This is a matter of survival. Kapag mahina ka, mamamatay ka.

We continued walking towards the opposite side of the road. Binilisan namin ang lakad hangga't busy pa sila sa katawan ni Jay. I wouldn't let something like this happen again.

"P-Paano na tayo niyan?" Katarina said in between sobs.

I swallowed the lump in my throat. Ayokong marinig nila ang panghihina sa boses ko. "What do you mean paano na tayo? We'll continue living. Jay chose to die."

"Paano kung hindi na tayo makalabas?" Seth asked all of a sudden making me stop from walking.

"Lalabas tayo. Hindi pwedeng hindi," sagot ko nang may pinalidad sa tono.

We were headed to a dark street. Walang kailaw-ilaw sa paligid. Yuan used his phone's flashlight. Dahan-dahan ang bawat hakbang namin habang nagmamasid sa paligid.

"Ano nga ulit pangalan nung hinahanap natin?" Winter asked in a low voice.

"Haji at Sandra," sagot ni Seth.

"Shit. Nakalimutan ko na kung anong itsura. May picture ba kayo?" medyo nagpapanic na sabi ni Karina.

"We'll know eventually if it was them. Ayos lang 'yan," I replied.

Isa 'yon sa mga bagay na hinding-hindi ako papalpak—ang mag-eksamina ng tao. I will know at first glance kung anong pakay mo. I can read people's body language. Not because I am curious or what, but because I was trained to do so.

Importante rin 'yan sa sitwasyon namin ngayon. Maraming umaasa sa'kin. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay ng mga kasama ko.

***

Sam Alonzo.

Kanina pa kami naglalakad. Kaunti na nga lang ay sisigaw na ako ng taympers dahil sa pagod. Ilang kilometro na ang nalakad namin ngunit hindi pa rin namin nakikita sina Haji at Sandra.

Pumasok kami sa loob ng Magsaysay Tunnel. Dito madalas ang taguan ng mga hindi pa infected. Mahirap kasing puntahan at malalaman mo agad kapag may mga zombie sa paligid dahil nage-echo siya sa loob.

"Wala pa rin bang signal?" Nixon asked while looking at his phone.

Tinignan din ni Yael ang cellphone niya saka umiling. "Wala pa rin. Mukhang hindi na rin nagana lahat ng cell tower."

Narinig ko ang pagmumura ni Evan kahit na nasa bandang likod siya. "Balak talaga tayong ikulong dito."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang araw na simula nang magsimula ang epidemya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring dumadating na tulong. Maging ang mga sundalo ay nasa labas lang at nagmamasid upang walang makalabas sa siyudad.

Maski relief goods o kung ano mang pwedeng iabot na tulong para sa mga na-trap sa loob, wala. How are we supposed to stay alive?

"Huwag niyo na lang muna gamitin ang phone niyo hangga't walang signal. Save your batteries," sambit ni Atlas.

Napatingin ako sa dulong bahagi ng tunnel. Mayroong labasan doon dahil konektado ang Tierra del Sol sa kabilang siyudad sa pamamagitan ng tunnel. Ito na rin ang nagsisilbing shortcut para hindi na mapahaba pa ang byahe.

Minsan na rin kaming dumaan dito noong bukas pa 'to. Pero nang may umupong bagong presidente, ipinasara na lahat ng underground tunnel sa Tierra del Sol. Hindi ko alam kung bakit. Kung tutuusin, mas efficient ang mga underground tunnels sa syudad. Iwas traffic.

SILAKBOWhere stories live. Discover now