04 CHAP. nahimatay

0 0 0
                                    


LOU'S POV

Mag dadalawang taon nang nag ooperate pero ngayon lang to nangyari.
Isang truck na chocolate ang edidiliver sana sa isang buyer na nag ngangalang  Mr xon Martinez.

Sa araw na mismo ang deadline ng delivery but sa kasamaang palad nag back out ang buyer sa hindi namin alam ang dahilan ng pag back out nila.

Tanging assistant lang ni Mr xon Martinez ang humarap sa amin dahil siya naman daw ang unang tumawag para omorder ng sweet hewy chocolates.

" bakit hindi mismo ang xon Martinez na yan ang mag pakita dito? Para harapin tayo! Ano to mga bata lang ang utak! Gago ba siya! Oras na makita ko ang taong yun kakalbuhin ko talaga siya!" Hysterical na sabi ni avril dahil sa galit. Buti na lang pinaalis ko ng yung assistant ni mr Martinez baka siya pa yung makalbo.

" hindi lang kalbo sa ulo niya ang gagawin ko. Kundi kalbo sa ulo niya sa baba! Pati kilikili niya at sa ilong! Kaloka siya ha. Kung ayaw niya sa products natin dapit tumawag na siya agad! Hindi yung kung deadline na, yun pa yung pagback out niya! Negosyante ba yun! Mukhang walang mudo!" Ganon din si Valerie..

Kung isang negosyante si Mr xon Martinez na yun bakit hindi ko ma search sa social media?

Ang sabi ng assistant niya kanina may ari daw ito ng mga convenience store dito sa Luzon at visayas.

" oh, ikaw? Bat speechless tayo dyan? Hello? Ikaw yung may ari pero wala kaming bad feedback diyan mula sayo. Is it okay with you about this? Kami dito talak ng talak pero zip lang?" Pansin sa akin ni avril na namumula parin sa galit.

" di ba sabi ko nga baka may hindi lang sila nagustuhan sa mga chocolates natin. Baka may mas taste pa sa kanilang panlasa. And besides hindi naman tayo lugi dahil nakapag down naman sila at hindi nila binawi yun. Kaya pwedi kumalma nga kayo"

"Ay, wow. Sayo na ang corona, girl. Asan na ba yung ETTA LOU PERES  noon? Etta na maldita, basagulira! At ayaw magpatalo sa awayan?"

" huwag mo ng hanapin yun, av. Wala na yung etta na hinahanap mo. Siya na si lou natin. Isang mabuting ina sa anak at mabuting  amo natin" salaysay naman ni val.

" alam nyo, bat ba hinahanap nyo ang dating ako? Eh, andito na ang bagong ako, duh.." sabay irap ko sa kanila.

" oo ikaw na iyakin!!" Sabay nilang sabi sa harapan ko at sabay lumabas sa opisina. Magsama kayong mga bruha!!...

Susundan ko  sana sila ng nakasalubong ko ang isa mga guards ko dito sa factory..

" uhm,, may  delivery po sa inyo, ma'am  parsel po"

" parsel? Wala naman akong iniorder, ah.  Okay akin nalang  manong baka order  yan ni avril o di kaya kay Valerie  naka address lang sa akin."

" ito po ma'am"

" salamat manong" 
Pagkatapos abutin ay sinundan ko na ang dalawa. Papuntang cafeteria ang tungo nila.  Nagutom siguro ang mga iyon sa kakatalak kanina.

                ♦
                ♦
                ♦

" ano yan?" Tanong agad ni avril ng umupo ako sa tabi nila.

" sayo ata to" lapag ko sa harapan  niya.

" akin? Wala naman ako iniorder, ah. Baka sayo to val" lapag din avril sa harapan ni Valerie.

" anong akin? Hindi ako mahilig sa online shopping, noh. Wait,  paano maging amin to eh sayo to naka address at nakalag pa dito ang complete name mo."

" ibibigay ko ba yan sa inyo kung akin yan? Mas lalong hindi ako mahilig mag online shopping, noh.  akala ko kasi sa inyo yan at pina address nyo lang sa akin." Pangatwiran ko .

" eh kung ganon, my ghad baka death treat yan girl!?" Biglang react ni avril kaya nabitawan ni val ang box.

Kaya nagkagulo tuloy ang mga taong kumakain sa loob ng cafeteria. Pati mga guards ay nilapitan kami.

" kalma lang po kayo ma'am. Baka mapano po kayo. Kami na po ang bahala dito." Pindistansya kami ng apat na guards para buksan yung box.

Feeling ko nag slowmo yung pagbukas ng maliit na box hindi naman siya malaki o maliit na box siguro pang dalawahang kamay ko.

" oh my ghad kuya baka, bomba yan!" Pasigaw ni avril na parang kinakabahan na talaga. Si Valerie naman speechless habang naka totok sa kamay ng guard.
At ako, pilit kong pinakalma yung sarili ko na hindi himatayin dahil sa subrang kabog ng puso. Parang handa ng bibigay ang mga tuhod ko.

" ma'am, okay lang po kayo?" Lapit sa akin ni alvin na isa sa  head production  ko.

" oh my ghad, lou!  You look pale! You okay? Dadalhin ba kita sa hospital? Sana hindi na lang kita binigla kanina! Sorry lou! Sor- ay! Lou!!"  Hindi ko na kinaya kaya bigla nalang bumugay yung mga tuhod ko buti na lang naagapan ako ni alvin para hindi mabulagta sa semento.

Hope Everything Goes OkayDär berättelser lever. Upptäck nu