"Manang, don't say that okay?"

"Oo na, batang ito advance lang si, Manang. Naaalala mo iyong sinabi ko sa'yo? Kailangan mong paghandaan ang mangyayari sa'yo. May mawawala sa buhay mo aking alaga." Seryosong saad ni, Manang.

I don't believe in hula. Nginitian ko na lamang si, Manang. Walang mawawala sa buhay ko, si Manang puro biro. Pero sa mukha pa lang niya seryoso siya sa sinabi niya.

"Opo manang, naalala ko po." Iyon na lang sinabi ko kay Manang.

"Ang ganda talaga ng alaga ko bagay nga kayo ni, Aiden nasaan na pala iyon? Hindi ako minsan binibisita." Tanong ni, Manang sa'kin.

"Kasama po ng mga apo niyong lalake."

"Mga lalakeng iyon. sabihin mo sa boyfriend mo huwag masyadong sumama sa mga lalakeng iyon. Baka may gawing kalokohan mga iyon mapahamak pa si, Aiden."

Tumango ako. "Manang alis na po ako, salamat sa regalo."

"Akin na, ako maglalagay sa pulso mo." Manang said. binigay ko iyon kay Manang at, nilahad sa kanya oukso ko nilagay niya ito sa'kin. "Bagay sa'yo hija, alagaan mo iyon. Iyan ang unang regalong binigay ko sa'yo. Aalagaan ka 'nan."

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Naging parti ng buhay ko si, Manang at, ayaw ko ding mawala siya sa buhay ko.

Unti-unti ng nanghihina si, Manang nakikita ko iyon pero pagnakikita niya mga apo niya o ako? Nawawala panghihina niya.

"Salamat po talaga, Manang."

"Tsaka itong apat na bracelet ibibigay ko sa'yo ibigay mo sa tatlong babaeng iyon ha?" Saad sa'kin ni, Manang.

I nodded.

Kinuha ko iyon at nagpaalam na kay Manang. lumabas na ako at, tinago sa likod iyong box. malaki ito, sa likod ako ng bahay dumaan. Nakita ko ang tatlong magpipinsang babae, nagk-kwentuhan ito ng makita nila ako. Ngumiti ako at tumakbo papuntang kwarto nilagay ko ito sa aking bag.

Paglabas ko ulit, umupo ako sa tabi ni, Aurora at saktong dumating mga lalake may dala itong coke ang aga pa hindi pa nakakain tapos iinom sila niyan?

"Oy, pahingi ako hindi man lang kayo nagsabi." Maktol ni Aurora.

"May pera ka ha? Bumili ka ng sa'yo." Sabi ng pinsan niyang lalake.

Ngumuso si Aurora.

Napatingin ako kay Aiden, binigay niya sa'kin ang kaniyang coke at, hinalikan ako sa pisnge. Tumabi na ito sa'kin.

"Wala akong nakita ha? Buti pa si Kuya Aiden binigyan si Ate Yim, hati pa sila pero kayo? Parang hindi pinsan damot niyo." Maktol ni Aurora.

"Alam na'min matagal na,"

"Kumain na tayo mga bata." Tawag sa'min.

Tumayo na kami nakanguso pa si Auras habang padabog na umupo.

"Samahan mo ako pamaya, may bibilhin ako." Aiden said.

"Saan?" I asked.

Nakita kong napatingin sa'min si, Aurora at may binulong sa lalakeng pinsan bumulong din naman ang lalake kay Aurora.

Ngumisi ito.

"Sama ako, ako magd-drive may tricycle kami marunong ako."

"Sumbong kita kay Tito, ako na sasama sa kanila kayo na bahala dito." Ang isang lalakeng pinsan ni Aurora.

Hindi na nakapagsalita si Aurora at kumain na. "Ang ganda ng bracelet mo kanino iyan galing?" Tanong ni Julie.

Napatingin ako doon, "Ah ito ba? Galing kay Manang." Pag amin ko.

Trials Of FateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin