04

2K 127 310
                                    

Chapter 4: Cool

Devion Cardinal.

Nagpakawala ako nang buntong-hininga habang nakatingin sa cellphone. Hinihintay ko ang reply ni Papa sa message ko. Kinakamusta niya kasi kami, kung ayos lang daw ba ang bakasyon namin dito. If only he knew what was going on here.

Sinabi ko na rin sa kanya na baka umuwi na kami bukas. Ang sabi noong si Jen, hindi na raw kami makakalabas. Pero ayoko munang maniwala roon... o isipin 'yon. Susubukan namin bukas. Kung talagang hindi kami palalabasin, then I guess we're stuck here.

Nilakad namin ang kahabaan ng tahimik na kalsada. Bibihira lang kami makasalubong ng tao. I guess we're lucky dahil wala pa kaming nae-encounter na infected.

I'm really trying to understand the situation we're in to. Marami pa ring tanong sa utak ko pero hindi pa nabibigyang sagot. Alam kong maging ang mga kasamahan ko ay hindi iyon mabibigay. For now, my only concern is my friends. We have to stay with each other hanggang sa matapos lahat nang 'to.

Tumigil kami sa paglalakad. Si Atlas ang nagbubukas ng gate ng old building. I think this is the headquarters they are talking about. Naghihintay pa rin ako ng sagot sa cellphone ko nang lapitan ako ni Atreus.

"Sinong kausap mo?" nakangiting tanong niya.

"Papa ko," I replied.

"Oh, miss mo na siguro siya," aniya.

Tipid akong ngumiti. "Sobra."

"Sabaok."

Napatitig ko sa kanya. Ngayon ko lang siya natignan nang ganito. I noticed his eyebrow and lip piercing na kaparehas ng kay Atlas. Maging ang tattoos sa kanang kamay parehas din.

"Kinareer niyo talaga ang pagiging kambal, 'no? Parehas kayo ng piercings at tattoos," sabi ko.

Atreus chuckled. "Ginagamit din naming strategy, e."

"Huh?"

Ngumiti siya saka umiling. "Wala."

Napaisip ako sa sinabi niya. Strategy? Saan? Sa sitwasyon namin ngayon kung saan na-stuck kami sa zombie apocalypse, saan nila 'yon gagamitin? Imposibleng sa zombies dahil kahit lituhin nila ang mga ito ay aatakihin pa rin sila parehas. They're blood-thirsty creatures. Walang pakialam sa itsura ng aatakihin.

Iniwan ako ni Atreus doon nang nakatulala at iniisip ang ibig niyang sabihin. He walked towards his twin and whispered something. Pasimpleng tumitingin sa akin si Atreus habang bumubulong sa kakambal. Doon pa lang alam kong ako ang pinag-uusapan nila.

I frowned even more. Tignan mo 'tong kambal na 'to, talagang pinagchismisan pa ako. At hindi man lang nila sinubukang itago sa'kin!

Nagulat ako nang taasan ako ni Atlas ng kilay. He looked at me from head-to-toe. Hindi ako nagpatalo. Tinaasan ko rin siya ng kilay at tinarayan. Ngunit mas lalo akong nawindang nang bigla niya akong irapan.

Havey na havey ang pag-irap, ah. Material gworl, yarn.

Siniko ako ni Naya, dahilan para mapabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Kita ko 'yun. Grabe, ah. Nasa tirikan ng mata stage na pala kayo ni Atlas," pang-aasar niya.

Umirap ako. "Shut up, Naya."

"Beh, bet ko yung singkit nilang friend. Feeling ko siya na ang the one," sabi ni Jace, his eyes twinkled. Mukhang nagde-daydream pa ng moments nila noong chinito na lalaki.

Haji snorted. "Nasa gitna tayo ng zombie apologize, kung ano-ano inuuna niyo."

Tumawa si Sandra at hinagod nang tingin si Haji. "Chill, baby."

SILAKBOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon