05 CHAP. hospital

0 0 0
                                    


VALERIE'S POV

" SO,  ano ng sabi ng doctor? Is she okay? Wala naman siguro siyang sakit, di ba?" Panic na tanong ni avril ng bumalik ako loob ng kwarto ni lou at kasam niya si alvin. In fearness he's hot...

" hey, kalma ka nga, baka ikaw nanaman tong hihimatayin, eh."

"Okay, hmmm."

" kasalanan ko kasi ito eh. Nakalimutan ko na nag sa suffer pala siya noon na muntik na maging nervous breakdown.  Uhg! Shit me!"

" baka nagka trauma siya noon. Pero baka nabigla lang siya kanina kaya nangyari yun. Alam naman natin na, magaan na yung pakiramdam niya simulan yumao na yung matandang uhugin. Siya talaga ang may kasalanan kung bakit nagka trauma si lou, eh"pagmamaktol na sabi ni  avril. Noon paman alam ni avril kung ano yung pakikitungo ni sir amante pagdating kay lou. Walang sekreto na hindi alam ni avril.

" minaltrato ba si ma'am lou ng yumao niyang asawa?" Biglang tanong ni alvin. Oo nga nandito siya at narinig niya ang pinag usapan namin. Pwedi naman siguro siya pagkatiwalaan halata din naman sa hitsura niya.

" uhmm,, yes. Pero matagal na yun dahil kinarma na siya sa mga pinaggagawa niya sa kaibigan namin" sagot si avril.

" sa ganyang klasing babae sinasktan? Hindi ba niya iniisip na malaking kawalan sa kanya ang ganitong babae? Tsk!" Sa limang buwan na pananatili namin dito sa pilipinas ngayon ko lang siya nakausap ng matagalan.  Ngayong ko lang ko  narinig na magsalita ng ganon. Na para bang masarap siyang magmahal pagdating sa babae.

" tama ka, vin. Ewan ko ba hindi naging maganda ang buhay niya sa mga nagdaang mga taon maraming pasakit na dumating sa buhay niya. Siguro kung wala sa tabi niya palagi si Valerie baka matagal na yang sumuko at baka nauna pa siya sa matandang iyon" sabi naman ni avril habang hawak ang kamay ni lou.

" syempre  ayaw ko naman na malawan siya ng pag asa. Kaya ginawa ko ang lahat para hindi siya panghinaan. Alam ko naman ng darating yung time na malalagpasan din niya ang mga pagsubok"

"Tama ka, kaya I'm so proud of you. You're always to her side hindi mo siya pinabayaan." Parang maiiyak na sabi ni avril. Yayakapin ko na sana siya ng magsalita ang pasyente namin.

" oh, ano ba yan ang ingay nyo. Nag MMK nanaman ba kayo?" Dilat matang ni lou at lumabi pa .

" you're awake!!" Sabay sabi namin ni avril. Si alvin naman ay napatayo at lumapit sa bed ni lou.

" salamat po at gising na kayo ma'am. May masakit po ba sa inyo? Tatawag po ba ako ng doct-"

"No, I'm  okay, vin. And thank you pala kanina at naagapan mo ko dahil kong hindi baka nakabulagta na ako sa semento. Salamat talaga ng marami." Ngiting sabi ni lou.
Grabi naman to si alvin. Parang boyfriend material lang? Kung makatanong  parang special niya yung girl namin.

" so, okay na talaga ang pakiramdam mo? May inirisita si doc bibilhin ko na lang to mamaya pag uwi ko. Baka hinahanap kana ng little river mo." Sabi ko sa kanya.
" at sorry pala kanina nabigla tuloy kita,  sorry  talaga"

"Nah,, it's okay trauma lang yun. Kaya relax lang kayo at uuwi na din ako sasabay na ako sa inyo, okay" akmang tatayo si lou ng bigla siyang pinigilan ni alvin.

" ay ma'am, baka mapano pa kayo. Pwedi naman ipagpabukas nyo lang po ang pag discharge nyo." Hmmm, nag alala talaga siya kaya nag eye to eye kami ni avril. Mukhang nakahalata din siya sa kinikilos ni alvin.

" no.. uuwi na talaga ako. Kaya ko na,  okay? at sak ikaw alvin ha, diba sinabi ko na sayong lou na lang ang itawag mo sa akin panay kang ma'am  na ma'am  sa akin. Subrang pormal mo naman ata." Sabi ni lou sa lalaki na may halong paninirmon. Manhid ka talaga girl..

Hope Everything Goes OkayWhere stories live. Discover now