09

1.4K 34 10
                                    

Chapter 9: Scream

Devion Cardinal.

"You really know how to mess things up, Sally," may diin na sambit ni Monica saka itinutok ang baril sa kalaban na nasa unahan.

I examined the zombie. He's holding a crowbar. Base sa mga nakakasalamuha kong mga infected, napag-aralan ko na rin sila. It's either this one is the intelligent or the one who can control their mind.

But sometimes, I couldn't tell what type of zombie they are. Mayroong mga hindi inaasahang pag-atake.

Ikinasa ni Monica ang baril niya.

"Kayo na ang bahala kay Haji."

I also pointed my gun infront. Hindi ko maiwasang kabahan habang nakatingin dito. Kadalasan, mga mahihinang zombie ang nakakasalubong namin. I am not a pro when it comes to guns but I know how to use one. As much as possible, I want to help Monica.

Hinampas ng zombie ang crowbar sa isang pader dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. Hahampas pa sana ito ulit nang kalabitin ni Monica ang gatilyo ng baril niya. Tumama iyon sa braso ngunit daplis lang. Kaya naman ginawa ko na ang dapat kong gawin. Tinarget ko ang ankle niya para hindi na siya makatakbo.

The zombie fell on the ground. Masyadong madilim kaya hindi namin siya makita.

"Just shoot him!" sigaw ni Sally sa likod.

Saka ko lang nakumpirma kung anong klaseng zombie ang nasa harapan nang bigla siyang tumapat sa liwanag ng buwan.

Boom. Headshot.

Stupid.

Nagmadali kaming lumapit sa fire exit at binaklas ang mga kahoy na nakapako roon. Mabilis din namin iyong nabuksan. Bumungad sa'min ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas.

"Mauna na kayo. Magpapahuli ako," saad ko.

Monica went down first to make sure we are safe. Kung sakali mang may umatake sa'min, asintado bumaril ang nasa harapan. Lumingon ulit ako sa loob ng gusali saka ako sumunod sa mga kaibigan.

Nagtago kami sa gilid kung saan hindi masyado kapansin-pansin kung sakaling may mga kalaban na dumaan. We waited for Atreus. Paulit-ulit akong nagdasal na sana ayos lang siya at makabalik agad siya sa'min.

Few minutes passed and there were still no signs of Atreus. I can hear the zombies' noise on the other side. Sa palagay ko'y nagsisimula na silang dumami. Unti-unti na rin kasing lumiliwanag. At habang mas tumatagal, mas lalo akong nag-aalala. Pinag-iisipan ko kung babalik ba ako sa playground para masiguradong okay si Tres.

"Darating pa ba si Atreus?" tanong ni Dahlia.

"Maghintay tayo ng kaunti pang oras," sagot ko, nakatingjn sa taas ng gusali kung saan naroon ang hagdan palabas ng fire exit.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. The zombies' groans grew even louder. May mga naririnig na rin akong kalampagan sa loob ang gusali kung saan kami dumaan. I have no idea if it was Atreus or the zombies.

"Devi, maghihintay pa ba tayo? Haji needs to be treated immediately," sambit ni Naya.

I looked at Haji. His eyes are closed. Namumutla na rin. So I really had no choice but to stand up and go back to where we came from. Nangako akong ichecheck ko si Atreus kung sakaling hindi siya agad makabalik.

SILAKBOWhere stories live. Discover now