang makabihis sila ay sabay nilang nilisan ang k’warto kung saan nila tinupok ang init ng kanilang mga katawan na gawa ng kanilang pagmamahalan.

Naglakad sila papunta sa pinto. Nasa unahan si Wyatt habang nasa kaniyang likuran naman ang dalaga na nag-iisip kong sasabihin na ba niya sa binata na buntis siya o hindi muna ngayon.

Bukas na nga lang. Sorpresahin ko na lamang siya. Aniya sa kaniyang isipan.

“See you tomorrow, baby,” ani Wyatt nang makalabas na ito nang pintuan.

“Sige,” maaliwalas ang mukha na sabi ng dalaga.

Lumapit sa kaniya ang binata saka siya niyakap nito na kaagad namang tinugunan ng dalaga.

“I love you,” ani pa ng binata nang kalasin nito ang kanilang pagyakap.

“I love you too. Sige uwi ka na,” tugon naman ng dalaga.

Napipikit si Aloha nang inilapit ni Wyatt ang mukha nito sa noo niya saka niya naramdaman ang pagdampi ng labi ng binata sa noo na ikinakabog ng puso niya.

“Bye.” Huling kataga na binitawan ng binata saka tumalikod na sa dalaga.

Kinuha ng binata sa kaniyang bulsa ang susi ng kotse habang naglalakad ito papunta sa sasakyan niya. Gaya nang palagi nitong ginagawa, ipina-ikot ikot nito ang susi sa kaniyang hintuturo.

Samantalang si Aloha naman ay nakangiti habang minamasidan ang binata hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa sasakyan nito at binuhay ang makina. Winagayway ng binata ang kamay nito nang buksan nito ang  bintana kaya winawaygay niya din ang kaniyang kamay hanggang sa tuluyan nang makaalis ang binata.

Hindi nila alam na sa tagong parte ay may nagkukubleng espiya na kanina pa nagmamanman sa labas ng bahay ng dalaga. Pinagmamasdan kung ano ang kinahantungan nang pag-uusap ng dalawa. At kinunan pa sila ng litrato habang nagyayakapan pati ang paghalik ng binata sa noo ng dalaga ay hindi nakalampas sa camera ng espiya. Nang makaalis ang binata ay tinawagan ng espiya ang kaniyang amo at ibinalita rito ang kaniyang nakita. Nang matapos ang  tawag ay ipinadala niya bilang mensahe ang litratong nakuha niya para ipakita ito sa amo niya na nanggagalaiti na.








AT PATRA’S HOUSE. Isang malakas na tunog ang namayani sa lahat ng sulok ng sala nang malakas na ibalibag ni Cleo ang kaniyang cellphone sa kanilang sahig na marmol. Sobrang galit ang kaniyang naramdaman nang makita ang litrato ng taong pinag-espiya niya sa bahay ni Aloha.

“Ahhh! Bakit masaya pa rin sila!? Bakit nagawa pa rin nilang magyakapan gayong ipinakita ko na sa hampas-lupang iyon ang litrato namin ni Wyatt na pinagsasaluhan namin ang init mula sa aming katawan!? Bakit!?” nagtatagis ang bagang na sabi ng dalaga.

“Ano’ng nangyayari sa iyo, Cleo?” tanong kay Cleo ng kaniyang ama na bumababa sa hagdan. “Ang dilim na naman ng mukha mo.”

Nang tuluyan nang makababa ang ama niya, yumakap siya dito.

“Dad, help me to ruin their relationship. Please! I’m begging you!” nagpapaawang saad ng dalaga nang kalasin ang yakap nila ng ama.

“Their? Sino? As if may magagawa ako riyan.” Naglakad ang lalaki na nasa edad singkwenta pataas patungo sa couch saka umupo roon.

“Wyatt and her poor girlfriend. Ituloy mo na ang napagkasunduan niyo ng daddy ni Wyatt. Please, dad. Para makasal na kami. I love him so much. Please dad, I'm begging you.” Pagmamakaawa pa rin nito saka lumapit sa ama.

“I can’t do that, my daughter. Napag-usapan na namin ni Wyatt ang tungkol diyan. At saka patay na ang daddy niya kaya nang makipag-usap sa akin ang binata ay wala na akong nagawa. Saka akala ko wala na rin iyon sa iyo dahil nasabi ko na sa ‘yo na hindi na matutuloy ang magiging kasal niyo ni Wyatt. Akala ko ayos na sa iyo kasi hindi ka umangal at ipinagpatuloy mo ang pag-mo-model mo sa Singapore.” Tiningnan ng matanda ang kaniyang anak.

“Kaya nga umuwi na ako rito kasi I realized that I love him and I want him to be my husband. I want to spend the rest of my life with him. I saw him as the father of my child and the man I want to grow old with. Kaya please dad, help me para matuloy ang kasal namin.” Paiyak na sabi ng dalaga.

“Sorry, my daughter. But I can’t do anything about it. You know how that man respect me. I don’t want him to be mad at me kasi tinulungan kita. I know that whoever the woman he loves, it’s deep and unbreakable. It's pure and no one could break their love to each other. Stop being hypocrite. Let them. I won’t tolerate you. Don’t you dare do stupid things that might ruin everything I worked hard for. Don’t you ever dare ruin my reputation. Kasi kaya kitang itakwil kahit anak pa kita.” Tumayo ang matanda sa pagkakaupo. “Goodbye, Cleo. Matutulog akong muli. Matulog ka na rin. If you’re planning something to that couple, tandaan mo na isa ako sa makakalaban mo. Mahal kita pero kaya kong ipakulong ka. Mark my words, my daughter.”

Saka tuluyan nang umakyat sa kaniyang k’warto ang matanda. Madilim naman ang mukha na tiningnan ni Cleo ang kaniyang ama. Simula ngayon galit na siya sa ama dahil mas pinili pa nitong panigan ang mga taong kaaway niya. Kaysa sa kaniya na sarili nitong anak.

“Hindi. Kung hindi ako magiging masaya. Mas mabuting hindi rin sila maging masaya. It’s unfair. Masaya sila tapos ako magiging miserable. Hindi p’wede! Isasama ko sila pagiging miserable ko!” mariing sabi ni Cleo saka ngumisi na parang isang demonyo.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum