Hingang malalim muli at buga sa bibig ay lumapit na kami ni Riguel. Isang voice recorder ang nasa ibabaw ng mesa. Si Riguel ang unang nagbigay ng senyales na makikipagkamay siya rito. Sa hitsura kasi ng attorney—malalim ang mga mata, ni hindi makangiti kahit pilit---ay parang pagod ito at hindi natulog, parang wala rin sa huwisyo. Nakipagkamay rin ako.

"Alam ni Emilia ang laman ng Will ng ama mo," papaupo pa lamang kami ay bungad agad ni Atty. Tolentino.

Nagkatinginan kami ni Riguel. Sa bahgyang pagtaas ng mga kilay niya ay halatang ikinagulat niya rin ang narinig. Kung iyon kasi ang umpisa ng attorney, klaro nang patungkol kay Emilia lahat ang ilalalhad nito.

"Sinabi ko, Caterina." Napailing ang attorney, bahgyang mapait na ngumiti. "Mali ang ginawa ko bilang isang attorney, alam ko."

"Ano po ba ang nasa will ni Dad?"

"Nakalagay roon na may manang makukuha ang mga ina ng anak ni Stefano Mantovani."

Parang pinutol ang dila ko. Kung magpapasalamat ba ako, o masasaktan ngayong naunawaan kong may motibo si Emilia para ipapatay ang mga ina naming magkakapatid ay hindi ko alam. Klaro hindi lang sa mukha ni Riguel kundi pati sa mga mata nadismaya siya sinabi ng atty.

"Then why did you tell it to my Aunt?" tanong ni Riguel.

Umiwas ng tingin ang attorney, yumuko. "I was tempted. I wanted her. Willing siyang ibigay ang gusto ko. I thought she liked me that it came to the point I thought we were in love. Iniwan ko ang pamilya ko para sa kanya." Umangat ang mukha niya sa gawi ko, na parang sinasabing alam ko ang tungkol sa huling pangungusap na tinukoy niya.

Siyang totoo. Hindi pa kami ni Cas noon, mag-iisang taon pa lang siyang nanliligaw nang layasan sila ng ama. It was five years ago. Cas knew his father had a mistress. Pero hindi nito kilala kung sino.

Hindi ko alam sa ngayon kung kilala na ba ni Cas.

"Our immorility continued," napatuloy ang attorney. "Dumating ang oras na pinagkakatiwalaan ko na siya—si Emilia. Until one day she asked me about the Will. She was persistent. I'm an attorney; natunugan ko agad kung anong ginagawa niya. Sinabi ko, pero nagrebelde din ako. Outside it seemed I was so naïve, and stupid, and so in love with her; inside I was mad—I realized that very moment she had been using me the whole time. So I did the same thing with her—naggamitan kaming dalawa. I was so mad didn't tell her there was another Will; nakalagay roon na kung mamamatay ang mga ina ninyo ay sa inyong magkakapatid mapupunta ang mana. Kung hindi ninyo iki-claim o hindi maki-claim, kung anuman ang dahilan, ang mana ay mapupunta sa charity.

"And so I thought: ang alam ni Emilia, babalik lang kay Stefano ang share ng mamanahin ng mga ina ninyo. Sinabi niya ang balak niyang alisin sa landas niya ang iba pang tagapagmana—ang mga ina ninyo; Emilia seemed trusting me too; sa akin siya nagtanong kung may kilala akong magaling na private investigator—ipapahanap niya kung nasaan ang mga ina ng mga kapatid mo."

Muli ay nagkatinginan kami ni Riguel. Dali-dali ay kinuha ko ang aking phone saka ipinakita ang larawan ng bio-data ng private investigator. Kinuhanan ko kasi ang mga iyon ng litrato para i-send kay Killian. Ipinakita ko ang litrato sa attorney. "Ito ho ba ang imbestigador na tinutukoy ninyo?"

Tumango siya, matagal niyang tinitigan pero parang wala roon ang atensyon niya. "I'm mad, Caterina, but I loved her." Sa siste ng attorney ang talagang nais lamang nito ay maglahad. Ni hindi siya nagtanong kung saan ko nakuha ang bio-data. "Kaya wala akong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap; hindi ako nag-iisip nang tama. All I had in mind was to have concrete evidence to incriminate her. Pero naisip ko rin na baka nagbibiro lang siya, hindi niya kayang pumatay ng tao, dahil mahal ko siya. You know the moment as if you were torn between two things? You were so lost you just do things that doesn't make sense. I have video records with our conversation about her evil plans but I was just there, scared to lose her and at the same time, scared she might involved me."

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now