Tumahip nang husto ang dibdib ko, naglalaban ang puso at isip kung dapat ko bang hugutin ang plastic. Kasi nga, paano kung may hidden camera doon.

Pero isipin mo, Yna, tingin mo ay maglalagay si Emilia ng camera rito kung hubad na katawan niya ang maire-record? Hindi naman siguro siya bobo para hindi maisip na baka kumalat iyon.

At malamang sa malamang, bakit siya maglalagay ng camera kung mayroon siyang itinatago roon? Higit sa lahat, bakit hindi niya ako pinapapasok?

Dahil hindi niya makikitang may makikita ako?

Sa huli ay hinugot kong muli ang sabitan at ang tissue. Sinubukan ko ring hugutin ang plastic. Laking gulat ko nang mahirapan akong hilahin iyon na parang punong-puno ang butas doon.

Pinilit ko pa rin. Pero mas nagulat pa ako nang may pagkamahaba iyon—at may laman na mga papel. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang tuluyan ko iyong makuha. Maayos na naka-rolyo ang mga papel sa loob ng inakala kong plastic ay resealable bag pala.

Bakit? Bakit at naroon ang mga papel na iyon at nakatago?

Hindi ko na sinagot pa ang katanungang iyon. Ibinalik ko na lamang ang sabitan at ang tissue.

Bago ako lumabas ng banyo, inipit ko sa pantalon ko ang nahugot kong reaselable bag.

Dios mio... kung nasaan ka man Emilia, magtagal ka pa sana at mamaya ka pa dumating...

Pagkalabas ko ng kuwarto, noon tumunog ang cell phone ko. Lalong tumahip ang dibdib ko nang ang pangalan ni Riguel ang naka-rehistro sa caller ID.

Mabawasan lang ang paghuhurumentado ng puso ko ay binuhat ko ang basket, naglakad saka doon na sinagot ang tawag.

Nakakainis kasi parang kiniliti ako sa kung saan.

At doon natuon ang atensyon ko: sa kiliting iyon.

Ngiwi ang mukha ay himalang nabati ko pa siya pabalik. Naninikip ang lalamunan ko, at parang hirap akong magsalita. Masabi mang ganoon ay pinakaswal ko ang boses ko. "Kagigising mo lang?"

"Hindi. Kanina pa."

"Ahh..." Hindi na nawala ang kiliting iyon. Dios mio, Yna, umayos ka!

Araw-araw namang sumasaglit si Riguel dito. Medyo hirap ako sa sitwasyon. Because the more I couldn't get near to him, the more I wanted him. Nakakasora talaga!

"Nahihirapan ako, Cat."

Ako rin. "Saan?" Natigil ako sa pagbaba ng hagdan. Please, Riguel, huwag mo akong bigyan ng dahilan para matukso sa iyo.

"Nakailang gawa na kasi ako. Hindi ako kuntento.

Nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya. Ilang araw na nga naman siyang gumagawa ng pieces. Bukod sa nagpapa-practice siya para sa tryout, ang mga piece na gagawin niya ay para kay Emilia. "Pressured ka siguro."

"Baka nga. Bukas na ang tryout," sagot niya.

Gusto mo bang pumunta ako riyan at tulungan ka? Laking pasalamat ko pa rin dahil iba ang nasabi ko.


"Ano?" Para akong batang biglang nasabik, umasa rin ako na—

"Can you help me chose a design? Gusto ni Aunt Emilia ang pieces na pinili mo noon. Ipapaalam kita. Susunduin kita ngayon. Okay lang ba?"

"Oo. Sige." Hindi. Iyon dapat ang sagot ko. Pero um-oo ako.

Dios mio, wala sanang mangyari sa pagitan namin. Pihado kasing kami lang sa studio niya, at malamang sa malamang din ay ...

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now